Three Years Ago

Posted on March 19, 2006

Three years ago, Nakaupo ako sa harapan ng computer nagmumuni muni kung ano ba talaga ang kukunin ko sa aking kolehiyo. Mahirap mag-isip, mahirap ding isipin ang kinabukasan.

Masaya ang mga araw nung nasa High School pa ako, nakakaexcite sa tuwing iniisip na ilang buwan na lang at tutungtong ka na sa kolehiyo. Pero mahirap, mahirap isipin, mahirap ding paikut-ikutin ang utak.

Dumating ang career talk para bigyang linaw ang mga magtatapos sa kung anong maaari nilang kuning kurso para sa kolehiyo. Nandyan ang walang kamatayang paglaki ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong nursing, In demand kase sa abroad at malaki ang kita. Nariyan din ang mga kursong pang IT(Information Technology), Tulad rin ng sa nursing In demand din daw ito at malaki ang sahod. Wala paring tatalo sa kursong engineering.

Sinubukan kong kumuha ng UPCAT, naalala ko sa Riyadh pa kami nag-exam. Masaya pero kabado ang mga tao. Iba’t Ibang mag-aaral ang mga naroon, nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng Saudi. Meron sa Riyadh, AlKhobar, at Dammam. Iba’t - ibang tao ngunit iisa ang layunin, ang kumuha ng exam para makapasok sa Isa sa pinakamagandang paaralan sa Pilipinas.

Sa kasawiang palad, 56% lang ng mga mag-aaral sa aming eskwelahan ang pumasa. Hindi ako kasali dun. Hindi ko rin nagawang makita ang grade o kung ano man yon sa kadahilanang hindi ko alam.

Tatlong taon na pala ang nakakalipas, Marso noon nasa Mapua Intramuros ako. Naghahabol sa huling araw ng pagkuha ng exam. Gusto ng tatay ko na kunin ko ang kursong ECE, at sinunod ko siya. Yaon ang nilagay ko sa application form. Pero minalas nanaman ako, hindi ako nakahabol dahil malamang hindi na umabot sa quota dahil huling araw ng pag-exam yon. Pinag-pilian ko ang kursong EE(electrical engineering) o CS(computer science), pero nanalo ang CS sa kadahilanang mas gusto ko ang pagaralan ang computer at ayaw kong magdrawing.

Hindi ko man nakuha ang kursong gusto ng tatay ko sakin, nakuha ko naman ang gusto ko. Ang mas kinahiligan ko at natutong mahalin. Mahirap, puyat ka na nga sisigawan ka pa ng prof mo na sing tanda na ng lolo o lola mo. Minsan, ibabagsak ka sa kadahilanang hindi ka niya maalalang sumagot sa recitation o malamang dead kid ka.

Ngayon, Heto ako. Magulo nanaman ang pag-iisip. Parang bumabalik ang mga nakaraan, nauulit nanaman ang mga pag-iisip at hirap na hirap nanaman sa pag-iisip. Pag-iisip kung makakagraduate ba ako, kung makakakuha ba ako ng magandang trabaho, kakayanin ko ba ang buhay pagtapos ng kolehiyo. Tatlong taon na ang nakalipas, tatlong taon narin akong nag-aaral sa mapua, tatlong taon naring paghihirap, tatlong taon na parang wala akong masyadong natutunan. At yan ang kinakatakot sa pagtapos sa kolehiyo.

Ilang buwan na lang mula ngayon, maaari na akong magtapos. Isang term na lang kung tutuusin kung wala akong bagsak at kung matatapos ang OJT at Thesis. Isang term na maaring maging dalawa kung hindi pagbubutihan. Isang term na pahirapan.

Heto ako, nakaharap parin sa computer at hinihintay ang bukas. Bukas na pwedeng makita ang grades at bukas narin malalaman kung 9 units na lang ba talaga ako next term. Bukas narin ipapasa ang resume para sa Accenture pero sa totoo lang wala pa akong resume. Wala akong maisulat. Nagsisisi ako dahil hindi ko nagawang pagbutihin ang aking pag-aaral, walang academic achievement, walang extra curricular activities, wala, walang wala!

Eto nakaharap parin sa computer, isinusulat ang kakornihan na mga naiisip ng isang tinedyer na hindi malaman ang gagawin sa buhay habang iniisip ang maaaring daratnan sa kinabukasan.

Tanong ko lang, Buong buhay na ba akong uupo sa harap ng computer?

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

23 Comments so far
  1. ade March 19, 2006 7:28 PM

    dude, parang ganun na nga. kahit na hindi compuer ang kurso mo, magiging ganun ang mangyayari kasi puro kompyuter ang buhay ngayon.

    …anlabo ko. tama na.

  2. Dn0mYaR March 19, 2006 8:21 PM

    wow.. nostalgic..

  3. Eric March 19, 2006 9:06 PM

    nag se senti sentihan ang drama ngayong weekend ah.. ehehehe

    ganyan din ako noon. wanted to take PT or medtech. basta magulo.. hanggang sa pumila ako sa Comsci dun ehehe

    kahit papano didnt regret it.. pero andun pa rin yung mga regret paminsan minsan..

    :)

  4. jhay March 19, 2006 9:16 PM

    fear not, hindi ka nag-iisa. ganyan din ako 3 yrs before, ganyan din ako ngayon. Nag-iisip, nangangamba, nagsisisi halo-halo na talaga.

  5. elaine March 19, 2006 9:46 PM

    aba..senti ah..ehehe…Thesis at OJT??bkit walang ENGLISH3???…joke!kc nde ka sumali sa OTI..yan..tsk tsk..

  6. neng March 20, 2006 5:48 AM

    enjoy mo lang college life! kung walang tiyaga, wala ring nilaga sabi nga. kapag nasa work field ka na mas pa ang mararanasan mo sa mga boss kumpara sa mga prof…mas mahirap pa nga eh!

  7. jeeper March 20, 2006 12:41 PM

    Tulad mo naranasan ko rin yan. Nag-exam din ako pero 2.83 lang yung score ko. At least sa inyo nasa 50% ang pumasa sa amin mababa pa.

    Separation anxiety lang siguro yan. Kahit ako nararamdaman ko rin yan ngayon, marami sa mga kaklase ko aalin na sa school ngayon. Naguguluhan rin ako sa dapat kong daan na tatahakin.

    Sa tanong mo, sana naman hindi. Minsan-minsan lang sana. hehehe.

  8. cJ March 20, 2006 8:50 PM

    same here.. :P

  9. yen March 21, 2006 12:14 AM

    marami kang kadamay sa gnyang sitwasyon, ang msa2bi ko lang lahat ng estudyante dumaan sa gnyang stage. mahirap ang buhay mag aaral pero mas mahirap pag nsa “real world” ka na! hanggang anjan ka pa sa skul pagbutihin mo na, may isang term ka pa pra mag aral mabuti at maging active sa skul activities nio! magagamit m lahat yan sa coprorate world! goodluck!

  10. Nicole March 21, 2006 2:43 PM

    wow. thanks for reminding me of what im going to do in college. gotta make good in college to make my resume look impressive. hehe. :D

    lam mo, kaya mo yan. siguro naman nagaral ka ng mabuti since you love computers? hehe. saka you have a term left. galingan mo na lang dun. ;)

  11. Eric March 21, 2006 7:08 PM

    senti moments.

    uy.. ayusin mo na lang yung kailangan mong papers sa OJT. ill help u sa offc. (gaya ng napag usapan sa YM)

    ciao na sakit ulo ko slept for 24 hours ehehe

  12. skwayred March 21, 2006 7:18 PM

    Hindi ko nga gusto course ko ngayon e. Or hindi ko lang gusto ‘yung turo. Maganda nga ‘yang nag re-retrospect ka kasi nalalaman mo kung ano ‘yung mga hindi mo nagawa. Ang downside nga lang n’yan e kung may pinagsisisihan ka. ;)

    Hindi ka naman siguro uupo forever sa tapat ng PC. S’yempre kelangan mong kumuha ng pagkain, maligo, magtoothbrush, etc. di ba? (ang korni.)

  13. staticblu3 March 21, 2006 9:13 PM

    ade:: tama ka dyan! ganyan ganyan nga!

    dnomyar:: haha

    eric:: ang gulo, didn’t regret it pero paminsan minsan nandun parin ung regret hehe. labo haha

    jhay:: astig ung sinulat mong entry… salamat ha! eheh

    elaine:: yeah kasama un. at ngayon naiinis ako at hindi ko sumali dun. kainis talaga

    neng:: ganun po ba? salamat ha hehe

    jeeper:: hehe… paminsan minsan lang aalis sa computer

    cj:: asus hehe

    yen:: thanks. malapit ko ng harapin ang real world. naks

    nicole:: yeah, kelangan mong dagdagan ang kokonteng effort para mag mukang impressive ang resume mo, kundi direcho agad sa basurahan. buti ka pa, magcollege palang hehe

    eric:: thanks.

    skwayred:: ano nga uli course mo? hindi ba computer thing din? hehe

    haha ang korni nga nung last part, naisip ko rin yan pero hindi ko na pinost ;) hehe…

    salamat sa inyong lahat!

  14. rose March 22, 2006 8:51 PM

    naku iho… since yan ang uso at pagkakakitaan mo ang maupo sa harap ng computer… go ka!
    dyah ka bubuhay ng pamilya at di lang yan. malay mo mapromote ka..

    at saka, naku. wag ka ng mag alala! basta gumardwate ka oks yan!
    siguradong proud pa rin si tatay mo sayo! :)

    TC

  15. Eric March 22, 2006 10:10 PM

    haha anong ang gulo? haha basta ganun yun. ahahah yung OJT mo ha? ako pinag kaperahan ko na office ko.. naka kuha na ako ng study loan ko. sila bayad tuition ko sa june ahahhaha

  16. !van March 25, 2006 12:04 AM

    nice entry. you got me thinking there. hmm…lyf after kalej…. oh well! the best of luck to you. keepbloggin!wrokon! :D

  17. leo March 25, 2006 8:50 PM

    hi! nice and informative posts pare! i’m bloghopping and just checking your blogsite. Keep the blogs rolling!

  18. cruise March 26, 2006 11:04 AM

    maganda yung course na napili mo, infact magkakasamang nag wo work ang ECE at CS graduate sa kompanya na pinapasukan ko.

    by the way ECE MIT grad ako.. high five! pareho pata tayo ng iskul..

  19. arn March 27, 2006 12:44 AM

    Kami sa opis is looking for computer grads, kaso yong marunong ng ArcGIS.

    Maganda yang course mo, tyaga lang. Good luck, lapit ka na pala mag graduate.

  20. staticblu3 March 27, 2006 2:29 PM

    rose:: hehe sana nga proud :)

    !van:: thanks.

    leo:: salamat rin!

    cruise:: san ka po nagwwork? naks apir tayo! fellow mapuan!

    arn:: oo nga tama ka! tyaga lang talaga.. Salamat!

  21. KD April 18, 2006 1:24 PM

    Erpats ko naman gustong kurso na kunin ko eh ME, kaya lang nang mag-enrol ako isang milya ang haba ng pila. Samantang yung sa pila ng ECE ay di gaanong kahabaan (at isa pa gusto ko talaga ECE hehe) kaya ayun.

    Aral ka lang at enjoy collage life., do your best wag mong masyadong problemahin kung anong trabaho papasukan mo after collage ang importante ngayon ay mag-aral ng mabuti at iwas sa mga bisyo para makapasa at may matutunan.

  22. shane September 17, 2006 5:54 PM

    elow! lam nyo graduatng aq now in high skul, naiinc aq s srili q kz di q tlga alam ang course q at skul n p2sukan q! bt d nmn tlga problem ang skul ang course q!auq kz mag c2 at mgship p ng course, auq kz dumting ung tym n mac2 aq pg nandun n q, at sbhn q n auq n n2! auq ma aksya ng pnahon at pera kz mhlga pra skn un! mtgal q ng pnag i2cpan 2ng tnong n 2! pnagpr2y q ky god n bgyan nya q ng sign pra mlaman q ang tmng ksgutn s tnong q,s pnili! mdming tao ang ngp2yo skin pero lalo aqng ngu2luhan. kung pwd lng nursing kz mgandang trabaho un pag nktpos aq! kzo problma q nmn ang pera, prng d k2ynin ni m2 un! gus2 q kzng mk2long ky m2! sana mlman q n ung course q! thankz….

  23. Enrico November 7, 2006 7:38 PM

    Naku nangyari din sakin yan noon, tagal na yun. Pasa din ako sa UPCAT pero lumayas ako sa poder ng Granny ko. Kaya ayun hindi ako natuloy. Sayang gusto ko pa naman sana ng Mass Com. Pero ok lang eto ako ngayon isang CPA na. Take note pinag-aral ko ang sarili ko. Gusto ko nga ba ito? Not my first choice pero kumikita na ako so….why not?!