Salamin

Posted on February 24, 2006

Marahil nagiisip ka ngayon kung ano ano nanaman ang sasabihin ko tungkol sa salamin. Bubusisiin ko nanaman ang napakaliit na bagay, palalakihin at titignan kung ano nga ba ang kahalagahan ng salamin sa ating buhay.


Habang ang lahat ay busy sa pagawa ng thesis na sa thursday na ang defense ng karamihan, pag-aayos ng 3d simulations na bukas na ang dry run at sa lunes na ang exhibit, at pagtatapos ng machine problem 3 sa Aritificial intelligence na bukas na rin ang pasahan at pagdefense, heto ako pinagdidiskitahan nanaman ang maliit na bagay na salamin.

Bago ko simulan ang walang say say na entry ko, nais ko munang tumingin ka sa salamin at tignan mo kung anong meron sa muka mo. May muta ka ba, may nakasabit ba na kulangot sa ilong mo, basta kahit na ano! Kung natakot ka, wag kang magaalala salamin lang yan.

Halos araw araw tayong tumitingin sa salamin. Nagpapaganda, nagpapacute, papapogi, paparapapa, kung ano pa yan! Naisip mo ba na hindi talaga yang salamin na yan ang nais kong busisiin. Kundi ang salamin na inilalagay sa mata…

Salamin o ang eyeglasses na kung tawagin sa ingles. Ginagamit eto ng mga taong malalabo ang mata, nandyan sila para tulungang luminaw ang paningin natin. Parang kaibigan din yan eh, habang dumadaan ang problema sa atin, hinahanap hanap natin ang salamin na magpapalinaw at magaayos ng problema natin. Naiintindihan mo ba? Kung hindi, bumalik ka sa simula… Minsan may mga salamin nga tayo pero hindi natin ginagamit, pinapabayaan lang dyan. Nakatambay at naghihintay na gamitin mo uli, kung kailangan mo. Ganyan din sa totoong buhay, may mga kaibigan tayong naiisantabi natin sa mga panahong parang hindi naman sila nageexist. Mga panahong tila wala tayong problema, mga panahong akala natin hindi natin sila kailangan. Minsan dahil sa hindi natin paggamit dito, naiitambak lang natin sila kung saan saan at madalass natatabig ang mga ito at nahuhulog. At kapag nahulog, syempre mababasag pero minsan hindi. Oo, nababasag sila dahil isinasantabi natin sila. Nawawala ang tunay na halaga at gamit ng salamin. Hindi ko maarok kung bakit at kung ano, pero sa buhay ko marami na akong nabasag na salamin. Hindi dahil sa isinantabi ko sila, kundi ay dahil ng matamaan ako ng bola sa mukha.

Sayang lang kung nabasag ang salamin, sayang… Masakit pala maging salamin, at minsan yan ang nararamdaman ko. Isang salamin na naiwan kung saan saan, na malapit ng mahulog at mabasag. Ngunit hinihintay ko parin ang nagmamay-ari nito na isuot ako muli. Siguro hindi na niya kelangan ng salamin dahil asenso na, contact lens na ang gamit.

Kung iisipin, hindi naman lahat ng tao ay may salamin kaya hindi na dapat pang ikumpara ang salamin sa mga kaibigan natin. Siguro ay mas magandang ikumpara ito sa kapareha natin. Dba?

At kung itatanong mo kung isusunod ko ang pagkukumpara ng salamin sa magboypren at gelpren, hindi na muna siguro. Sa kadahilanang hindi ko maintindihan… at sa kadahilanang kailangan ko ng tapusin ang mga bagay bagay na kailangan ng tapusin. At kailangan ko ng tumingin sa salamin at tignan ang sarili ko kung ano ang mas mabagay, nakasalamin ba o contact lens? Ano sa tingin mo? haha, wala palang bagay.

Ang salamin. Baw!

***Fact You!
2 beses ng nabasag ang salamin ko, literal ha! at ilang beses na akong nagpalit ng contact lens. Kung tatanungin mo kung anong kahalagahan nito sa post ko? Wala, trip ko lang sabihin… hehe

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

10 Comments so far
  1. ade February 24, 2006 10:21 AM

    hahahaha! ang kulit!:)

  2. cJ February 24, 2006 1:56 PM

    ang kulit ng post ha… cge mag enjoy ka muna sa isang araw na bakasyon mo ha… free day mo!

  3. Darwin February 24, 2006 6:33 PM

    Ako ata yun a, nagsasalamin lang kung kailangan kung hindi naman… dyan ka muna. hahaha. Both literal and figurative.

  4. jeeper February 24, 2006 8:05 PM

    Good luck sa trabaho sa school.

    two years na nag slamin ko, di pa rin ako nagpapalit. Napansin ko lang nung bago pa salamin ko sabi nila cute ako pag nakasalamin ako, pero ngayong sanay na sila, baligtad na “Cute ka pala pag wala kang salamin.” Wala lang.

    Ngayon, uso na ang LASIK.:D

  5. Eric February 24, 2006 9:12 PM

    hhehee kulit. twice ko na nabasag salamin ko. minsan naapakan, minsan nawala.

    minsan na rin nahulog contacts ko off my eyes habang nasa mrt ako. kaya emergency takbo ako sa banyo ng shawgaling shaw station. hehe

  6. skwayred February 26, 2006 4:24 PM

    Wehehe kala ko naman salamin as in mirror. Ako gusto kong magsalamin! Pero ayaw lumabo ng mata ko e. :(

  7. elaine February 26, 2006 11:53 PM

    kulit ah..msydong malalim ung pinost mo..
    ehehehehe…

  8. staticblu3 February 27, 2006 12:08 AM

    ade:: haha mas makukulit ang posts mo. hehe

    cj: magblog ka na uli habang walang pasok :)

    darwin:: ako hindi ko kayang walang salamin, pwera na lang kung nasa bahay. Pero madalas talaga nakasalamin ako o kaya contact lens. para cute :)

    jeeper:: salamat! hehe hala magpacheck ka na, baka iba na ang grado ng mata mo. hehe

    eric:: hala, naapakan ang salamin sa mata mo. tsk tsk. hehe hindi ko pa nasubukan na mahulog ang contact lens ko off my eyes. pero nasubukan ko na dahil ng maihangin eto habang nasa daliri ko hehe…

    skwayred:: ahaha, akala ko rin nung una eh. kaso biglang nagbago hehe. Halika palalabuin natin, wag kang magaalala magbibigay ako ng tips kung pano lumabo ang mata.

    elaine:: nalulunod ka na ba? hehe

  9. Eric March 1, 2006 6:29 AM

    jong, minsan na rin akong naka tulog may contacts. sobrang pagod ako nun from work. diretso higa sa kama at naka tulog pala ako. pag gising ko.. pulang pula na mata ko ahahahah sobrang hapdi

    minsan na rin ako naka shower may contacts. sa sobrang pag mamadali naman bwahhaahhaah

    kulit mo!

  10. The Ca t March 1, 2006 11:19 AM

    madalas mawala ang salamin ko. nasa ulo ko lang pala. malabo rin kasi ang utak ko eh.mwehehehe