Blind Date with Aso part 2

Posted on February 3, 2006

Bago mo basahin eto, tumayo ka muna sa inuupuan mo. Pagtapos ay umupo uli at basahin ang part 1 ng kwentong ito. Baka kase hindi mo maintindihan ang mga pangyayari dito. Kung ayaw mong basahin! Maninigas ang ano… nyahaha. Maninigas ka sa inuupuan mo. Paalala, kung nalalaswaan ka sa binabasa mo ngayon, maaari mo ng isara ang pinto para walang makakita sa kung ano mang gagawin mo, mabuti man o masama. Bahala ka na.


Sa totoo lang, hirap na akong makaalala ng mga bagay bagay. Bawal ang pork, hipon, beans. May memory gap na yata ako. Teka ano nga ba ang iku-kwento ko?

Ah tama, eto na nga pala ang katuloy ng “Blind Date with Aso”. Kung ang unang part eh masyadong boring at walang kwenta, mas lalo pa eto. Kaya ituloy lang ang pagbabasa.

Sinabi ko dun sa part 1 na nauwi ang aming kwentuhan tungkol sa valentines day, Yikee. Sabi ng isa, basta dapat ngayong valentine dapat may kadate ako. Tanong naman nitong isa, san ka ba nung isang taon. Sabi nung isa nandun sa rally sa mapua, sumisigaw ng viva malayan!hehe (imbento ko lang ang mga nasabing linya)

Sabi ni masa, ibblind date niya daw ako sa kaibigan slash kaklase niya. At ako naman, syempre ayaw ko at medyo gusto ko rin. Alam mo kung bakit? Kasi wala lang, trip ko lang at wala kang pakialam.

Pinilit pilit ko syang (masa) tanunging kung sino eto, ang tangi niya lang sinasabi ang pangalan at nabanggit niya na nagdodota eto. Kaya lalong ayaw ko na. Unang una ayaw ko magdota, ayaw ko rin makipagdate sa dotahan, at ayaw ko magbayad ng pangdota nya. Instant pansit canton agad. Pagdating ko ng bahay naginternet muna ako at bago ko ikwento ang pagdating ko sa bahay, Iku-kwento ko muna ang nangyari paguwi namin nung galing kami sa labas.

… Naisip kong wala rin palang nangyari, nanood lang ako ng flight plan habang natutulog si masa. Yong dalawa umuwi na, hindi na nagstay sa pad ni masa. Pagtapos kong manood, sumibat na ako… Paalala, walang nangyari sa amin ni masa. Nyahaha

Paguwi ko sa bahay, naginternet agad ako. OO! Madali kong hinalukay sa batsa ni masa na naglalaman ng kanyang mga kaibigan sa friendster. Ayos! Ayos naman, si girl. Kaya lang may problema. Ayaw ko talaga.

Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handang makipagdate o kung ano man. Sa kadahilanang hindi ko maintindihan. Marahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakabangon sa bangungot ng kahapon. Dba kapag binangungot eh dapat patay na? Hay!

Mahirap pa lang kalimutan ang kahapon, mahirap sumulong at umurong, pera o bayong, o laban o bawi, pula o puti. Ang gulo dba? Ganyan kagulo ang nararamdaman ko ngayon. Ilang gabi nanaman ang mga gabing madilim. Ano ba yan! Ilang gabi nanaman akong hindi nakakatulog ng maayos. Ikot dito ikot dyan, ikot ng ikot. Hilo na hindi parin makatulog. Babangon at papagurin ang sarili sa pagbabasa ng mga lumang email ng aking minamahal. Oo, Nakaimbak parin ang mga eto sa aking inbox dahil masarap balik balikan ang nakaraan. Pero mas masarap kung pareho kayong nasisiyahan at pilit na gustong balikan ang nakaraan. Masakit naman kung ikaw lang, hindi mo mamamalayang unti-unti at dahan dahan na palang gumugulong ang mga luha sa iyong pisngi. Sabay babatukan mo ang sarili dahil nagsisisi kang binuksan at binasa mo pa ang mga eto. Pero sa sandaling matauhan ka uli, lalabas naman ang ngiti sa mga labi at sasabihing sa wakas inaantok na rin ako.

Hindi ko sinasadyang magkwento ng patungkol sa pag-ibig o kung ano mang naaayon sa panahon ngayon. Siguro dahil narin eto sa mga nangyayari sa akin. Katulad kanina, habang inuubos ang mga oras sa paghihintay ng klase. Minabuti naming magkwentuhan at sa di inaasahang pagkakataon ay napagkwentuhan nanaman ang tungkol dito. Etong si isang babae, ayaw daw ng nanay niya sa BF niya kase third cousin pala sila. Etong si isa naman, natawa kami dahil hindi pa daw sila nag hahalikan ng BF niya sa kadahilanang ayaw pa niya at nakakadiri daw. Clue, siya ay si ano at si ano. May pangalan sila at itim ang buhok, itim ang budhi at itim ang kili kili. Kung nakita nyo, ipagpaalam agad sa pulisya.

at tungkol naman sa date, wala na daw sabi ni masa. At masaya ako! hehe.

At dun naman sa mga nagsabing sana next time eh wag na wholesome, eh hindi ko kaya. Hindi maarok ng aking ugali na maglagay dito ng ano mang ikakapanget ni chokoleit at mahal at pati narin ni madam auring. Magbukas ka na lang ng bagong window at isearch ang katagang “madam auring porn” at kung ano ano pa, sabay mong basahin yan at etong entry ko. At mas pipiliin mong basahin eto dahil kadiri ang isang window. Sa ganyang paraan, maiisip mong maging wholesome na lang ang lahat kung ganyan ang maiisip mo sa tuwing hindi wholesome ang iniisip mo. Kung naguluhan ka man, Basahin mo uli.

May surpresa ako sa inyo, haha. Abangan…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

16 Comments so far
  1. elaine February 3, 2006 9:53 PM

    wo0o0o0h…me unang nagpost ng comment…ang drama ah…sabagay valentines day nga naman…so ddramahan ko rin ang comment ko

    lahat naman ng tao eh may minamahal na naaalala..lalo na ung past lover d b?pero masarap magreminisce[spelling?]at nakaka-iyak tlga…ahehehe…

  2. […] ref=”http://staticbluecreations.com/blog”>

    Blind […]

  3. Dn0mYaR February 3, 2006 10:59 PM

    Drama nnman..
    Gumawa ka na ng pelikula mo.. Haha..

  4. Darwin February 4, 2006 8:35 AM

    Siguro maeron kang hindi magandang karanasan sa pakikipag-blind date kaya ayaw mo hehe

  5. Eric February 4, 2006 11:00 AM

    drama mo jong ha! hahahah nasaan na kape ko.. gagamitin ko yun sa V-day hehe

  6. masterbetong February 4, 2006 5:51 PM

    kailangan ko na rin ng instant pancit canton!

  7. jeeper February 4, 2006 5:54 PM

    Di ko in-expect na sentimental ka pala.

    Mahirap ngang kalimutan ang nakaraan lalo na kapag ikaw yung patay na patay. Well, case ko pala iyun.

    San makapag-move on ka na.:D

  8. staticblu3 February 5, 2006 2:22 AM

    elaine:: nyahaha nakakaiyak ba talaga? woot

    dyomnar:: wag ka na… papadala ko eto kay charo santos..

    darwin:: sa totoo lang oo. Nagahasa kase ako eh. nyahaha

    eric:: magkape na lang tayo. kaw talaga, bakit kape ang gagamitin mo sa valentine’s day. tsk tsk.

    masterbetong: hehe gusto mo talaga?

    jeeper:: oi hindi ah. joke ang yan. At hindi ako patay na patay nyahaha… hindi, siguro masyado lang akong ewan. hehe

    sa inyong lahat:: ipagdasal natin ang mga nasawi sa stampede kanina. :)

  9. Laarni February 6, 2006 12:14 AM

    nakakabitin. kala ko may kwento. harhar.
    ano naman ang surprise, aber? lol.

    exchange links nga tayo, para makabalik ako dito. lol. take care dude. :)

  10. staticblu3 February 6, 2006 12:23 AM

    laarni:: haha akala mo lang yon. nabigo ko nanaman kayo! haha ang surprise ay surprise talaga. gusto mo ng spoiler? hehe

    na-add na kita.. take care din! salamat sa pagdalaw!

    sa lahat:: musta? bumalik kayo ha! hehe

  11. Eric February 6, 2006 4:43 AM

    may part 3 pa ba? bahwahaha

    jong coffee tayo next time. self-destruction mode ako sa office ngayon eh. kainis, very early pasok ko 4AM! hay. sana balik estudyante ako like u. heheh

  12. lani February 7, 2006 10:22 PM

    oi!yan sa wakas…ang drama nmn nyan..hehe…wla bang bgo? tsk..

  13. gen gen February 8, 2006 1:26 PM

    haha nakakatawa yung entry mo! ^^’ pero neatr the end ang lunkot! haha! oh well… nakita ko yung site mo while surfing the net… yung lang.
    oi good luck nga pala sa blind date mo!
    at tsaka advance happy valentins day nga pala ^^’

  14. Darwin February 8, 2006 6:44 PM

    May balak ka atang tapatan si ate Charo at Mel hehehe

  15. Sarah February 10, 2006 2:49 AM

    Hahah!! Alam mo Jong, ako ren, parang gusto ko makipagdate na ayaw ko kasi wala lang. Pero kung ikaw ay hinahabol parin ng bangungot, ako naman, parang walang gana na buhayin ang lovelife! tanginang yan! lolz. pero mejo may naalala ako sa mga sinabi mo, kasi nung umuwi ako, si ex, eh sabi nya mahal pa ako.. kaso ako talagang wala na. tsssss, ayun.. pero kahit baligtad ang sitwasyon natin, naiintindihan ko paren yung sinasabi mo na mas masaya kung parehas kayong masayang nagaalala ng past.. ayun.

    madam auring’s nose!!! yun lang.

  16. staticblu3 February 10, 2006 9:15 AM

    eric:: haha part3? hmmm

    lani:: drama ba yan? d naman ah. atsaka walang bago, actually last year pa yan, ngayon lang napost…

    gen gen:: hehe hindi ako makikipagdate. Pero masaya naman hehe. At salamat sa pagdalaw mo!

    Darwin:: ahaha ang sagwa nun, hindi ko na aagawin ang sa kanila. :)

    Sarah:: yikee! hehe walang nasabi eh no. :)