Pasko nanaman!
Posted on December 13, 2005
Ilang araw na lang pasko na pala. Kanina lang eh parang may narinig ako na mga bata na kumakanta sa may kapitbahay. Nagkakaroling malamang. Bigla kong naalala ang aking kabataan(bata pa ako, when i say kabataan eh tinutukoy ko yong sobrang bata pa ako hehe).
Dati pagpasok ng december, naghahanda na ang mga kaedad ko sa aming baryo. Kumukuha ng lata, pitsa, bato at kung ano ano pa. Ang lata ay gagawing tambol, ang mga pitsa ay tutularin sa tambourine, at ang bato pampukpok at sympre pambato sa mga aso. Handang handa na ang mga batang paslit na magikot-ikot sa baryo at magkaroling. Sympre kasama ako diyan. Masaya at sobrang nakakatuwa ang pagkakaroling namin lalo na kung malaki ang ibibigay samin, pero minsan kuripot talaga. Hindi na naawa sa mga paslit… Minsan siguro dahil narin sa masyadong maingay ang aming mga home-made instruments eh pati aso naiinis, yan tuloy hinahabol kami. Pero ayos lang, masaya naman hindi dahil sa nahabol kami ng aso at sa aming pera na natatanggap. Kundi sa pagsasamahan na nabuo sa bawat batang kasama ko. Ang pagkakaibigan, yan ang mahalaga. Kapag tapos na pala ang pangangaroling eh hatian na, minsan sa sobrang dami namin eh tig-lilimang piso lang yata kami. Tamang tama lang pambili ng kendi at kung ano ano pang usong libangan nung panahon namin.
Eh ano ngayon? Wala! Ngayon kase, bibihira na lang akong makakita ng mga batang namamahay at umaawit at manghihingi ng pera. Well, hindi ko alam kung ganito talaga sa manila eh hindi narin kase ako nakakapagpasko sa zambales. Namimiss ko lang yong mga panahong ‘yon.
Sino gusto sumama, karoling tayo! hehe
Finals na namin mamaya pero hindi pa ako nag-aaral…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
ay alam mo! di ko naranasan mangaroling nung bata! hahaha.
nangaroling kame nung 2nd year sa isang bahay lang para magkaron ng pamasahe yung kabarkada namin. hahaha.
goodluck sa finals!
gudlak sa finals… ako rin.. last day na ng finals ko sa thursday!! saya! hehe.. labas tayo!! gimik tayo!!! hhehehe.. alam kong ubusan na ng kayamanan to kse magpapasko na.. hehe.. .
syempre at nasa work ako habang nag susurf. ang bad. pero break ko naman eh.
nakakamiss nga ang mag caroling!
naalala ko nung maliit ako, mga pinsan and kalaro ko, naglalakad kami sa subdivision
thank you.. thank you.. ambabarat ni-nyo thank you
sabay takbo!
ahahahahaha!!
aga namang karoling yan 16 pa start diba?
Ewan ko din kung ba’t ganon. Siguro sa ibang lugar hindi pa din nawawala yung spirit of Christmas. Pero dito din sa min wala ganong nangangaroling, kahit dito sa bahay wala pa kaming decoration.
nicole:: bakit pala d mo naranasan un? sayang naman ang saya saya kaya hehe..
masa:: tapos na finals ko sa wakas… kelan ba gimik? wala ng pera eh,.. wala ng uubusin hehe…
sarah:: hehe wow saya naman… oo ganyan din kami, mga kuripot kase ung iba. eh syempre mga bata kami at mga sutil so sasabhin din namin yan hehe. kahit singkong duling eh walang binigay ba… kainis… ang barat talaga.. hehe
melai:: hehe maaga talaga ang karoling, late na yata ang 16 masyado hehe…
skwayred:: sabagay, kase ung iba naman para wala ng christmas. i mean, parang normal day na lang daw. Kase nga happy naman daw parati ung family nila.. mga ganyan..
kami wala paring christmas decors, yearly naman eh. Wala kase parents namin dito so wala mag aayos. Pero before eh maaga pa lang meron na. hehe 3 beses na yata ako nag christmas na walang christmas tree.. hehe seryoso…
bawal na mangaroling ngayon sabi ni tita glory, kaya tuloy pati si cigar ayaw pang kumanta, baka nga naman mapagkamaliang namamasko, nakakahiya kung sasabihin niyang wala siyang pang-load!
tao po… namamasko lang din, bukas kc pinto kaya tumuloy na rin…may kape ho ba dito? samahan na rin sana ng pandesal…
oo yupyup.. sya nga yung sa kingkong! gusto ko ren panoorin yun.
Hoyle card game rules….
Free card game downloads. Free cell card game. Hand foot card game rules. Spite and malice card game. Get out of jail free card monopoly game. Pope joan card game. Bridge card game….