Pinoy Big brother on the go…

Posted on August 31, 2005
Filed Under showbiz eto! | 9 Comments

Kahapon nung papasok ako ng school eh kumuha ako ng LIBRE sa may MRT dahil wala lang.. after how many months eh ngayon lang ako maaga at naabutan ko ang LIBRE… Aba akalain mo nga naman! hehe nabasa ko ang sulat ni sino nga un? nakalimutan ko tuloy… basta isyu tungkol sa Pinoy Big brother na baka daw masuspend eto dahil sa mga hindi magagandang scenes… Tulad nung last week iyong nag body paint sila… Aba biruin mo ipakita ba naman ang scene na pinipinturahan ni babae etong ano ni Franzen… kahit na may suot pa eto eh medyo lam mo na as in!!! Hehehe nandyan din ang mga kwentuhan ng mga housemates tungkol sa mga bagay bagay na medyo hindi ayon sa mga batang nanonood… Hmm.. ano sa tingin mo?

Sa akin eh… ayus lang naman! Pero siguro dahil nasa time slot eto ng primetime bida ng ABSCBN eh malamang kelangan talaga nilang ayusin ang reality show na ‘to. Siguro i-reserve na lang nila iyong mga scenes na iyon sa gabi. Na kung saan eh mas kokonteng nakakanood na mga bata. Isa pa, kung tatanggalin ang mga ganitong scene eh malamang parang hindi na ‘to reality show. Biruin mo tatanggalin iyong mga ibang scene at ipapakita lang ay yong mga ayon sa ating mga pilipino daw… Hala, edi parang naging scripted na to. Parang nahalo na talaga siya sa mga telenobela natin. Pero dito eh walang script pero parang nagkakaron dahil nga sa pagfilter ng mga hindi magagandang scene… Nawawalan daw ng moral ang mga pilipino dahil sa mga nakikita natin tulad nito? Na dahil hindi naman daw ganyan ang mga pilipino? Naku ang tanong eh hindi nga ba? wehehe marahil eh kailangan na natin imulat ang ating mga mata sa katotohanan na nagiiba na nga ugali na mga pilipino. Pero nandyan parin ang ating mga values… Ayos lang naman na pagusapan ang mga ganyang bagay kase in a way nae-educate tayo. Hmm.. medyo nalalayo na yata…

Hmm… sa totoo lang? Ayos naman ah! May parental guidance nga nakalagay eh… Kung tatanggalin nila yan eh ano nanaman ipapalabas nila? Mga teleseryeng pare-pareho na lang ang kwento? o kaya naman ay mga chinovela? hmm… Iba na ang panahon ngayon mga tsong! Hindi na uso si maria clara. Hindi naman ibig sabihin na kung may napaguusapan kayo na mga topic na tulad ng @#$ eh bastos ka na at walang moral… Hmm.. tama ba? Aba’y nahihilo na ako!!! kaya paalam na…

ang sulating ito ay hakahaka lang at opinyon lamang… Peace!

not-so-nice-weekend

Posted on August 27, 2005
Filed Under Daily Rants, eskwela | 1 Comment

MP2:
Pagkatapos ng ilang gabing puyatan eh eto nanaman po! Sabado nanaman, pasahan na ng MP2… Sa totoo lang wala akong maiipasa, Hindi naman sa hindi ako gumawa. Ngunit sa sobrang hirap ay hindi gumana ang mga ginawa kong program. Nahihiya tuloy ako kay Rose(pair ko sa MP) kase ako ang nagsabi na ako na lang ang gagawa dahil mas makakagawa ako ng mag isa… Pero eto wala akong natapos… Sana makabawi sa Final MP…

Home Alone:
Kakaalis lang na aking mga kapatid. They are heading to Zambales to celebrate my Lolo’s 89th birthday. Halos lahat ng kamag-anak ko eh pupunta… Unfortunately, Hindi ako makakasama because of only one reason… Compiler, dahil nga ngayon ang defense kahit na wala akong maiidefend kailangan makapasok para hindi ako zero! hehe… Yan lang ang dahilan at oo may Lab pa ako mamaya sa Multimedia pero dahil sa mga pangyayari eh baka hindi ako makapasok… Malamang eh hindi na ako susunod sa Zambales dahil pagod lang… Uuwi rin naman sila siguro bukas kaya iyon… Magoovernight na lang siguro ako sa kabarkada ko… Ayaw kong magisa dito! hehe…

Sleepless night:
Dahil sa compiler na iyan eh hindi ako nakatulog… Kaya eto magblog na lang ako… 7:30am ang class ko eh 5 na… Ayaw ko nang matulog dahil mas lalong sasakit ang ulo ko!!! wah… ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ang pressure ng pagaaral. Ang hirap pala, lalo na kapag konteng taon na lang eh magmamartsa ka na paakyat ng entamblado at sasayaw ng pamela wan igalaw ang katawan.. hehe hindi, aakyat upang kunin ang iyong diploma at magpapicture.. wehehe Iniisip ko na lang na Mas marami pa ang susunod dito… Kung baga eh simula palang eto ng paghihirap… Kaya un… Hay na lang…

Grabe magkakasakit na yata ako…

IBM Websphere Seminar

Posted on August 25, 2005
Filed Under Tecnolohiya, eskwela | Leave a Comment

There will be a seminar with IBM on September 1, 2005 9:00 to 11:00AM at Audio Visual Room 2, Mapua Makati regarding IBM Websphere and Service Oriented Architecture (SOA).

Register ASAP as this is a first come first serve basis.

Deception Point

Posted on August 25, 2005
Filed Under review? | 4 Comments

I was introduced to the books of Dan Brown by someone. He told me about Da vinci code and still I am not convinced to read. Not until when my sister borrowed a book from her friend and i started reading it. I was amazed…

Then i Grabbed a copy of Deception Point… Yeah, an amazing thriller with loads of suspense… Una akala mo iyong nasa side ng bida eh bida rin… But then iyon pala ung antagonist. Almost similar sa Da vinci code…

deception point

I really enjoyed reading it, kahit na may mga tatapusin pa akong MP and other important stuff… It is really interesting, haha makes you want to read some more… And you won’t realize the time you’ve spent on reading… Just like me… I wasn’t able to sleep just for the sake of finishing the book and … Hehehe…

My rating 9/10

peace!!!

Sa mga magimik at walang kotse!

Posted on August 23, 2005
Filed Under Daily Rants | 6 Comments

… para sa atin ‘to! Kanina nung pauwi ako galing sa mapua makati… eh siyempre sumasakay ako ng MRT… Nasa mrt buendia kami at biglang may narinig ako. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gawa gawa lamang ng aking isipang lumilipad sa himpapawid… may narinig ako ng dingdong… Sinasabi nito na ang mrt daw ay magdadagdag ng oras ng kanilang operation at ang last trip daw galing sa taft eh 11:25pm… woah totoo ba yan? Aba malay ko… Tinanong ko ung kaklase ko kung narinig ba niya. Sa kasawiang palad eh hindi niya narinig. Kaya hindi ko na lang pinansin…

Ngayon ngayon lang, habang ako ay nagiinternet at nagddownload ng Jcreator. Narinig ko nga sa balita na hangang hating gabi na daw ang operating time ng MRT at LRT… well napalingon ako bigla at totoo pala ang aking narinig kanina… Wala lang… Naisip ko lang ang mga ikinaganda nito…

1. Makakauwi na ako ng hindi magba-bus o magjejeep o magtataxi tuwing ako ay gumagala… hehehe!
2. Sympre dahil mas ligtas nga sa LRT o MRT eh mas safe tayo… mababawasan ang mga krimen sa gabi!
yan lang.. hahaha…

Sa mga oras na ito ay wala na ako sa tamang pagiisip at may alzheimers (tama ba spelling?)disease na yata ako… at nakalimutan ko ang mga ikinaganda nito! Well.. Magandang naging desisyon ng mrt at lrt administration dahil sa maitutulong nito sa ating mga mamamayan na umaasa sa mrt at lrt… Malaki na ang naitulong nito sa atin kaya wala lang.. hehe… Nais ko lang i share iyan sa inyo!

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads