Tamad + Abuso = Wala
Posted on April 2, 2006
Eto nanaman ang isang napakawalang kwentang entry kaya kung ayaw mong mabato at makatulog sa kinalalagyan mo eh maaari mo nang isara ang window na to at pumunta na lang sa bangbus.com o kung saan mo gusto. Ang haba ah!
Simula ng magbakasyon medyo tinatamad akong magblog. Bakasyon nga kaya bakasyon din ang blog. Walang pumapasok sa pag-iisip ko, siguro epekto rin ng kadalasan ng paglagi ko dito sa bahay wala akong makitang maiblog at sadyang hindi lang talaga tumatakbo ang pagiisip ko. Pero eto ako ngayon, gumana rin ng konte ang pag-iisip at nagbablog na ngayon. Akalain mo nga naman! Ibig sabihin hindi na ako tamad at kahit bakasyon nagiisip parin ako, pinapagana ko parin ang pagiisip ko. Pero ang tanong eh kung may katuturan ba ang naiisip ko. Sigh…
Abuso. Nagkekwentuhan ang mga tita at tito ko kanina habang nandun kami at ako naman eh nakikinig lang. Napag-usapan ang mga kwentong airport sa kadahilanang kadarating lang ng magulang ko nung 30. Nandito yong panahong diredirecho ang nanay ko sa airport matapos makipagkwentuhan sa labas at nagalit sa kanya ang intsik kasi nga ang haba ng pila pero siya direcho lang. Wala ng pila pila. Ako rin nasubukan ko na rin yan, Kahit wala akong dswd thing eh nakapasok parin ako at nakaalis ng bansa. Nga pala kailangan yon kapag under 18 ka pa kapag wala kang kasamang magtravel. Nandyan din ang madaming chance passenger na matagal ng nakapila pero iba ang nakakasingit. Hmmm I smell something malansa. haha…
Kung tatanungin mo kung bakit nagkaganun, Isa lang ang sagot ko dyan. Yon ay dahil sa may uncle ako na taga airport at hindi ko alam kung ano ang rango nya dun basta pulis siya kaya wag na lang kayo maingay! Hindi naman sa abuso o masyado kaming nagttake advantage sa posisyon nya pero ganun lang talaga. At wala namang masama, nakakasingit naman kami sa ibang pasahero at wala naman talagang masama! haha… At minsan lang naman yang sa isang taon, tuwing uuwi at paalis lang ng bansa, hindi ba?
At ano naman ngayon? Wala lang…
Hay ayaw ko na yata magblog…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
hoy abusado ka ha. hehe. kami nagpapakahirap pumila! hehe.
anyway, buti kayo summer lang ganyan ang buhay. eh ako last summer pa bum. bulok na ang utak. hehe
problem ko rin iyan …di makaisip ng ibablog dahil maghapon magdamag lang din ako nasa bahay tsk tsk tsk!
Hahahahhahah!
hmm.. oh well.. happy bakasyon!
tigil tigilan mo nga yan. abuso ka na talaga. tamad pa. huh…
nakakatamad talaga ngayon, ‘no?
naranasan mo na magtravel mag-isa? astig! nakakatakot yun ah. ewan pero buti kabisado mo airport ‘pag dating sa ibang bansa. wala lang. nakakalito kasi yung ibang airport sa ibang bansa e lalo na kapag kakaiba english accent ng mga flight attendants.
Wag naman tsong!!!
Nicole:: hehe sabihin mo lang kung magtravel ka mag-isa sabihin ko sa uncle ko hehe..
bulok narin utak ko. baho na nga e.
melai:: hehe bakit kaya no?
Sarah:: Sana bakasyon nga ‘to. Sa dami ng gagawin parang hindi e.
mr nice ash:: Hindi naman parati eh. Minsan lang
Rob:: Sobra nakakatamad, Tinutubuan na ako ng ugat sa kama sa sobrang tulog at tamad
maraming beses na akong nakatravel mag-isa pero lahat papuntang saudi. Nakakatakot ang mga manyakis na arabo lalo na nung kinailangan kong dumaan sa immigration dun dahil bago passport ko. nyay.. nagsign language yong arabo na sex. haha. yay
ade:: Walang mablog e.
saan ka nagpunta?
bakit nga pala alam mo ang bangbus? hehe
i try to find something at google.com and take it on your site…thanks