Sa mga magimik at walang kotse!

Posted on August 23, 2005

… para sa atin ‘to! Kanina nung pauwi ako galing sa mapua makati… eh siyempre sumasakay ako ng MRT… Nasa mrt buendia kami at biglang may narinig ako. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gawa gawa lamang ng aking isipang lumilipad sa himpapawid… may narinig ako ng dingdong… Sinasabi nito na ang mrt daw ay magdadagdag ng oras ng kanilang operation at ang last trip daw galing sa taft eh 11:25pm… woah totoo ba yan? Aba malay ko… Tinanong ko ung kaklase ko kung narinig ba niya. Sa kasawiang palad eh hindi niya narinig. Kaya hindi ko na lang pinansin…

Ngayon ngayon lang, habang ako ay nagiinternet at nagddownload ng Jcreator. Narinig ko nga sa balita na hangang hating gabi na daw ang operating time ng MRT at LRT… well napalingon ako bigla at totoo pala ang aking narinig kanina… Wala lang… Naisip ko lang ang mga ikinaganda nito…

1. Makakauwi na ako ng hindi magba-bus o magjejeep o magtataxi tuwing ako ay gumagala… hehehe!
2. Sympre dahil mas ligtas nga sa LRT o MRT eh mas safe tayo… mababawasan ang mga krimen sa gabi!
yan lang.. hahaha…

Sa mga oras na ito ay wala na ako sa tamang pagiisip at may alzheimers (tama ba spelling?)disease na yata ako… at nakalimutan ko ang mga ikinaganda nito! Well.. Magandang naging desisyon ng mrt at lrt administration dahil sa maitutulong nito sa ating mga mamamayan na umaasa sa mrt at lrt… Malaki na ang naitulong nito sa atin kaya wala lang.. hehe… Nais ko lang i share iyan sa inyo!

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

6 Comments so far
  1. tiamy August 23, 2005 8:25 AM

    Aba, may maitim na balak ka nanaman….Bwahahha…
    Ngayon may reason ka na para gumimik…

  2. pacute_grl August 24, 2005 2:06 AM

    wow.,npanood ko din yan e.,sa internet.,aba khit na ba nasa canada ako dapat updated paren dba?!!

    hai nku.,buti n lng hanggng 12 na ang mrt!haha.,para nman pde ba makauwi khit na late na ang uwian at kumain muna kung saan na malapit sa school kaga nagutom ka after ng 9pm class.,haha!! ok talaga yan., ;)

    sna lang mas madame nang trains para nde siksikan sa gabi., haha., (marami na ba ngyn ha?!!)….

  3. staticblu3 August 25, 2005 12:43 AM

    tiamy:: sa ngayon eh wala pa akong maitim na balak because of my busy schedule.. hehe depende na lang talaga kung lam mo na… hehe.. MRT is a big big help for most of the filipinos working here in manila! ayt?

    pacute_grl:: nice! sa internet aba.. akalain mo nga naman? kayo ba eh may TFC dyan? wahehe… yep, correct ka dyan… Hindi na ako magmamadali kapag nanood ng cine haha.. kase usually eh taxi na ko kapag nanood kasama friends o kaya naman overnyt na lang para makaiwas sa mga masasamang engkanto bwahaha… Hmm.. train eh ganun parin… pero ayus lang.. Siksikan parin kapag rush hour…

  4. skwayred August 29, 2005 7:49 PM

    Onga, pero hindi naman ako gumagala ng gabi (o kahit umaga) kaya wala din akong gamit d’yan. Hehe, baka pag nagttrabaho na ko. :p

  5. staticblu3 August 29, 2005 9:03 PM

    skwayred:: malay mo one time wehehe…

  6. taremeaz April 14, 2006 12:41 AM

    tarenium forgit but nothing at mornong his aeting
    to brawn smok