Monday
Daily Rants, review?If Only… not just a love Story
If only… Sa pagkakaalam ko this film was released in US last year. But here in Manila eh last month lang yata. I don’t know but yeah I saw their poster hanging on G4’s cinema last month or last july. Anyway, didn’t watch it haha… Humiram na lang ako sa barkada ko nung sabado.

Simula pa lang ng movie eh makikita mo na ang kwento eh. Iyong kwento na gusto mong subaybayan pa. Hindi katulad ng iba na simula pa lang eh aantukin ka na. Tapos hindi siya korni na puro na lang love story o kung ano man. Tungkol rin eto sa ating buhay. How we value someone’s life. Kase ngayon eh hindi natin naiisip iyong pwedeng mangyari eh. Life’s too short sabi nga nila and yet tine-take for granted natin ang mga tao sa paligid natin. Minsan hindi natin pinapakita kung gano sila kaimportante sa buhay natin. Hindi natin alam na nasasaktan natin sila sa mga pinaggagawa natin.
sabi ko nga it’s not just a love story… Katulad na lang iyong part ng story na kung saan eh hindi makakasama si Peter(Paul Nicholls) kay Samantha(played by jennifer love hewitt) sa wedding ng parents niya dahil busy siya sa kanyang work. Naku, ang daming ganyan dito sa Pilipinas. At FYI, hindi lang sa couples kundi eh maging sa pamilya mismo. Minsan iyong mga magulang na sobrang busy sa kanilang work eh nakakalimutan nila ang kanilang mga anak at asawa na sa tingin ko eh sobrang sakit. tsk tsk…
Huli na ang lahat. Tsk tsk. Bakit ganon? Kung kelan huli na ang lahat tsaka ka magsisisi… Iisipin mo na sana eh ganito na lang ang ginawa mo sana ganyan na lang… Mahirap no? Kase iyong story nito eh, namatay sa car accident iyong babae. at naiwan iyong lalake. Sobrang nalungkot yata si lalake at nakatulog siya yakap-yakap ang journal yata ni babae. Nagising siya and guess what! nandoon si babae. Hmm.. Pero etong si lalake eh nakikita niya kung ano ang mangyayari at pilit niyang inaayos ang lahat para hindi dumating sa point na mamatay na ang babae… tapos na hehe.. ayaw ko ikwento! Ayon nga, Kailangan pa bang may mamatay para ipakita natin sa mga mahal natin sa buhay kung gano natin sila kamahal? Kung gano sila kaimportante sila satin? Pano nila malalaman iyon kung patay na sila? Kadalasan nangyayari yan ngayon. Iyong mga line na “sana alam mo kung gano kita kamahal” habang umiiyak sa harap ng kabaong… tsk tsk mahirap!
Sobrang nakakalungkot iyong story kase nga alam niyang mahal niya iyong babae pero hindi niya alam kung pano papahalagahan eto. Hangang mamatay na eto eh doon niya lang napakita nung nagkaron siya ng second chance. Well wala ng second chance pagnamatay na ang taong mahal mo.. its all or nothing nga!
moral lesson:: (huwag seryosohin)
:: Huwag makipagrelasyon!
:: Huwag sumakay ng taxi!
:: Huwag narin magtrabaho!
(seryoso ng konte)
:: Life is too short, love your loved ones hindi pa huli ang lahat! iyon lang! hehe wag mong ittake for granted ang mga taong minamahal ka! Learn how to appreciate them and mahal mo rin sila!!! haha wala akong maisip!!!
Panoorin nyo eto! Hindi kayo magsisisi…
My rating: 9/10
Sep 5, 2005
Reply
mukhang maganda ang movie at nde bagay syo!!haha., joke! it’s kinda unusual for guys to be watching that kind of movie., siguro may excuse ka na di twagin na “cornie” kung kasama mo ang girlfriend mo.,haha.,
anyway tama ka., wag mag taxi kasi bukod sa delikado e mahal pa!!haha.,joke lang
nasa huli ang pagsisisi ng mga tao madalas….ewan ko ba bakit ganon no!!!!! nakakainis!!haha., pero ito lang naiisip ko dyan., habang nandyan pa yang tao na yan try your best to let that person feel that you appreciate him/her….at mahal mo siya!! hai naku sana lng yung ibang mga tao dyan i-grab yung chance hanggat kaya pa., wag give-up agad……at magkulong na lang sa isang tabi at sabihin na “wala na akong magagawa e”..lamo yun?!!meron pa no!!mali yung mag-antay na lang sa kung ano mangyyari….kailangan gumalaw ka din!!gets?!!
haha., ano ba yan!!basta sana mapanood ko yan., kamukha ko yan si Jennifer Love e!haha., walang kokontra please lang!;)
Sep 5, 2005
Reply
Hmmmm, maganda pala ‘to. Hindi kasi ako mahilig sa mga love stories e. Pero para sa isang lalaki na i-rate s’ya ng 9/10 siguro nga maganda. =D
Sep 5, 2005
Reply
kelan mo ibabalik yung DBD ko!? heheh… sobrang ganda tlga eh.. (nung paggising ko) wekeke! joke.. nde tlga ako naka2log nung pinanood ko yan.. hehe..
sabi ng iba kong mga classmates naiyak cla.. (mga lalake kong classmates).. hehe.. tapos tnry kong panoorin para nmn malaman tlga natin kung nakakaiyak nga.. hehe. well.. as usual.. nde ako naiyak.. pero ayos lang sakin yung movie.. hehe.. badtrip namatay yung lalake.., hehehe
Sep 5, 2005
Reply
Napanood mo na rin? Hehe…Napanood ko din yan nung July pa. Yan lang yung romantic film (other than Titanic?) na naiyak talaga ako tsaka naka relate dun sa lalake. Ang galing umarte ng guy…Ni-review ko na rin yan sa blog ko a….
Sep 5, 2005
Reply
pacute:: wahehe babae lang ba ang may karapatan manood ng romantic films? weheh
skwayred:: yep.. sobrang ganda talaga… kakaiyak nga eh hehe… sabi ko nga eh napakaromantiko kong tao bwahaha.. at nakahiligan ko narin panoorin ang mga ganitong klaseng movie…
masa:: ahm d ko alam eh.. kase baka hindi na ako makapunta diyan sa sabado kase nga hell week na talaga.. kaya un.. ehehe eh bakit nakatulog…
tiamy:: haha ganun? nablog mo na ba yan.. wehehe nde ko yata nabasa o nakalimutan ko lang? hehe…