Halo Halo part 2!

Posted on June 29, 2005
Filed Under Daily Rants, eskwela | 2 Comments

Isyu sa Pulitika

hmm! Ganun na lang ba iyon? Sorry? Ang tagal tagal mong nanahimik tapos ang lakas ng loob mong aminin at humingi ng sorry sa mga mamayang pilipino? Hindi mo man lang naisip na masisira ka at hindi ka tatanggapin ng taong bayan? Hmmm… naiinis lang kase ako sa paghingi ng sorry ni PGMA!

1. magsorry ka pala eh bakit ngayon lang?

2. aamin ka rin pala eh bakit ngayon rin lang?

… nde man lang naisip kung ano ang kanyang kahihinatnan sa pag amin nya ng mga bagay bagay na ikakahiya ng ating bansa. Kahit na sabihin mong wala sa intensyon mo ang mandaya eh ganun parin un… kumausap ka ng isa na kasapi sa comelec.. e dba bawal yan? At ano naman ang iisipin ng tao sa tanong mo kay “garci kuno” na.. will i still lead by more than one million? hmm.. ano kaya ang pinaguusapan nyo kung yan ang tanong mo? Hmm… ang talino mo nga, eh aanga anga ka naman!

School’s Over

Hay, tapos nanaman ang isang term. Sa wakas, makakapagpahinga nanaman ako ng mga dalawang linggo o isa? malay. Basta sa july 11 eh pasukan nanaman… Anyway, ewan ko ba. Natatakot ako at kinakabahan sa resulta ng aking grades.. Hindi pa siya lumalabas pero ewan ko. Kagabi pa ako ganito. Tuwing titignan ko iyong my mapua site eh kinakabahan talaga ako… im acting so strange lately. Ewan ko, cguro eh takot lang talaga ako na bumagsak pa! Well, ilan beses na rin akong bumagsak mga 3 na sa buong taon ko sa mapua. Pero ngayon eh iba ang nararamdaman ko.. Sobrang kabado talaga. Hay, sana lang eh ipasa ako ng mga prof ko…

etc…

Since wala ng pasok, pwede ko nang simulan ang lay out ng aking site… staticblue. Hmmm… sana eh bisitahin nyo yan! Atsaka nga pala, eh papalitan ko narin ang blog page ko. Dahil sa tinatamad akong basahin ang php codes ng wordpress eh baka magmano mano na lang ako at gagawa ng sarili ko… Hmm.. Bahala na.. Basta check nyo lang para makita nyo… Nagiisip na nga ako ngayon eh and nagpplano na ako na magdesign mamaya… ngayon eh blog muna!

Medotinside

haha,, starting to like this blog page…

…thats all for now. Pls do check out my site!!!

hehe… punta lang kayo dito sa link kung nais nyong magdownload ng ringtones at ung gloria gate cd… salamat!…

Halo Halo!!!

Posted on June 25, 2005
Filed Under Uncategorized | 1 Comment

Hay Finals na next week. At hindi pa ako nakakapagaral… Hindi ko alam kong babagsak ba ako o papasa… Nakakatamad kasing mag aral… Hindi naman ako dating ganito. Hindi ko alam kung kelan at kung bakit naging ganito ang takbo ng pag iisip ko. Yong tipong gusto mong gawin pero nde mo magawa. Ano nga ba ang bumabagabag sa aking isipan. Nakakainis na kase. Minsan naiisip ko na huminto muna kahit isang term lang dahil nahihirapan na ako sa aking sitwasyon ngayon. Ano nga ba ang aking problema.. Ang labo talaga. Ang problema ko, hindi ko alam kung ano. Pero nararamdaman ko na meron. Kasi kung wala, edi ang saya saya ko sana ngayon. Feeling ko talaga eh may kulang sa aking buhay. Ano ba etong kulang na gumagabagab sa aking isipan…

Hay, natapos na naman ang isang term… Napakabilis ngunit ang tanong eh may natutunan ba ako? Hindi ko malaman kung bakit ba ginawang quarter system ang mapua… OO nga napapabilis nito ang pagaaral ng mga estudyante, Ngunit naisip ba nila ang masamang epekto nito sa atin. Dalawang taon na akong nag aaral sa mapua at aaminin ko sa inyo na hindi ako satisfied sa mga pinagaaralan namin… Ang bilis bilis na nga ng pagtuturo ang gulo pa ng nagtuturo…OO ang bilis mo ngang nakagraduate pero natuto ka ba? Nakakaasar kase… At ang mga ibang instructor ay hindi effective ang pagturo… Nakakaasar talaga! Minsan iniisip ko kung bakit ba dito pa ako nagaral… Heheh pero minsan naiisip ko na ok narin.. kahit papano eh marami narin akong natutunan… Sa totoo lang… Joke lang eto.. lolz. joke lang.. Sa totoo lang eh diskarte lang talaga pagdating sa pagaaral… Kung hindi ka marunong dumiskarte talo ka! Kahit na gano ka galing pero wala kang diskarte eh bahala ka na! Ang sa akin lang eh. Masaya ako dahil halos tapos na ang term, kulang na lang ang resulta ng term na iyon. gusto ko nang makita ang aking grades…(tange, nde pa tapos ang finals)… papasa ka ba? ang gulo ng blog ko ngayon… ang gulo talaga ng pagiiisip ko! Bahala ka sa buhay mo kong maintindihan mo ang nais kong iparating!

Wala lang

Posted on June 22, 2005
Filed Under Kahit Ano! | 3 Comments

Bakit ba parati ko na lang naririnig etong phrase na eto “wala lang”… Hindi ba minsan eh nakakairita pakinggan kapag may tinanong tayo tapos ang isasagot sayo eh “wala lang”. Napakagandang reason yan aber! Marahil ay marami narin tao ang naiinis sakin dahil dito sa wala lang na yan! Hindi ko nga alam kung bakit, cguro wala lang?

Bakit ba ako nagbblog? wala lang…
Bakit ko ba eto tinatanong? wala lang…

Ang ganda nga ng title ko o! tignan mo! Wala lang… Sa totoo lang, sa aking pagiisip isip kanina. Napagtanto ko na merong kadahilanan kung bakit natin nasasabi ang mga eto…

- Nagiging bukambibig na natin eto… “expression” kuno…
- Minsan naman ay nahihiya tayo na sagutin ang mga tanong nila kaya nasasabi natin .. wala lang…
- Kadalasan naman ay wala talaga tayong masabi kaya wala lang na lang…

Malamang ngayon ay napapatanong ka narin at napapaisip kung bakit mo ba sinasabi ang mga katagang eto.. wala lang….

Kung nais nyong magdagdag ng rason eh magcomment lang kayo… Salamat

im sick…

Posted on June 20, 2005
Filed Under Kahit Ano!, Uncategorized, eskwela | Leave a Comment

yeah yeah.. im sick and i hate it!… I havent blog for days so before i continue working on my projects i’ll blog first.. :)

Okay, last saturday my friends and I went to glorietta to watch batman but we weren’t able to watch coz haha we’ve decided not to and instead just go to baywalk and ride the boat that they’re telling. We went there and its freakin hard to find a parking space. yah, it took us like minutes of searchin for parking space and another several minutes of parking, lol. My friend masa is the driver. Hehe. Pls be considerate, he’s just a beginner!:) ok enough of that!. Ok continue na, pagbaba namin ng car eh umalis na ung boat.. huhu… But there is another boat that will be sailing at 11:30 but we’ve decided na huwag na lang sumakay. Coz it will dock at 1:30 pa and the price is too much. ehehe. After strolling there, we went to bluewaves in macapagal highway and the usual tambay sa starbucks… hmmm. Then hinatid nila ako sa may pasay rotonda kase hindi na nila ako mahahatid sa house. Pagdating ko sa bahay nabalitaan ko na namatay pala ang lola ko..tsk tsk… Hay..

Moving on… yesterday was my brother’s birthday anniversary.. lol @ alvin… Hay… pumunta kami sa burol ng lola ko at ang tagal namin dun. Tapos pagdating sa bahay eh sympre may bisita pa. So in short hindi na ako nakapagaral at nakagawa ng kung ano man para sa school. Nag quiz kami kanina pero hindi ko alam kung makakapasa ba ako sa quiz na yon at sa subject narin! Hay. tapos umuwi na ako kasi sakit na ng ulo ko… Buti nga ngayon eh medyo ok na kaya pwde na akong gumawa dito sa computer… Hay talaga… Cge ako ay magttrabaho na uli!!!

Sana eh matapos natin ng maayos ang ating mga projects for school at lahat ng requirements… One week na lang finals na!!!

bye!

WALA!

Posted on June 13, 2005
Filed Under Uncategorized | 1 Comment

Hmmp! Hmm Happy birthday masa!(june 11) aun dapat magcelebrate sya nung june 11 rin kaya lang nagkatamaran! So un hindi natuloy pero kahapon eh natuloy kami! Nanood kami ng Mr & Mrs Smith astig tlga ang ganda ng movie na yan! Nakakatawa na action! Sobra kaya panoorin nyo ha? hehe Pagtapos namin nanood eh dumiretso kami sa Fridays para kumain at eto ang masaya sagot nanaman ni masa! Grabe ang baboy talaga kumain, sobrang daming nakain at nanakit na ang aming tiyan. Iyon nasayang lang may natira pang chicken fingers at nachos.. sayang lang talaga! Hay, ang tagal nga namin dun sa sobrang dami ng pagkain. Nauna pang umalis ung nasa likuran namin!.. Hmm aun ok naman pagtapos eh umalis narin kami sympre at pumunta sa kung saan man. Nagsayang lang ng gas… ok lang sasakyan naman ni masa eh.. hehe So un sa bahay lang rin ni masa ang tuloy. At doon eh wala ng nangyari hehe… Ano pa ba? Wala na. tinatamad na akong magpost kase ang dami ko pang tatapusin para sa school. sobrang ang lapit na talaga ng finals eh kaya pasahan na ng requirements… hmmm.. aun kaya cge na kase gagawa pa ako… Paalam… Ayako pang iedit etong blog page ko kase wala talagang time at tinatamad ako! kaya paalam na!

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads