Moving On
Posted on November 23, 2005
Nalulungkot ako sa tuwing tinitignan ko ang blog ko. Wala na ang mga entries na kahit papano ay pinaghirapan kong gawin. OO sasabihin nyo na ang korni ko naman para malungkot sa mga nawalang entries ko, pero yan talaga ang nararamdaman ko. Katulad na rin nung mga panahong iniwan ako ng babaeng minsa’y minahal ko (aba naman!). Malungkot sa tuwing naiisip ko ang mga alaala ng kami’y magkasama pa, tapos bigla bigla na lang mawawala na parang usok na kapag nahipan ng hangin ay unti unting maglalaho.
Hindi naman kailangan na magmukmok sa habang buhay. Isang solusyon lang ang naisip ko, at eto ay ang mag move on. Naisip ko na wala namang mangyayari kung patuloy akong magpapatalo sa mga nararamdaman ko. Malulungkot lang ako. Iisiping walang kwenta ang buhay. Magagalit sa mundo.
Sa totoo lang, mahirap ang mag move on. Lalo na kung medyo marami ka ng entries na nagawa, mga entries na sabi ko nga eh kahit papano eh naging parte narin ng pang araw araw ng pamumuhay ko. Parang sa pag-ibig, mahirap rin mag move on kapag malayo na ang nararating ng inyong relasyon tapos kayo ay naghiwalay dahil sa di malamang rason. Pero, sa mga bagay bagay na nangyayari sa atin, kailangan talaga natin mag move on. Patuloy lamang ang agos ng buhay, kung pilit nating pipigilan ang mga bagay bagay ay walang mangyayari sa atin. Kailangang itatak natin sa ating mga isipan na tapos na ang mga nangyaring yaon at magsimula ng panibagong buhay. At higit sa lahat wala na tayong magagawa(wala na ba talaga?). May magagawa ka pa ba sa mga hindi ma recover na back ups? eh sa pag-ibig?
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Oo kelangan mag move on. Life goes on.
Ako naman nawala yung mga comments dati kasi free lang ang account ko sa Haloscan. Tine-treasure ko pa naman sila.
(Kwento ka naman tungkol sa kung sino ‘yung babae na ‘yun wahahaha.)
Gotta move on… Must have hurt so bad. Parang sa cellphone ko… Naala, I try not to dwell on it too much kasi kahit magwala ako or umiyak ng isang balde ng luha walang mangyayari! Sabi nila parang walang nangyari sa akin. What’s I got to do? If they only know.
hoi. umayos ka. hehe. ang pagibig, ay pagibig. ang blogging, ay blogging. pero may foint ka. hehe. pero wala na eh. too late debah. kaya, move on move on. okay lang yan. hehe.
wth,,, ang drama mo!!! nakakainis!! yung mga entries mo naman puro tungkol sa big brother na di ako makarelate kaya aus lang yan.. haha..joke lang
lamo madame ka naman makakausap na tao about jan no! marami naman nagmamahal sayo ok?!!! yun pagtuunan mo ng pansin… chaka naku…siya rin yung babalik syo balang araw…..;)
drama mo! di bagay..
dapat may back-up ka din sa pag-ibig! hehehe! kidding aside, parehas lang yan, two different thing pero isa lang ang dapat mong gawin, move-on tol.
skwayred:: ah eh ung mga comments pa naman sa blog mo e parang isang entry na rin hehe… haha sabi ko nga ikkwento ko rin sa tamang panahon. im so damn confused ngayon kaya yan. dati ipost ko na sana eh… hehehe
jeeper:: well ang masakit sayo eh ung nawalang contacts.. hehe kelangan talaga mag move on…
Nicole:: hehe sabi nga ni masterbetong “two different thing” hehe ang gulo ko…
pacute_grl:: haha no comment…
masterbetong:: nakalimutan ko rin mag back up ng pag ibig hehe…
salamat sa inyo!
haha.. natawa ako sa entry na ito… “move on” —> hahah!
hay naku…iba ka tlga…grabe…kaya mo pa nman gumawa ng entries eh…pati ung sa lyrics site mo…ahmmm…sayang nmna kung nde mo dadagdagan..
pero dun sa isa mong problema..ahmmm…can’t advice u bout that…masakit tlaga…ehehe…ang drama noh…
ah basta…kaya mo yan…go go go…ahahaha…yngatz..
mhirap tlga pag pag ibig n ang kalavan……………………………………
but u nid 2 move on khit mhirapan ka alam kong mkklimtan m rin xa………………………..marami p mga gurls noh…………and2 p fo f ako.im jus t kidding lng fooooooooohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
move on pare