Mainit
Posted on March 27, 2006
Nararamdaman ko na talaga ang summer. Sobrang init na. Sa katunayan, wala akong suot ngayon.haha
At kung iisipin mo kung ano nanaman ang ipopost ko, malamang mali ka nanaman! Hindi ako magbablog ng tungkol sa summer o sa mainit. Basta ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman. ![]()
Pinakaayaw ko talaga ang nag-aayos ng mga lakad o gimik o kung ano man yan. Mahirap humagilap ng mga tao at mahirap din kapag wala kang load. Pero kung tutuusin masarap din kapag natapos na ang lakad o gimik ninyo at nasiyahan ang mga nagpunta, pero malungkot dahil wala ka nanamang pera.
Pero ano ba talaga ang ipopost ko? Naglalaban laban nanaman ang mga sari saring pag-iisip sa utak ko. Pero mas gusto ko eto, kaysa maging tuyo o wala na talagang maisip. Pero mahirap din kapag halo halo ang naiisip mo, wala kang maiblog na matino at wala kang patutunguhang matino. Tulad ko.
Naisip ko lang kanina na isa pa lang mabisang paraan para makahatak ka ng mga mambabasa ng blog ay ang dalawin ang blog nila at magiwan ng matinong comment at dalawin ng madalas ang blog nila. Makipagkaibigan at huwag magtatanong agad ng link exchange.
Nakakatulong rin ang pagsagot mo sa mga comment nila sa bawat entry mo. Huwag na huwag mong hahayaan na hindi sila sagutin kahit na simpleng “hehehe” lang ang sagot. Tinatawag din itong interaction. Magiging patay nga naman ang pag-uusap kung ang isa lang ang magsasalita at patuloy lang na makikinig ang nakikinig. Dapat maging two way ang pag-uusap, salitan. Si speaker gagamitin ang blog bilang medium sa pagpasa ng sasabihin niya kay receiver at gayun din si receiver.
Hindi ko alam kung nakakaapekto ba talaga ang temperatura sa pag-iisip ng tao at kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagkakabuhol buhol ang pag-iisip natin. Basta ang alam ko, na wala talagang kwenta ang entry na ‘to. Kaya ipagpaumanhin. Masyadong mainit. Magrereply muna ako sa mga nagcomment…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
actually malaki talaga ang epekto ng tag-init sa isip ng tao. may nabasa pa nga ako na malaking epekto daw ang temperatura sa appetite ng tao.
I get lots of those. argh.
Wala namang nagco-comment sa akin ng ‘hehehehe’ lang. Pero merong, ‘napadaan lang’. Tipong, ey, don’t read my comment, here’s my website, you see there’s a link!
Pero ako din ni-rereplayan ko lahat dahil du’n ‘yung discussion, minsan mas marami ka pang mapupulot at malalaman sa mga comment.
Ang init ng panahon.
medyo nakakasawa na rin mag-bloghop. Matagal ko na rin di ginagawa. Madalas pinupuntahan ko yung mga napapadpad sa akin. Pero minsan hanggang dun na lang. Nagiging tamad yata ako makipag-interact lately.
Gamot ko sa blogger’s block (o hindi makapagblog) ang bloghopping. Pero hindi ko pa nagagawa ang magbloghop sa mga foreign blogs. Panay Pinoy blogs ang napupuntahan ko, nauubos kasi ang oras ko sa dami ng mga pinoy blogs. Pero enjoy naman, marami rin akong napupulot, pero hindi lahat iniiwanan ko ng comment.
Kadalasan nga, inspired sa mga nagawa kong comments ang mga napopost ko sa aking blog. Prang diesel minsan ang utak ko, kailangang mainitan bago maging suwabe ang takbo.
haha! mahilig ako mag-ayos ng gala kahit walang load okey lang, kaya nga nimbento ang landline! mainit na nga kc (ano namana ngaun) nakakabagot sa bahay kaya masaya magmol at mag-outing…
…kadalasan marami akong naiisip i-blog! kaso kapag magsusulat nako, nde ko maisulat.. (gets mo?) haha.. weird kasi ako (labo??)
pareho ni jhay, pag gusto kong mag post pero wala pumapasok sa utak ko nagba-bloghop na lang ako, kasi nga minsan sa mga post din ng iba o comments nagkakaroon ng ideya.
ewan ko pro kng hehe lng, it is better to keep it to themselves hehe.. pati ako napapa-hehe
abt jan sa pagi2ng gimik organizer, nag resign na ko sa ganyan dahil minsn may mga taong nkakainis, mga tipong magoorganize ka ng lakad o gimik tas d man lng makapg bigay ng mtinong sagot.. tipong OO o HINDI lang, ayko kc ung nagpapaimportante at nagpapahabol.. pg inaya sagot agad, ung effort kc nung nagoorganize d man lng naiisip. o kya may iba na magsasabi na pu2nta tas d naman.. kaya ako kng may lakad iniinform ko lang at kng gs2 sumama edi magpakita ka kng ayaw, 2loy pa dn ang lakad..
sensha na nacarried away lang haha
sino ang nagsabing walang kwenta ang post mo? ang pagbibigay ng advise sa pagbablog hop ay isang malaking bagay ……. ang pag-iiwan ng comment ay isang pinakamabisang paraan para may bumisita sa blog mo …. hindi kailangang mag beg ng link dahil may naiiwan kang magandang impression sa blog na binisita mo diba?
yup, you got the right formula.
mainit na talaga panahon, umpisa palang yan.. kaya isip na tayo ng gala na makakaiwas tayo sa pagkalitson sa loob ng bahay, hehehe. naku baka magalit mga nanay natin sa comment ko!
hehehe.
minor:: talaga? bakit kaya?
ade:: eh nakakatuwa kase ang blog mo. pagtype mo ng hehehe eh matatawa ka na uli kaya di ka na makapagcomment ng maayos
skwayred:: hehe oo nga ang hahaba nga ng comments sa blog mo eh. mas mahaba pa sa entry. haha OA
jeeper:: baka dahil sa mas naging liberated ka. d kaya? haha joke. Baka masyadong busy kaya ganun.
jhay:: same here. bloghop na lang kapag hindi makapagblog.
style mo nga yong ganun, naiinspire ka ng mga ibang blog tapos tsaka mo iblog ang naisip mo.
jlois:: yep same here.
yen:: ang puso mo!
hehe pero ganun din ako kaya ayaw ko na talaga. ang hirap kase kapag yong mga sasama eh hindi mo alam kung sure bang sasama. ang gulo!
melai:: yong utak kong sabog sabog. hehe
cruise:: haha oo nga, parati tuloy kami nasa tagaytay kahit na mainit rin hehe. Naku ibang pagkalitson ba? haha
mr nice ash:: hehehe
Mainit no? Mainit din ba ulo mo ngayon?
Hehehehe.
noelle:: mainit pero d mainit ulo ko hehe
hmmm…summer na kc…wahahaha
Umuulan naman ngayon.
ano ba talaga, kuya? hehehe.
Kahit maligo ka parati
malagkit pa rin ang kili-kili
shock sobrang init, abot singit!
shock sobrang init, abot singit!
hehehe… mainit talaga kahit merong ulan paminsan-minsan… grabe summer may ulan… wahehe!
hello…. how are you? medyo hirao me makaintindi ng filipino.. pero i know na summer na summer na talaga sa Philly.. hehe take care
elaine:: hehe oo nga…
noelle:: grabe ang ulan no? haha late eh no..
minor:: nyaha nice!
feliz:: wooh nag baguio ka lang eh.
katrina:: Sorry, Gusto mo turuan kita haha.