Tuesday
Whaddup?, emoAng Disyembre ko ay Malungkot 2
Eto na ang part 2 ng Ang disyembre ko ay malungkot.
Ayan, Namimiss ko na ang Saudi. Sabi ko nga napamahal na sa akin ang bansang ‘yon. Bakit? Simple lang. Pero hindi ko maipaliwanag.
Dati rati ay madalas kaming lumabas ng family ko kasama ang officemate ni papa at family nila, mga ka-building namin in short family friend namin. Madalas kaming tumatambay sa Corniche. Corniche ay parang manila bay pero walang mga tugtugan dun. Parang park lang sa harap ng Dagat. Maganda doon. Sa gabi masisilayan mo ang kahabaan ng Cause way Bridge pati ang isla na nagdudugtong sa bansang Saudi at Bahrain. Madalas din kami nagpupunta dun, pero hangang dun lang. Bale yon nga, kakain kami dun mag iihaw-ihaw at ang pinakagusto ko ay ang mag-alaga ng bata. Kiddin!hehe. Pinakagusto ko ang mamingwit, other term for mangisda. Minsan alimasag ang nakukuha namin. Dati wala kaming sariling fishing rod. Pero dahil nga masaya kami eh namili na si papa. Bale dalawa… Kadalasan kalaro ko mga bata, ewan ko ba isip bata pa ako non hehe. hanggang ngayon. No really, kuya at ate ko kase minsan lang sumama. Eh yon. So no choice kundi mag-alaga at makipaglaro sa mga bata. Kung minsan naman ay nagtetennis kami sa may Dahran Hotel ba ‘yon? Basta don sa hotel na malapit sa lumang airport, ung dahran int’l airport. getS? hehe at nagsswimming. O di kaya naman ay magbbowling sa may carlton hotel. Hay pasarap na lang haha..
Namimiss ko rin ‘yong pinupuntahan naming dagat na kung saan ay maraming pinoy na kumukuha ng halaan. Tuwang tuwa ako noon dahil ang dami naming nakukuha. Halos mapuno ang timba! Seryoso! hihi Pagtapos nyan ay nangasusunog na ang mga balat namin dahil sa init ng araw at sa maipaliwanag na dahilan.
I miss my alma mater, International Philippine school in Alkhobar. Nung Naggraduate ako eh hindi na ako nakabalik uli don. Nakabalik naman ako ng saudi pero sa Riyadh na kami. At 400+ km ang layo non, kahit na ganun pa kalayo eh madali lang puntahan kapag may sariling sasakyan at ilang oras lang. Kaya lang si papa eh busy noon kaya hindi kami nakapasyal. Ayun nga, Namimiss ko na ‘yong school mismo. Yong tambayan ng mga senior, ung stage. At yong init tuwing summer, at lamig tuwing winter na! woohoo… Basta namimiss ko ang school. un tapos! Pahabol, pati ung canteen haha!!!
Syempre namimiss ko ang pagkain at luto ni mama. Ang halimuyak ng pagkain ng aming kapitbahay. Kadiri amoy sibuyas, indiano yata kase. Namimiss ko ang kabsa at ang yellow rice. Syempre hindi mawawala diyan ang Shawarma at ang broasted chicken sa fawaz o kaya sa baba habbas(tama ba?). Yum Yum. Sana may picture para mas nakakatakam… Ano pa ba? Ang masarap na luto ni tita Joy. At ang masarap na palabok ni tita aleli. Hehe. Ang chicken nuggets na kapag walang ulam at wala akong kasama sa bahay ay iyong ang ulam ko. Adik na adik pa ako noon sa french fries na gagawan ko pa ng pinagsamang ketchup at mayo.woohoo.
Isa pang namimiss ko ay yong aking kwarto at kama. Sa wakas solo ko yong kwarto nung 4th year na ako kase wala na si ate at kuya sympre college na sila noon. Napakasarap mahiga sa kama at makipagtelebabad sa gabi. Maginternet maghapon at magsearch ng kung ano ano! pagalingan maghanap ng porn sites! hehe hindi naman. Blocked kase ang mga porn sites dun. Pero minsan may nakakalusot parin hehe… Si patrick ang magaling dun! Yon nga!!!
Higit sa lahat! Namimiss ko na ang dating ako. I mean, ‘yong jong na masayahin. Makintab ang mukha at gusgusin.. haha kidding! Namimiss ko ang sarili ko. At namimiss ko ‘yong taong nagpapasaya sa akin noon…
Dec 20, 2005
Reply
uy sino yan gnamimiss mo na yan ha?? joke lang..!
as we get older, nagbabago ano? me time na ma mimiss mo , pero pwedeng balikan , pwede ding hinde na ..
its for the better ,. for you to become a better person. hmm,. explore ,…
dami mo pang magiging experience, at dadami ang ma mi miss mo as you go on everyday.. takecare.. and i hope na mimiss ka din ng na mimiss mo…
have anice day and merry xmas!
Dec 20, 2005
Reply
naalala ko tuloy si Papa sa saudi..wahh!! meron silang pinupuntahan rin eh, yung dagat, don sila nangingisda, minsan naliligo rin. yah mas lucky parin ako na kasama ko si Mama. ikaw both of ur parents were not there for u.
merry xmas!
Dec 20, 2005
Reply
hrmm.. ndi ko alam tiga saudi ka pala dati? so when did you move? and where? asa pinas ka ba ngayon? tsss.. dun ka pala lumaki? hrm, pero diba ala christmas dun? bawal. ahehehe.. as saudi kasi nag work dad ko. simula pinanganak ako hanggang highschool ata ako, andun sya. kaya ndi kami nun close, panu minsan ko lang makinta.. pag umuuwi eh 2 months lang minsan ganun.. hehehe..
ako ren nalulungkot kasi malayo ren ako sa homeland ko.. syempre pinas yun. hehhehe.. namimiss ko na ren yung ako. lumang ako. ang lungkot kasi dito. psss.
Dec 20, 2005
Reply
ewww…like why?!be happy man! nsa kamay mo ung magpapsaya syo.,
anyways., nde lang ikaw yung sad…marami pa dyan..kasama na ako dun
Dec 20, 2005
Reply
ikaw lang ang taong narinig ko na naka-miss ng saudi! hehehehe! anyways, it’s good to look back & miss the things you did & people you met. mejo malaki na ang pagbabago ng al-khobar, naliligaw na nga ako e. hehehe! inabot mo ba yung bagong mall sa tapat ng alissa souk, ung ramaniah?
Dec 20, 2005
Reply
rose:: haha sikret! oo nga, ang bata ko pa! ang dami ko pang mga pagsubok na dadaanan at mga experiences..
sheryl:: san pala ang papa mo sa saudi? hehe sarap mag fishing dun.. hehe
sarah:: actually nung 1999 lang kami dun pero ung papa ko eh since pagkapanganak ko eh nasa saudi na. Kaya pareho tayo, d kami close gaano pero ngayon eh medyo close na hehe. 2003 bumalik na ko ng pinas para mag-aral, ganun din sa mga kaklase ko and kapatid ko. Halos lahat naman bumabalik ng pinas para mag-aral o kaya sa canada or US. Ayun hehe.
ako lang:: haha
masterbetong:: ako lang ba? Yong mga kaklase ko namimiss din ung saudi pati ung iba kong kakilala.
Yah ang sarap ng feeling na balik balikan ung dati, parang nakakatuwa at the same time nakakalungkot…
Malaki na nga raw pinagbago, hindi ko na yata naabutan ‘yon. Kaw ba naabutan mo pa yong nasunog na mall dun din yata yon sa tapat ng alissa souk hehe…
wow, grabe nung sinulat ko etong post na to eh kahit paano ay napawi ang aking kalungkutan. hehe
Sa inyong lahat! Salamat!!!
Dec 21, 2005
Reply
hi there I was woundering if I could be so bold as to ask you to visit my blog, http://hotcelebfemales.blogspot.com/
i have never had a hit in tagalog,
if you like what you see tell your friends, If you want a link to your site just ask thanks
Dec 21, 2005
Reply
Ako din ngayon ko lang nalaman na nasa Saudi ka pala dati. Hmm, nakakalungkot naman. Pero gano’n e. Kailangan mag-adjust at makahanap naman ng happiness sa kung ano meron ka ngayon. Hehehe. Ang sarap ng shawarma, kakagutom. :p
Dec 30, 2005
Reply
awww..miss na din kta jong!! isa ako sa nahiwalay sa batch..nag canada pa kase eh..pro enjoy tlga ang saudi..big part na din ng buhay ko ang batch ntin!! mis you
Jan 31, 2006
Reply
hi…i’m anna. my husband is in alkhobar.we are planning to live in alkhobar when my son graduated in elementary.i just want to ask kung ok bang maghighschool ang anak ko sa alkhobar.ano ba difference ng tuition dito.ilagay natin ipasok ko siya sa pinasukan mo sa alkhobar.magiging ok lang ba talaga ang schooling ng anak ko kung sakali.kasi pinag-iisipan pa namin ng husto.hindi kami makadecide because sa pag-aaral ng anak ko.sana matulungan mo kami.just email me ok.salamat ng marami.