Halo Halo part 2!

Posted on June 29, 2005

Isyu sa Pulitika

hmm! Ganun na lang ba iyon? Sorry? Ang tagal tagal mong nanahimik tapos ang lakas ng loob mong aminin at humingi ng sorry sa mga mamayang pilipino? Hindi mo man lang naisip na masisira ka at hindi ka tatanggapin ng taong bayan? Hmmm… naiinis lang kase ako sa paghingi ng sorry ni PGMA!

1. magsorry ka pala eh bakit ngayon lang?

2. aamin ka rin pala eh bakit ngayon rin lang?

… nde man lang naisip kung ano ang kanyang kahihinatnan sa pag amin nya ng mga bagay bagay na ikakahiya ng ating bansa. Kahit na sabihin mong wala sa intensyon mo ang mandaya eh ganun parin un… kumausap ka ng isa na kasapi sa comelec.. e dba bawal yan? At ano naman ang iisipin ng tao sa tanong mo kay “garci kuno” na.. will i still lead by more than one million? hmm.. ano kaya ang pinaguusapan nyo kung yan ang tanong mo? Hmm… ang talino mo nga, eh aanga anga ka naman!

School’s Over

Hay, tapos nanaman ang isang term. Sa wakas, makakapagpahinga nanaman ako ng mga dalawang linggo o isa? malay. Basta sa july 11 eh pasukan nanaman… Anyway, ewan ko ba. Natatakot ako at kinakabahan sa resulta ng aking grades.. Hindi pa siya lumalabas pero ewan ko. Kagabi pa ako ganito. Tuwing titignan ko iyong my mapua site eh kinakabahan talaga ako… im acting so strange lately. Ewan ko, cguro eh takot lang talaga ako na bumagsak pa! Well, ilan beses na rin akong bumagsak mga 3 na sa buong taon ko sa mapua. Pero ngayon eh iba ang nararamdaman ko.. Sobrang kabado talaga. Hay, sana lang eh ipasa ako ng mga prof ko…

etc…

Since wala ng pasok, pwede ko nang simulan ang lay out ng aking site… staticblue. Hmmm… sana eh bisitahin nyo yan! Atsaka nga pala, eh papalitan ko narin ang blog page ko. Dahil sa tinatamad akong basahin ang php codes ng wordpress eh baka magmano mano na lang ako at gagawa ng sarili ko… Hmm.. Bahala na.. Basta check nyo lang para makita nyo… Nagiisip na nga ako ngayon eh and nagpplano na ako na magdesign mamaya… ngayon eh blog muna!

Medotinside

haha,, starting to like this blog page…

…thats all for now. Pls do check out my site!!!

hehe… punta lang kayo dito sa link kung nais nyong magdownload ng ringtones at ung gloria gate cd… salamat!…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

2 Comments so far
  1. skwayred July 7, 2005 6:26 PM

    Salamat talaga sa plug ahaha, sa’n ka pala bumili ng domain? At magkano? Kaya mo ba tinatanog ‘yung sa .info?

    Tapos ‘yung kay Gloria, kanina lang clinear n’yang wala s’yang inaming pandaraya, sabi n’ya eh kinausap n’ya lang ‘yung COMELEC official (which is still a wayward behavior but of course a lesser offense than pandaraya). Nasasayo na kung paniniwalaan mo. ;)

  2. staticblu3 July 8, 2005 7:35 AM

    hehe ayus lang.. hmm.. ung domain eh kasama sya sa package ng bumili ako ng hosting sa www.hostingPH.com … at magkano? 1250 a year. medyo napamahal tlga ako.. kala ko kase mura na sya hehe. kaya nagtatanong ako nung sa info hehe…

    hmm… oo nga wala pa syang inaming pandaraya pero sana tlga totoo ung mga cd na un.. tapos kapag pinakinggan ng buo eh lagot sya hehe(kung may pinagusapan sila about sa pandaraya hehe) pero grabe tatanga tanga kase. Bakit pa kelangan kumausap ng comelec official. at inamin narin pala ni garci na sya ung kausap? tama ba? hehe…