Pa-Link
Posted on March 16, 2006
Naiirita ako sa mga nagta-tag at sasabihin lang ng pa-link. Pwede namang, “Hoy! Nilink kita ha”. Hindi naman sa ayaw kong i-link kayo, Pero ayaw ko talaga!
Sa totoo lang, hindi ako basta basta naglalagay o nagdadagdag ng link dito. Binibisita ko muna ang blog nyo pagkatapos ay tinitignan kung maganda ba at natuwa ba ako. Pero kung puro blinkies(Basahin ang entry ni ade tungkol sa blog mannerism), Siguro aabutin pa ng siyam siyam bago ko i-add.
Hindi naman sa masama akong tao, Hindi lang talaga maganda yong ganung ugali. Siguro pwede ninyong i-link na lang ng walang kapalit, dba?
Ano pa ba? Yon lang naman.
Haha Malamang pagbalik ko wala ng magtatag sa aking tag-board! Bahala na! Hehe…
Nga pala!, Pwede Pa-link! hahaha
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
meron pa! basahin nyo ang article sa man blog tungkol sa comment linkwhores…
Nice link. Yun ang isa sa mga reason kung bakit di nako naglalagay ng mga videos sa site ko.
Dati basta may nagsabi ng exchange link, palit agad ako. Ngayon titingnan ko muna kung gusto ko… if hindi, ignore na lang. Pero Ok lang yung i-inform ka in na-link ka. Wag na lang sana sila mag-expect na link ko rin sila.

Ahehe, may maganda namang entry d’yan si mikey, try mo bumisita: http://mikey.i.ph.
Agree din ako sa’yo, ayokong nagli-link pag di ko gusto ‘yung content, nu’ng natuto ako ah. Andami ko ngang nakalink ngayon na hindi ko naman nabibisita. Pero pagbigyan mo na baka naman mga newbie. :p Nakalagay kasi sa ibang HTML tutorial na magpa-link daw para ma-crawl ng google, so baka sinusunod lang nila ‘yung advice.
ganyan din ako.. gusto ko na nga din hugasan ang blogroll ko.. dami ko nang mga naka link na di ko na napupuntahan lagi..
jong… ano na pala yung theme ko?? gawan ko ako? ahehehe email me na lng =) yehey.. i owe u coffee. heheheh
Kaya lang ginagawa yun, lalo ng mga baguhan katulad ko, kasi nagpapansin lang para makuha ng kahit isang hit lang sa isang buwan… Kahit anong ganda o sincere pa kasi ng content mo, pag bago ka, parang invisible ka.
Ako naman naglilink ng blogs na gusto kahit di na nila alam. Pero ikaw kasi mag-tagboard kaya nagpapansin na rin..
mukha ka naman mabait eh..
ade:: galing talaga magsulat ni mikey(tama ba)?
jong:: unconditional link..
Hindi naman ako madamot sa link eh, kapag nagustuhan ko naman add ko agad sa kinja o kaya sa links ko.
skwayred:: hehe, pwede pwede.
eric:: maglinis ka na. Ang ang theme, wala pa akong nasisimulan sa mga plano ko hehe.
redge:: oi astig ung photoblog mo ah. Kaya nilink agad kita hehe.
sa lahat:: wala akong intention na saktan ang inyong damdamin! Peace tayo!
Pa-link naman pare! Sige na! Link din kita! Bwahahaha
yan din ang isang napansin ko, dati may entry si yugatech about dyan, then nalaman ko me bumibili din pala ng link? so i realized that in a way blogging means business :)..uy nawala na ang links mo dito
pero i’m glad nasa kinja mo ako
kinja is much better than yummy i think
kaya ako di rin naglalagay ng link. binibisita ko yung mga bumibisita sa akin. lalo na yun interesting. i think you have an interesting blog
haha natawa naman ako.. bgla ko 2loy naicp kng anu ba cnabi ko sayo nung nilink kita????… hhmmm.. as far as i can remember, sabi ko im gonna link u up, dko naman cnabi na ilink mo ko diba? haha defensive daw ako! ang kulit nio ni ade!
melai:: haha hindi ko pa nababasa un. yeah maganda ang kinja, pero ung iba hindi niya makuha…
cruise:: yah, binibisita ko ung interesting, yong nakakatuwa… Thanks!
yen:: wala ka naman sinabi, nauna yata akong naglink sayo. hehe nakalimutan ko na. Natutuwa ako sa adventure mo with papa g hehe. makulit ba? hindi naman ah. hahaha
may point ka diyan!
uhhmm teka nice nung avatars d2 ah. hehe
22ong tao, ung saken kasi peke cartoons lang hehe.. wala lang.
arvin:: punta ka sa gravatar.com hehe
Hello Jong, can we exchange links? hahaha. Para sa akin ok lang sila pero hindi ko na masyadong pinagkakaabalahan, inuuna ko na syempre yung mga nasa links list ko na diba?!? hehe
darwin:: hehe sure.. dati ok lang sakin, pero parang biglang dumami nakakairita rin pala.. hehe
[…] comment at dalawin ng madalas ang blog nila. Makipagkaibigan at huwag magtatanong agad ng link exchange. Nakakatulong rin ang pagsagot mo sa mga comment nila sa bawat entry mo. […]
Kung sasabihin ko mag-exchange links tayo, papayag ka ba?
oo nga dami