MyMapua and Course Overload
Posted on December 22, 2005
Enrollment ng Batch namin kahapon. At ang sarap makitang wala masyadong tao na nageenroll, compared nong freshman year pa lang, ay napupuno ang upuan sa may bayaran sa treasury ang ang haba ng pila sa encoding center.
Some Improvements sa my.mapua
Well, dati sobrang bagal ng my mapua. Lalo na kapag sabay sabay nag eenroll ng online ang mga students. Ano kaya server ng mapua kung bakit ang bagal bagal. Imagine, ‘yong friendster buong mundo pero ok pa naman. Pero ang my.mapua, sobrang bagal. Pero syempre Nag improve na eto.
Kung dati may nakaadd na ang subjects and section mo for the term, ngayon eh wala. Ikaw na mismo magaadd. Well, fair enough. Kase dati kakaonline mo pa lang wala ng slot. At napabilis talaga ang enlistment online.
Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa nila, pero nagimprove talaga eh. Hindi man lang nagdown ang server and all. Hehe. Saludo ako sainyo! Sana ganyan parati!…
Course Overload
Dahil nga 27 units na lang ang natitira sa akin sa mapua, Minabuti kong mag-apply for course overload. 15 ang maximum na load every term. Nagoverload nga ako kase medyo may naiwan akong subject na gusto ko ng kunin para next term eh 3 subject na lang ako. Sana kayanin ko… Mga subjects ko ngayon term ay, Artificial intelligence, Modelling and simulation theory, Ethics, Multimedia 4, at ang Thesis 1. Grabe mabigat noh? At nga pala naaprove ang aking pag-aapply for course overload pero yong subject eh hindi pa naapprove kaya baka sa January ko pa maadd… Hay…
Anyhoo!!! Binilihan ko ang sarili ko ng regalo! Haha. Simpleng mp3 player lang. Puntahan nyo na lang doon sa TH(trying hard) techblog “kuno” ko…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
may panahon ka pa kayang mag-blog niyan? hehe
baka maka-istorbo mga subjects mo, ang bibigat nga ng dating…artificial intelligence??? napanood ko na yata yan ah…