Laptop

Posted on August 18, 2005

Kahapon sa school eh medyo ang daming bakanteng oras ang nasayang ko. Pumasok ako sa una kong klase simulang 12-1:30pm at nagbreak… Dahil may mga kakilala naman ako sa unang section ng compiler eh nalaman kong walang prof. Nadagdagan ang break ko… from 1:30-3pm naging 1:30-4:30. Obvious naman na walang magawa… Nasayang talaga ang oras at panahon.

Naisip ko lang na sana kung may laptop ako siguro eh nagpprogram na ako sa school para sa machine Problem(MP) 2 namin. O kaya naman ay nagiinternet para makapaghanap ng kung ano ano man gamit ang wireless internet ng aming school(sosyal)! O kaya naman ay nanood ng kung ano mang mapapanood hehehe… Oo ganyan na kaHigh-tech ang panahon ngayon… Sa mapua nga eh kahit san ka tumingin eh may makikitang gumagamit ng laptop. Pagsumasakay ako ng jeep papuntang school may mga halata namang may dalang laptop ung iba dahil sa bag nila.(magjeep ba daw ng may dalang laptop). Ganyan na ba talaga kaimportante ang laptop sa buhay ng tao? Parang celfone rin eto na bigla bigla nalang naglitawan sa mundong ibabaw. Baka ilang taon pa eh pwde mo naring palitan ng housing ang laptop mo… Hindi naman sa naiinggit ako sa mga taong nakikitang kung may laptop… Naiisip ko lang na sana kung may laptop ako eh mas marami akong magagawa. Dahil sa aking pagmuni muni tungkol sa laptop na yan… May mga bagay rin akong natutunan…
laptop noon!
[eto daw ang itsura ng laptop noon]
1. Ang laptop pala ay naimbento ni Adam Osborne noong 1981 at tinawag itong osborne 1 at may halagang $1795…
2. Hindi pala laptop iyong mga nakikita ko nung bata pa ako… ung v-tech.. bwahaha…
3. Kaya pala notebook ang tawag dito eh dahil natutupi eto ng tulad sa notebook… Kaya lang hindi mo ito pwdeng sulatan gamit ang ballpen o ang lapis mo…
4. Naitanong ko lang sa sarili ko na bakit ba laptop ang tawag dito.. at tenenen kaya pala laptop eto eh dahil madalas siyang nilalagay sa lap mo… pero mas madalas parin sa table kaya dapat tabletop ang tawag dito…
5. kapag ipinatong mo ang laptop sa may hita mo… ilang minuto palang eh masusunog na ang balat mo dahil sa init.. kelangan mo ng patungan tulad ng patungan ng mga cups…

mangilan–ngilan lang yan sa mga natutunan ko…

Ano nga ba ang maidudulot ng laptop sa aking buhay? (1) sympre kapag may sarili akong laptop wala akong kaagaw. Hindi ko na kelangan idelete ang temporary internet files at iclear ang cookies at history… (2) malamang eh mas magiging productive ako. dahil pwde akong magcomputer habang tumatae, at pwde ko etong dalhin kung saan saan. basta may charger ka at puno ang battery mo at sympre wi-fi. (3) Hindi na ako maiinggit sa mga taong may laptop(sinabi ko kanina na hindi ako naiinggit) pero sa totoo lang eh kahit papaano naiinggit ako.. (4)sasaya ako kapag nagkaron ako nito! bwahaha… at pwde na akong mag inggit! (5)cool na daw ako dahil may laptop ako!hehe…

ilan lang yan sa mga inaasam-asam ko sa ngayon dahil wala akong pambili ng laptop at hindi naman daw kelangan sa ngayon ang laptop sabi ng aking magulang.. well sa palagay ko kelangan! lalo na kapag ikaw ay nasa field ng Information technology eh eto ay nagiging parte ng mga kailangan mo sa buhay… at hindi ito napupunta sa mga gusto mo lang…in english neccessity na siya in a way parang celfone nga! Hindi na siya sa “wants” bumabagsak.

Kung wala kang laptop sa ngayon eh nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko? O masyado lang akong nagiinarte sa buhay puro kaartehan ang alam? Kung sabagay… Iba iba nga talaga ang ugali ng tao hindi naman pwde tayong lahat eh pare pareho.. Para san na ang word na Unique kung lahat tayo ay pare pareho!
Hindi ganito ang actual na Laptop ang gusto ko! masmaganda pa diyan hehe
Laptop! magkakaron din ako niyan in due time… Hehehe

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

15 Comments so far
  1. pacute_grl August 18, 2005 5:25 AM

    kawawa ka nman., nakakainggit nga ang may sariling laptop.,pero nakakatamad din magbitbit sa school at kung saan-saan.,;)

    aq man noon ay may sariling laptop., yeah ryt., haha., pero totoo., kaso lang luma na., at sobrang bigat., pero may nagagawa naman ako doon., pde mag-internet at mag C++.,haha., pero nman., ang hirap magbitbit!!sobra., dalhin mo ba nman mula quezon city hanggng makati., kung mayaman ka., bili ka na lng ng bago.,yung magaan at maliit.,;)

    anyway.,share q lang., here in Canada ang kaiiniggitan mo e yung magaganda nilang I-POD.,haha., yun ang madalas kong nakikita dito., kaya yun ang kinaiinggitan ko dito sa ngayn., haha.,

    i also like a laptop of my own., tama ka., kung nsa field ka ng information technology., kailangan mo nga ng sarling laptop., marami naman na mabibihan dyan sa pilipinas e., maghanap ka lang at mag-ipon., hmm., ako?!!dito na ako bibili kse medyo mas mura ang laptop na maganda kesa dyan., haha.,

    maggraduate ka muna saka ka makakabili nian., maganda yung apple na comp., haha., that’s around $1500 dito smen., (convert sa peso., $1-45 pesos e) kaya kung gsto mo pag-ipunan muna.,

    may computer ka naman dyan sa inyo., maswerte ka pa nga na sa hirap ng buhay dyan e meron ka pa rin na computer., kaya count your blessings kk?!!!

    yun lang., xenxa na sa drama.,;) e teka lang., asan n yung mga chismis?!!haha.,

  2. sarah August 18, 2005 7:19 AM

    mainit talga sa lap pag yan ilaalgay mo! tinry ko sya para lang ma feel ang pagka “LAPtop” nya! ndi kinaya ng sensitive skin ko sa hita!! napaso pa ako!

    hahahah!! ako talga gusto ko laptop, kaso lang mahal kasi.. i can afford it, perooo.. ay, ndi ko alam kung bakit desktop itong binili ko?? haay… pag may extra pera ulit ako.. bibili nalang ako ng laptop at itong si desktop, ipapamana ko nalang sa kapatid ko? !! ? ewan.. ayoko mag isipisip.. hahahha!!!!

    ang cute nung makalumang notebook.. at mukang mabigat sya!! hahaha!!

  3. staticblu3 August 18, 2005 1:23 PM

    paula:: haha… baka naman ung laptop mo eh mga 6 inches and kapal kaya mabigay bwahaha…. IPOD? hindi ko siya masyadong kelangan sa ngayon dahil sa unang una eh kakanta na lang ako kesa makinig haha… at pangalawa eh hindi practical… Bibili na lang ako ng MP3 player ng creative.. mas mura pa wehehe… Hindi naman sa cant afford kami eh kaya lang sabi talaga ni papa eh hindi pa daw practical lalo na ngayon may desktop computer naman kami kaya un… hay na lang… bwahaha… tama pasalamat kung ano meron sa atin ngayon… and ask for more bwahaha…. ang chismis.. tsaka na dahil seryoso ako sa mga panahon ngayon…

    sarah:: haha uu masyadong mainit baka masunog ang ating mga balat.. kaya nga dapat tawag sa kanya eh tabletop o kaya naman ay desktop na rin haha.. o di kaya’t notebook na lang.. bwahaha… wow… bigtime ka eh.. nagwwork ka pa sa amazon at nakapagwork pa sa microsoft.. minsan naman kapag malaki laki ang bonus eh padala ka dito bwahaha… joke lang!
    ang cute nga nung lumang notebook kaya lang kapag tiniklup mo na siya eh magmumuka na siyang lalagyan ng mga tools ni papa hehe… o kaya naman ay parang lunchbox… weeeee hehehe!!!

  4. feliz August 18, 2005 3:00 PM

    wui jong! wahaha! nice site blue dn… i-aadd kta sa links ko ha

  5. staticblu3 August 18, 2005 4:38 PM

    feliz:: sure sure.. add din kita ok? hehe Salamat!

  6. uLan August 18, 2005 8:02 PM

    last year meron pa kong laptop pero dahil engot ako, binenta ko un sa bestfriend ko ng 9T lang. may floppy disk reader at disc player. ngayon nanghihinayang ako, kahit na may pc ako sa bahay, iba pa rin ung may laptop akong nadadala sa school lalo pa ngayong nagwa ako ng thesis…

  7. lws August 19, 2005 2:48 AM

    hi blog hop:)

    balang araw magkakaroon ka din ng laptop lalo na pala inaasam-asam mo na magkaroon ka nito ako rin tulad mo nagwish ako ng laptop 5 yrs ko ng kasakasama ng laptop ko hanggang ngayon di ko pa napapalitan dahil talagang mahal ko na rin ang gadgets na’to lalo na pag wireless ang gamit naku kahit saan mapa library at sa park or sa mall nagagamit.meron ding pda d2 sa bahay pero pang alarm clock lang gamit minsan pang play ng mp3s pero madalas ang laptop at desktop
    ang gamit.

    cheers:)sana balang araw magkaroon ka ng laptop.malayong mangyari man pero posible di ba.

  8. staticblu3 August 19, 2005 10:38 PM

    ulan:: unang una salamat sa pagdaan… hehe naku dapat sakin mo na lang binenta kung 9T lang hehe… sayang nakakapanghinayang talagayan… at korek ka diyan kailangan siya sa pagawa ng thesis… hay ilang terms na lang gagawa narin kami ng thesis… :)

    lws:: salamat rin sa pagdaan… hehehe…. naku sana nga… sana lang eh makakuha ako ng magandang trabaho para hindi na ako aasa sa magulang ko… wow grabe 5 years mo nang kasama ang laptop mo.. kung ako din eh mapapamahal na ako diyan… parang kahit luma na eh ittreasure ko na lang bwahaha….yaman naman gawin bang alarmclocl ang laptop… bwahaha….. Salamat uli.. tama ka dyan… malayong mangyari pero posible… wink wink…

  9. lws August 20, 2005 7:14 PM

    helo,sabi ko “pda”ang alarm clock namin hindi laptop.salamat sa pag add mo sa kin add din kita para patas :)cheers po.

  10. staticblu3 August 20, 2005 7:40 PM

    lws:: wee sorry halatang bangag na nung nagbasa no… anyway,,, astig parin.. pda para lang alarm clock.. weehehe… ok… see ya ’round…

  11. Jaypee August 21, 2005 9:24 AM

    i know how it feels..yon inaasam mo na magkaroon ka rin ng sarili mong laptop, tapos hindi mo maiwasan hindi tumingin sa laptop nung ibang tao..hehe..im fortunate and with God’s blessing i now have my own laptop..ikaw, who knows..baka may biglang mag regalo sayo or magkaroon ka ng money to buy one..or maybe, all you need to do is save money..basta, darating din yan. :)

  12. staticblu3 August 21, 2005 3:39 PM

    jaypee:: haha… oo nga sna may magregalo sa akin.. wala nang natitirang ninong at ninang.. iyong natatanging nagbibigay sa akin eh nasa cebu na at hindi na yata alam kung ilang taon na ako.. mayaman pa naman un bwhhaha.. well… anyway salamat.. at yan ang ginagawa ko ngayon mag ipon at maging kuntento sa kung anong meron ako ngayon… ok parin kahit desktop ang computer dito sa bahay… hehe ilang taon na lang eh graduate na at hopefully eh hindi ako masama sa mga taong unemployed o underemploed.. hehe… salamat sa pagbisita! cheers!! :)

  13. […] ist of I-want-this-and-that this new year and for my birthday: 1. Hindi mawawala dyan ang Laptop, hindi ko maikakailang gustong gusto ko na talaga niyan dahil narin sa mga dahilang […]

  14. Experimental » Blog Archive » Laptop January 31, 2006 6:35 PM

    […] for now is to finish this course that I’m taking now. I’ve posted an entry before ranting about how difficult it is for a Computer Science student of not having his/her own […]

  15. […] s. Download ng Ebook. Nilipat ang ebook, wordpress at wamp sa usb at ililipat mamaya sa laptop. Charge ng mp3 player. Mag-impake pero di pa tapos. Download ng tutorials tungko […]