Tsinelas
Posted on December 26, 2005
Matapos ang nakakapagod na araw ng pasko, nahiga ako sa aming kama at dahan dahang nakatulog ng mahimbing. Namalayan ko na lang na biglang malamig na ang akin pisngi, napuno na pala ng laway(harhar).
Ngayon nandito nanaman ako sa harap ng computer. Para bang ganito na lang araw araw ang takbo ng aking buhay hanggang sa ako’y mamatay. Demet! Paulit-ulit na lang ang aking ginagawa na parang isang sirang plaka. Una ako’y magbabasa ng mga blog ng kung sino man. Ang iba ay matalinhaga at punong puno ng impormasyon at ang iba naman ay katulad ng sa aking masyadong walang kakwenta. OO alam ko na ako na ang pinakawalang kwentang nilalang na nagbblog ngayon! Pagtapos kong basahin ang mga ito ay magdedesign naman ako ng aking website. Nakakailang ulit na ako ngunit hindi ko makuha ang tamang disenyo na aking binabalak para sa site na yan! bweset talaga! Pagtapos niyan ay makikinig naman ako mga tugtog sa radio at sa aking bagong mp3. Hay paulit ulit wala namang nangyayari!
Unti unti na akong pinapatay ng boredom na eto. Linshak nga naman! Buti pa ang tsinelas hindi nagrereklamo sa tuwing tinatapakan siya ng iba’t-ibang klase ng paa. May mabaho, mangasim-ngasim, malapad, flat at ______(fill in the blank). Nakatigil lang kung saan iniwan ng nagmamay-ari nito. Wala siyang pakialam sa mundo kahit na makatapak pa siya ng tae, dura at kung ano ano pa! Ngunit ayoko parin maging tsinelas dahil ayaw kong matapakan at makatapak! Ayaw ko rin basta basta na lang iniiwan sa kung saan! Ayaw ko ng ganun! Mahirap, masakit at higit sa lahat wala lang.
![]()
Sa tingin ko masaya naman ang mga tsinelas… Parati silang may kapartner sa buhay. Kaya kahit saan mo sila iiwan, hindi sila nag-iisa. May kasama parin sila, bagkus kapag nginatngat ng aso ang isang pares nito ay mangangamoy laway na ng aso eto at mabubutas na at lulungkot na si tsinelas A dahil nga nawala na si tsinelas B.
Kahit sino pala ay nalulungkot, tao ka man o hayop o bagay! Teka may pandama ba ang mga bagay? hehe
Ipagpaumanhin ang aking kalagayan ngayon, wala na ako sa tamang pag-iisip! Nababahala narin ako sa aking sarili! O layuan mo ako!
haha… Wala lang!
Buti pa ang tsinelas hindi nagrereklamo sa kanyang pinag-gaga-gawa!!!
Ang tsinelas! baw…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Nyahahaha. Pareho naman tayo e. Parang walang kakwenta-kwenta buhay ko ngayon. Sobrang boring. Gusto ko naman ng aksyon. Lagi na lang din ganito. Gigising, matutulog, gigising tapos manonood, kakain, internet, nood, kain, tulog. Syettee di ba? Huhuhu, kala ko ako lang ang gano’n.
Boring din ang buhay ko ngayon. Katulad kahapon, nag-YM ako at puro walang kwenta ang kausap ko. Mga gusto mkipag-EB lang.Internet, tv, libro, tulog, kain.
sa tsinelas.. yup, di nga nagrereklamo. Tulad ng suot ko ngayon, ginagamit ng kuya at tatay ko. Medyo nakakaasar. Di bumili ng sarili nilang tsinelas.
duuude.. i think my blog’s more senseless than yours. I enjoy reading your entries.. eh yung sakin napaka wala talagang kawentakwenta. nakatuwa lang dahil kahit uber sa walang kwenta yung pinagsususulat ko dun eh, may mga namimisita paren. Ahekhekhek.. mga walang magawa ren siguro sa buhay. hahahah!!!
parehas pala tayo ng routine! Hahahha!! parang ang sad ng life naten nu? hehhehe!!
by the way, okay ba yang mp3 player mo? maliit lang ba? kasi naghahanap ren ako ng player na may fm tuner. Ahekhekhekkk.
anong walang kakwenta kwenta, i enjoy reading your entry! nakakatuwa kaya! kakaiba. parehas tau trip ngayong pasko ah… haha ito nga eh natagpuan ko blog mo. link na kita! kakatuwa kc kwento mo eh.. ang tsinelas hehe.. make sense though. astig namn ng mga site mo.. professional dating.. hehe.. cge!
aba aba..ang drama ng friend ko ah..
skwayred:: haha nakakatamad noh? paulit ulit.. walang nangyayari…
jeeper:: makipagEB ka na lang.. haha para masaya, d ko pa natry yon..
pinaka ayaw ko yan, ung may nakikigamit ng tsinelas ko.. kainis…
sarah:: ang saya nga sa blog mo eh, parati ako nadalaw dun. kakatuwa ang dami nagcocomment, ibig sabihin ang saya talaga sa blog mo hehe…
ok naman ung mp3 player ko, maliit sya para sa akin. hehe pero maliit lang naman talaga sya.
mitch:: salamat sayo mitch! hehe ang saya ng trip ngayong bakasyon noh?? hehe kakabato nga lang.. cge cge link din kita… salamat uli!!
elaine: hehe hindi madrama yan noh.. ahaha..
salamat sa lahat!!!
[…] na joke world pyro olympics - ang misadventure noong may pyro olympics sa may esplanade Tsinelas - tulad rin ng salamin […]