Posted on July 20, 2005
Filed Under Uncategorized | 6 Comments
Wah. Bobo! Nabura ang na-type kong blog! Badtrip! Ayun… Marahil ay napansin nyo na sinabi ko sa aking mga nakaraang post na aayusin ko na ang aking website! Ngunit hangang ngayon ay hindi ko parin naayos! Sobrang nararamdaman ko na na 3rd yr college na ako! Nandyan ang compiler theory na sobrang hirap na kailangan mo pang pagaralan muli ng maigi ang c++ at higit sa lahat ay nakakatakot ang prof! Isa yang dahilan kung bakit hindi ko matutukan ang pagtapos ng aking website. Sobrang laking oras ang nakakain sa pagtutok ko sa pagaral sa iba ko pang mga subject. Nariyan ang database, Rizal, at ang elective na multimedia. Hindi naman sa prinepressure ko ang sarili ko, pero ang sa akin lamang ay ayaw ko ng mangyari pang muli ang mga pagkakamaling nagawa ko dati! Kung alam nyo lang, 3 subject na ang binabagsak ko! Mula sa pinakamadaling public speaking(pang freshman pa, hindi ko kinuha muli dahil na trauma ako), discrete math 1 at c++. At ayaw ko nang madagdagan pa iyan! Kaya eto nagbabagong buhay na! wehehe… Nga pala nagkasakit rin ako kaya medyo hindi ako makapagblog. Nakakainis talagang sipon yan.. Pati ang panahon. Ulan araw ulan araw!
Marami pa akong nais na ipost, mga bagay na naiisip isip ko sa aking pagmumuni muni bago matulog. Mga hinaing ng isang lalakeng nagpapakabaliw sa kung ano man! Kaya lang ay hindi ko mabuo ang mga bagay bagay na eto! Sabog sabog na parang salamin na nabasag na kay hirap ibalik sa dati! Isa pa, tuwing naiisip ko ang aking pagaaral. Nawawalan ako ng gana magsulat! Kaya eto nawawalan nanaman ako ng gana! Sa ngayon ay ipagpapatuloy ko ang pagmumuni muni upang makabuo ako ng isang magandang blog.. wehehe! Paalam muna ngayon! Korne ng blog! walang kwenta!
Posted on July 12, 2005
Filed Under Uncategorized | 4 Comments
Hmm.. malamang eh interesado kayo dito? hmm. Hindi ko pa sya nattry pero cguro totoo naman sya kase may fellow blogger ako c ava na kumita na yata dito hehe… kung gusto nyong makita ang pruweba eh bisitahin nyo ang site nya… medotinside tapos punta kayo sa archives na april.. nalimutan ko na.. or visit nyo rin etong site na to… setupyourwebsite tapos un..
ang gagawan nyo lang ay magbigay ng product at website review.. hmm madali lang no? why not try and earn a lot.. sa bahay ka lang.. at wala ka pang bossing.. kelangan mo lang magaling sa grammar and all.. para mataas ang bayad nila! O dba… try na! hehehe
Posted on July 11, 2005
Filed Under Uncategorized | Leave a Comment
hmm.. My site is still underconstruction. the hell, parang walang nangyari nung bakasyon.. Hindi ko man lang natapos! Ano bang nangyari sa akin.. hehe TO tell you honestly, naadik ako uli sa Gunbound. grabe kase eh nakakainis nga eh. pero im trying naman na wag na maglaro uli pa nun.. hehe para makapag concentrate ako sa mas magandang bagay na makakapagpaunlad sakin hehe… Well, may nabasa nga ako sa isang site dati pero hindi ko matandaan ung site basta ganito ung sabi.. post ko na lang hehe nakalimutan ko rin eh hehe… hmm. kaya un gagawin ko sya bukas cguro! bahala na
Posted on July 11, 2005
Filed Under Uncategorized | Leave a Comment
after a long 2-week-break hmm pasukan nanaman! Parang kelan lang nung una akong nagenrol sa mapua. Kasama ko pa ang aking ama na nagpunta ssubalit hindi pala sila pwede mag enrol para samin. Kailangan daw na ang mga estudyante ang mag enrol! Kaloka! bwaha.. iyon nga! Parang kelan lang… Ngayon eh 3rd year na ako and hopefully eto na ang last year ko! Nakakatakot nga kanina or kahapon kase nga first day. Biruin mo unang subject ko ay database management system at 12pm, ang prof ay si maam esteban. She’s COe grad from mapua rin. well! hehe ok naman sya.. kaya lang lam mo na… then may break ako ng 1:30-3. Grabe ang hirap ubusin ng oras hehe.. para bang ang tagal tagal na namin nag hihintay eh wala paring 3. kaasar. Cguro dahil first day palang. Hmm. pagtapos nun ay compiler theory @ 3pm. grabe super hirap ng subject na to at ang hirap pa ng prof.. nakakaasar nga eh.. hay… sana pumasa ako dun.. kelangan ko ng malupit na pagaaral hehe… pagtapos nun ay rizal na @4:30 then uwian na… Ang klase ko ngayon ay MWF at S!!! o dba ang saturdays ko ay 7:30-4:30 straight ha.. walang break.. or may break ng one minute para lipat room hehe.. laboratory kase pareho eh.. aun.. hirap no? hay ganito pala kapag ikaw ay malapit na magtapos.. nararamdaman na ang konteng pressure hehe… konte lang? well.. sympre naprpressure ako dahil:
1. ayaw ko ng bumagsak…
2. last year ko na, at gusto kong bumawi.
3. nakakatakot ang prof at ang subject hehe. un lang
well bahala na talaga… after ng class kanina eh natuloy ang lakad ng mga CS na naging estudyante ni Sir Mac. hmm.. halos mga estudyante nya sa OOP-object oriented programming. Si sir mac pala ay grad din ng mapua IT. SO un hehe.. wala kain lang sa Gilligans and kwentuhan un lang.. Salamat kay Sir! hehehe
Pagtapos nun eh wala na.. nakauwi ako ng mga 10pm na. sobrang tiring. pero eto nagbblog parin! Grabe talaga… EH wala naman akong pasok tomorrow.. kaya un ok lang na magpuyat ng konte hehe… ay sya paalam na!!! Sorry napaka walang kwenta ng blog ko!
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...