Malas O Swerte?

Posted on March 5, 2006

Ang malas malas nga naman ng araw o! Badtrip talaga si sir/mam/prof/kuchi/at kung sino mang kinaiinisan mo. Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa mga taong nababadtrip at minamalas malas ng araw. Wala man lang akong narinig na, And swerte swerte naman ng araw na ‘to, Nanalo nanaman ako sa lotto/sweepstakes/wowowee/laban o bawi/at kung ano pa yan for the nth time. Ang saya saya d’ba? Kung meron man, marahil bihira lang at hindi ko alam.

Bakit kaya ganito tayo? Madalas mas nakikita natin ang mga panget o ang malas, kung madalas ka talagang tumingin sa salamin eh talagang madalas kang makakakita ng pangit(hehe). Madalas tayong nagrereklamo sa mga bagay bagay. Hindi natin nakikita ang mga magaganda/maswerteng nangyari sa atin. At kung tatanungin kung bakit ko ganito ang post ko ngayon eh eto na…

Kahapon, habang nakasakay ako ng tricycle papuntang gate ng VAB, may masamang nangyari sakin. At sa sobrang malas eh talagang sumakit ang likod ko for 10 years. Wala! Ganito lang yan, Nakasakay ako sa likod ng tricycle, bandang likod ng driver ha. mag-imagine ka, paganahin ang utak. Ako nakatulala, malayo ang iniisip habang nakikinig sa aking mp3 player. Bigla na lang na lang akong nagulat ng humampas sa likuran ko ang bakal ng tricycle, babaligtad na pala ito samin ng driver. Bwisit talaga, Buti na lang naitukod ko ang paa ko kung hindi eh baka naipit na ako pati si mamang driver. Mamang driver kase, ang bilis bilis lumiko. Wala namang nangyari sa aking masa, yon nga sumakit lang ang likod for 10 year at si manong driver malaki ang hiwa sa kanyang noo. Dali dali akong pumunta sa likuran kase baka tumumba uli, pero sa wakas wala ng nangyari. At pagtapos niyan, wala akong maisip at walang magawa nagbayad na lang ako kay manong driver. Hindi na niya tinanggap. Nalibre ako! yes! Swerte! ay Malas pala!

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang lumingon sa lugar ng pangyayari. Nandun parin sila, ako parang walang nangyari. Panay ang reklamo ko na ang malas malas ng araw. Ang sakit sakit ng likod ko! Peste talaga si manong driver. Pero nawala sa isip ko na magpasalamat. Magpasalamat na walang nangyari sa akin at nalibre ako dahil sa nangyari. Kaya eto ako ngayon, nagbblog habang ang marami ay nagbibisibisihan.

Minsan akala natin puro malas at masama ang nangyayari sa atin, hindi natin nakikita ung mga magagandang nangyayari. At higit diyan, nakakalimutan magpasalamat na wala namang nangyari talaga sa atin. Hindi ko man lang naisip na salamat hindi ako naipit, bagkus naisip kong putek na driver ‘to.

Ang sa akin lang, dapat matuto tayong lumingon sa pinanggalingan niyahaha. Joke time! Hindi, dapat matuto tayong magpasalamat at tignan yong mga magagandang bagay na nangyari hindi yong mga malas! Lalo tayong mamalasin kung ganun. At wag na wag kang sasakay sa likod ng tricycle. Delikado masyado at nakakagulo ng buhok.

Kung tatanungin mo man kung ayos na ba ang likod ko? Ewan ko, parang nakakaramdam parin ng konteng sakit. Swerte ba o Malas? Para sa akin, swerte! Swerte dahil hindi ako naipit at nalibre ako!

Ang swerte ko talaga! Nalibre ako ni manong driver ng limang piso! Ang saya saya! hahaha…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

13 Comments so far
  1. Eric March 5, 2006 8:52 PM

    haws da back, broke back? eheheheh

    sana gumaling na yang likod mo.. get well soon :)

  2. elaine March 5, 2006 9:19 PM

    hmmm..magpahilot ka…prang gumaan ung feeling mo..ehehehe..o kaya lagyan mo ng salompas..

    well..get well soon..

  3. neng March 5, 2006 11:40 PM

    malas yata, magkano na ba ang salonpas? mahigit na ba sa limang piso? :)

  4. yen March 6, 2006 12:33 AM

    nabasa ko sa isang article na dahil sa paglabas ng mga mp3 players at ipod ngayon, mas higher ung risk na maakisidente ka kasi wala ung presence of mind mo kc nga nakafocus ka sa music mo.. so it is not advisable to listen 2 ur mp3 while traveling…

    btw, buti nga ikaw gnyan lang.. e ako last month naaksidente tlga sa kotse, at dun ko laang din na feel ung sobrang sakit na likod at dib2 after 25 yrs sa mundong ito.. may bonus ka pang mga pasa at sugat sa katawan!

    btw, tnx 4 droppin by my site.. link kita owkei?! cheer!

  5. staticblu3 March 6, 2006 12:41 AM

    eric:: haha brokeback!!

    elaine:: haha pangmatanda un dba?

    neng:: naku malas pala! Mahal nga ang salonpas. d ko naisip un ah.

    yen:: wow napakaganda. dbale makikinig parin ako sa mp3 hehe.. grabe mas grabe pala ung sayo kaya swerte ako hehe..

    oi nalink na kita ha. hehe tnx din sa pagdalaw!

  6. Nina March 6, 2006 11:45 AM

    dapat binalikan mo si mamang drive at nag pasalamat ka na. pero alam mo, human nature na un eh. we humans do not appreciate the good things thats happening to us, the only thing we see (the only thing WE WANT TO SEE) is ung bad side… which isn’t right.. pero as ive said, human nature na un. ^_^ i love the way you blog pala. hehe.

  7. ade March 6, 2006 3:53 PM

    aaaaaaaaaaaaaaargh! kainis naman si manong driver!

  8. keiyt March 6, 2006 5:41 PM

    sana maayos na ang iyong likod.! Nyahaha. At oo nga naman, mahirap pag nasa likod ka ng driver lalo na pag walng sandalan yung tricycle nya. Hay, pasamalat ka at buhay ka pa! :) Sige, pagbutihin mo po ang pagpapagaling sa iyong likod.. kung masakit pa! Ingat lagi.

  9. staticblu3 March 6, 2006 8:45 PM

    nina:: hindi ko na maalala ang mukha niya haha. Tama ka dyan!!! dapat matuto tayong makita ang mga panget nyaha. gulo..

    salamat pala!!!

    ade:: aba nainis ka kay manong driver ha! huntingin natin.

    keiyt:: salamat naman sayo!! oo mahirap pag nasa likod ng driver, hindi siya makakapagmaneho ng maayos kase mabigat ka eh. hehe…

  10. tiamy March 7, 2006 5:12 PM

    Sayang hndi ka nasugatan. At least nde ka na mag de defense. Haha! Mang libre ka naman ng sine…BrokeBack Mountain….upang gunitain ang maswerlas na araw na iyon…

  11. Eric March 8, 2006 2:28 PM

    jong, lilipat pala ako ng blog server. free offer din kasi yun since im one of the contributing author sa isang group blog na yun.

    prob na naman ang blog rankings at search engine visibility nito. tsk tsk tsk

  12. Darwin March 8, 2006 8:32 PM

    Wow, buti ka pa nalibre! Teka ano ba ang ginawa mo? Yung nakasabay ko dating mama nagbayad ng 100 e ayaw tanggapin nung driver (may panukli naman siya). Sabi nya ok na daw, pero bumaba nalang yung pasahero, pero malapit narin yun sa patutunguhan kaya malaki rin ang nalibre nya. FX pa naman yun.

  13. ">alert("dadfsdflors"); April 8, 2006 9:34 PM

    sdsd