I Survived…

Posted on February 14, 2006

Hay! Parang napakahirap ibangon ng aking katawan na nakalupaypay sa kama. Ewan ko ba kung bakit, inaantok lang siguro ako. Ah hindi, dahil pala valentine’s day. E ano naman kung Vday ngayon? Well, Ayoko talaga. At bakit? eh sa ayaw ko nga! Ang kulit!

Sa totoo lang wala naman talaga sakin etong araw na ‘to eh. Siguro sa ngayon dahil single ako, pero ewan ko lang kung gurang na talaga ako. Yon nga, nakakatamad bumangon at umalis ng bahay sa kadahilanang hindi ko alam ang dahilan.

Tinatamad talaga akong lumabas kanina dahil ayaw kong:

makakita ng couple na may hawak na bulaklak, basta ayaw ko makakita ng couple

mainggit

sumakay ng jeep

maarawan

umalis ng bahay

maligo(nyahaha)

Pero walang nagawa ang aking palitong katawan. Nagpunta narin akong skul dahil sa gusto kong:

makakita ng couple na may hawak na bulaklak, basta ayaw ko makakita ng couple

mainggit

sumakay ng jeep

maarawan

umalis ng bahay

maligo(nyahaha)

At nagpakonsulta ako kay doc, tungkol sa aking problem sa puso. Ay sa prof pala, nagpakonsulta para sa aming thesis na ang pamagat ay “An Enhanced Minesweeper with AI Oriented Opponent Applying Greedy Search” in tagalog “Ang pinagandang tagahigop ng mina na may kasamang AI bilang kalaban na ginagamitan ng gahamang paghahanap”. Haha. At kung ano yan? ayaw ko ng ipaliwanag pa.

Marami akong nakita kanina ng papasok ako. Mga bagay, hayop, tao, lugar at pagkain. Ang daming lobo at bulaklak, may red, white, at chicharong bulaklak. Ang saya saya dba? Pero ang pinaka-importante dyan ay ang mga magkasintahang tila’y mga binata’t dalagang nagliligawan sa may baywalk at luneta kahit na nasa may MRT station sila. Aba naman, Hindi naman tama yan! Hindi namin kayo tatantanan!

Naiggit naman ako? Sympre oo at hindi. Oo dahil, ewan ko! Eh isipin mo naman, parang ang saya saya nila hindi ba? tapos ikaw mag isa, nakikinig gamit ang MP3 mo at dala dala ang folder. Tapos nasa harap mong mga magkasintahan na yan! Ang sarap nga nilang paguuntugin eh! hehe. Pero hindi ko magawa yon, kase hindi ko feel. Baka gumanti sila, at dahil araw naman ng puso ngayon, minabuti ko na lang na intindihin sila at ang sarili kong ewan.

Hindi naman dahil wala lang, trip ko lang. at syempre, masarap maging single. Yon lang!

At wala na akong mailagay dahil nakikita ko nang lumalapit ang folder ng thesis na ipanasa kanina na ngayon at punong puno na ng pulang marka, na para bang walang tama sa ginawa namin. haha. At wala na talaga.. Wala na… Wala na!!!

Kidding aside, Dahil valentine’s day naman ngayon, hindi parin ako magseseryoso! haha. Bleh!

Happy Valentine’s day!

***Update
Pagkatapos kong basahin eto, naisip kong wala palang kwenta! At sana hindi ko na lang sinulat. Nasayang ang isang minuto ko sa pagttype, 10 minutong pagiisip, at 1 minutong pagttype uli. Hay, walang nangyari. Ang gulo ko!

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

11 Comments so far
  1. jeeper February 15, 2006 9:26 PM

    Kahapon, nagpasa lang ako ng paper ko sa prof ko tapos umuwi na ako kahit may classes pa ako. I hate the day… bukod sa traffic, puro PENK na lang ang aking nakikita.

    Mula umaga hanggang gabi puro lovesongs na lang ang naririnig ko.

    Dapat siguro nakipag-EB na lang ako sa mga chatmates ko na willing. :D

  2. Darwin February 15, 2006 9:30 PM

    Hahaha kawawa ka naman, isa ka sa mga pinagkaitan ng pagmamahal ngayon.

  3. elaine February 15, 2006 10:34 PM

    uuiii..may namimiss ka noh???ahahahaha…haba ng thesis nyo a…mas mganda kapag tagalog…nyehehehehe..
    ***note: RED team…fight!!!![nyek..corny…]

  4. feliz February 16, 2006 9:59 AM

    hay nakoh… dinaanan ko lang ang Valentine’s Day… ang korni kase… haha! anyway, at least meron n taung magandang title sa thesis. haha!

  5. Nicole February 16, 2006 5:23 PM

    syet. nainggit ako bigla sa mga nagenjoy nung valentines day. syet sila. hahaha. anyway anyway. buti naligo ka. ;P

  6. staticblu3 February 16, 2006 6:02 PM

    jeeper:: dapat nga nakipagEB ka na lang. nyhahah

    darwin:: ikaw rin eh! :P

    elaine:: wala akong namimiss no. haha ang korni nga ng translation nya eh…

    feliz:: tama, korni heh

    nicole:: woot. happy valentines sayo! yikee, may namis siya. haha. welkam bak pala! aba ikaw ba naligo? :P

  7. crisel February 17, 2006 3:25 PM

    hello. saw the link fr sarah’s site. ang kulit ng entry mo, nakakatuwa. nway, hindi lang ikaw ang walang ka=partner nung vday. haha.

    btw, good luck with the thesis. hirap talaga ‘yan lalo na pag-bad childhood ung prof. hehe, jK! but you guys can do it! ;p

  8. Laarni February 17, 2006 7:10 PM

    emo! EMO EMO EMO! :D

  9. staticblu3 February 17, 2006 8:16 PM

    crisel:: hehe makulit ba? dbale next time nde na.. wahaha… thanks sa pagdalaw, balik ka ha!

    laarni:: hehe ey ayun na pala ang contact page ko ha…

  10. skwayred February 18, 2006 4:43 PM

    Ui patingin naman nu’ng minesweeper enhancement na ginawa n’yo parang ang astig.

    Nu’ng Vday hindi naman ako nainggit. Pero marami din akong nakakitang may dalang flowers, tinatawanan nga naming magkakaklase. Wala lang. Nyahaha. :p

  11. Sheryl February 22, 2006 5:26 PM

    ako nga walang kadate non pero ok lang..family q kadate ko haha.. belated vday nga pala haha