Halo Halo!!!
Posted on June 25, 2005
Hay Finals na next week. At hindi pa ako nakakapagaral… Hindi ko alam kong babagsak ba ako o papasa… Nakakatamad kasing mag aral… Hindi naman ako dating ganito. Hindi ko alam kung kelan at kung bakit naging ganito ang takbo ng pag iisip ko. Yong tipong gusto mong gawin pero nde mo magawa. Ano nga ba ang bumabagabag sa aking isipan. Nakakainis na kase. Minsan naiisip ko na huminto muna kahit isang term lang dahil nahihirapan na ako sa aking sitwasyon ngayon. Ano nga ba ang aking problema.. Ang labo talaga. Ang problema ko, hindi ko alam kung ano. Pero nararamdaman ko na meron. Kasi kung wala, edi ang saya saya ko sana ngayon. Feeling ko talaga eh may kulang sa aking buhay. Ano ba etong kulang na gumagabagab sa aking isipan…
Hay, natapos na naman ang isang term… Napakabilis ngunit ang tanong eh may natutunan ba ako? Hindi ko malaman kung bakit ba ginawang quarter system ang mapua… OO nga napapabilis nito ang pagaaral ng mga estudyante, Ngunit naisip ba nila ang masamang epekto nito sa atin. Dalawang taon na akong nag aaral sa mapua at aaminin ko sa inyo na hindi ako satisfied sa mga pinagaaralan namin… Ang bilis bilis na nga ng pagtuturo ang gulo pa ng nagtuturo…OO ang bilis mo ngang nakagraduate pero natuto ka ba? Nakakaasar kase… At ang mga ibang instructor ay hindi effective ang pagturo… Nakakaasar talaga! Minsan iniisip ko kung bakit ba dito pa ako nagaral… Heheh pero minsan naiisip ko na ok narin.. kahit papano eh marami narin akong natutunan… Sa totoo lang… Joke lang eto.. lolz. joke lang.. Sa totoo lang eh diskarte lang talaga pagdating sa pagaaral… Kung hindi ka marunong dumiskarte talo ka! Kahit na gano ka galing pero wala kang diskarte eh bahala ka na! Ang sa akin lang eh. Masaya ako dahil halos tapos na ang term, kulang na lang ang resulta ng term na iyon. gusto ko nang makita ang aking grades…(tange, nde pa tapos ang finals)… papasa ka ba? ang gulo ng blog ko ngayon… ang gulo talaga ng pagiiisip ko! Bahala ka sa buhay mo kong maintindihan mo ang nais kong iparating!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
ako din. parang after 3rd year, hindi pa ako ready mag-trabaho. parang kulang pa ang kaalaman ko. ewan!