Blind date with aso
Posted on January 31, 2006
Bigla na lang nagkayayaan ang barkada nung sabado ng gabi. Ewan ko ba, tumawag kase si masa at nakakatamad daw kaya pumunta daw ako sa pad nya. Ako naman etong si uto at nagpauto, dali daling nagbihis at hindi muna umalis dahil…
Bago yan, nais kong ipaalam sa inyong lahat na muntik na masunog ang piniprito kong lumpiang shanghai. Linshak na masa yan!
… Hindi ako kaagad nakaalis dahil sa aso ng mayari ng bahay na tinutuluyan namin. Biwisit nakaharang sa gate. Hindi naman sa takot ako sa aso, eh etong asong to eh kakaiba. Kahit na kilala niya eh kakahulan/tatahulan nya parin. O dba? Ang bobo… Kaya hinintay ko munang may lumabas o pumasok ng gate para makita ko kung ano ang mood ni aso na ang tawag nila ay puppy kahit na lalagpas isang taon na siyang nakatira dito. Nyahaha.
Sa wakas after 10 years na paghihintay eh nakalabas din ako, dumating kase yong ate ko at si aso ay walang pakialam. Pwede kaming manakawan dahil hindi man lang siya bumangon ng buksan ni ate ang gate.
Sa LRT, nagtatakbo ako dahil sabi nung guard eh last two trains na lang daw. Hay buti nakahabol ako. Ayoko naman kasing magjeep along taft ave, lalong lalo na ang dumaan sa may parteng libertad. Naku, maliligo muna ako ng pawis bago makarating sa vito cruz.
Dumating ako sa pad ni masa sa may vito cruz at kasalukuyan siyang nanonood ng Memoirs of Giesha. Hindi ko masyadong maintindihan kasi hindi ko nasimulan at walang subtitle na tagalog. Haha Hindi ko maintindihan ang wikang banyaga(english)! wahaha. At may pizza na naghihintay sa akin! Presto, nakakagutom rin namang takbuhin ang LRT kaya yan kinain ko ang dalawang slice. Itinira ang dalawa para kay marlon at ian, Si patrick hindi na masusundo dahil hindi na tuloy sa tagaytay ang lakad. Alas-9 yata ng dumating ako kina masa at alas-11 na at wala parin yong dalawang kumag, hindi parin tapos ang movie, hindi ko parin maintindihan ang movie. Hay…
30 minutos na yata ang nakalipas at biglang kumakalabog ang pinto, sina ian at marlon pala. Sa wakas dumating din. Wala naman kaming ginawa, nag-internet lang at nakipagchat kay pat. At nagshow sa webcam, haha ang audience ay si pat. Haha mga wala talagang magawa. Marami pang nangyari pero hindi na kailangan i-kwento pa dito, baka may mga inosenteng utak ang makabasa at madungisan ko ang kanilang pag-iisip.
Magaalos-2 na ng makaalis kami, tungo kami sa malate para mag-ikot lang at kumain. Woohoo, daan nanaman kami sa mga kalye kalye ng malate na kapag huminto ka at bukas ang bintana ay aalukin ka ng “bos, chix?”. Sanay na kami dyan, minsan eh pinagttripan na lang namin, minsan eh wala na kaming paki, at ni minsan eh hindi pa kami pumatol sa ganyan. yaaks, eeks. haha
Sarado na ang bar(bar ba yon) na ang tawag namin ay nurses(o school girls?) kase nakapang nurse ang mga babae dito haha. Umikot kami uli, yong lalake hinihithit yong ragbi! At alam kong wala kayong pakialam sa kanya, pero ako, gusto ko makihithit..! Gutom na raw si marlon at ian, nagutom na rin ako. Pumunta kami sa Chiggy’s at kumain.
Pagtapos kumain at nagpa-carwash si ian. Oo si ian ang nagpacarwash hindi ang kotse nya. At intro pa lang yan ng aking topic.. haha Habang hinihintay matapos ang pagpapacarwash eh nagkakwentuhan nanaman. Kung dati ay paulit-ulit ang kwentuhan, ngayon ay nauwi sa kwentong malapit na ang valentines day. yihee
… itutuloy
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Pwede bang hindi na masyadong wholesome yung part II? hehehe
Ahaha.. ill think about it.. hihi
Maganda nga pag di wholesame. Har! Har!
Yung aso na tinutukoy mo nagpapaalala sa isa naming aso, Kahol ng kahol pagumuuwi ako, as if di ako kilala.
Parang masaya. Kanina puro schoolwork ang kaharap ko.
gs2 mo ako na magtutuloy nung part 2? hehehe… soreh kung ganun ang part 2 ah.. hehehe… kailangan mo tlga eh.. kaya napag-usapan.. ano tuloy?
ang saya naman ng date nyo…yiiiikkkiiii…. >__
continuation pls.
@darwin tisk tisk.
jeeper:: nyahaha
masa:: wag na, ako na magtutuloy tsaka pagiisipan ko pa ang offer mo haha…
elaine:: nyahah nagdate kami ng barkada. bwahah
laarni:: hehe oo itutuloy yan. wait lang ng 10 years ehehe..
heheh.. nice.. wag na yung offer ko.. may nai-book na kming iba.. kaw kse eh.. ang tagal mo.. hehe.. may nakuha na kming iba.. heheh.. soreh..
Ano ibig sabihin nyang tisk tisk na yan? hehe
[…]
Bago mo basahin eto, tumayo ka muna sa inuupuan mo. Pagtapos ay umupo uli at basahin ang part 1 ng kwentong ito. Baka kase hindi mo maintindihan ang mga pangyayari dito. K […]
[…] The family who owns this house that we are renting has a dog and they really love him and treat him as a member of the member. They would scream at him when he’s under the rain and spank him when he’s done something wrong. He sleeps inside the house with his master. They even call him bunso. I wonder why they call him puppy when in fact, he’s already 2 years old. Com’on! He’s just a regular dog, a native Philippine dog or ASKAL(asong kalye). I am actually afraid, sometimes, at that dog. You know, he would bark at you even if he knows you. […]