Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Apr 04
Tuesday
Daily Rants
Bakasyon Muna

Hay! Nagising ako ng maaga para ayusin ang files ko. Download ng mga bagay bagay na kakailanganin at magbloghop. Uuwi na kasi ako mamaya ng Zambales. Gustuhin ko mang magpaiwan ay wala talaga akong maisip na dahilan at nakakahiya naman sa magulang ko dahil once a year lang sila nauwi ng pinas kaya kailangan gugulin ang oras na kasama sila habang nandito pa sila. Gulo!

Dahil walang internet doon at walang magagawa, iuuwi ko na lang ang laptop at gagawa ako ng themes kung kakayanin. Kakalikutin ko ang wordpress at ang php at mysql. Sa kabuuan, mag-aaral ako habang bakasyon. Gusto kong maging productive ang bakasyon. Isang linggo rin kaming magiging walang kamatayang tulugan dun at pagtapos ng isang linggo magsisiuwian na doon ang iba naming kamag-anak at siguradong sa bubong nanaman ako matutulog nyan haha.

Mga ginawa ko kanina:

  • Download ng wordpress.
  • Download ng Ebook.
  • Nilipat ang ebook, wordpress at wamp sa usb at ililipat mamaya sa laptop.
  • Charge ng mp3 player.
  • Mag-impake pero di pa tapos.
  • Download ng tutorials tungkol sa paginstall ng wordpress sa local computer at kung pano gumawa ng matinong wordpress theme.

Yan lang! hehe

At habang nasa bakasyon ako, walang magbblog dito kaya alam kong mamimiss nyo ako kahit na hindi hehe. Kaya naisip kong kunin ang mga may kwentang post para may mabasa naman kayo.

Eto na sila: (read one entry per day para masaya! hahaha)

Hehe sana may kwenta nga ang mga nailagay ko dyan! at sana maenjoy ninyo.

Baka sa 16 na ako makakabalik… Pupunta ba kayo ng 2nd Philippine Blog Summit? Magreregister palang ako pero hindi sure kung makakaattend hehe.



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


10 Responses to “ Bakasyon Muna ”

  1. nice buti ka pa magbabakasyon ako eto nakakulong pa rin cubicle

  2. Happy trip! :p Ako din nag-aaral ngayong bakasyon, andami nga e. Nyahaha, feeling ko mas may natututunan pa ako sa pagse-self study kaysa sa school. :D

  3. Bakasyon? Anu yun? Yun ba ang usong pagkain ngayon?

    May trabaho ako pagkatapos ng term namin, gusto ko na ngang umalis. Ayoko na. ewan.

    Blog summit? Makapunta kaya… tapos susuot ako ng maskara.

  4. andami mong gadgets. yabang. :P

  5. hay…buti pa si jong may bakasyon, nagsummer class kasi ako ngayon para makapag-advance at para din maging prudoktibo ang bakasyon.

    Gusto ko rin pumunta sa blog summit pero hindi ko pa sigurado, sana naman walang major exams nun para makaliban ako sa klase ko, hehehe

    Sana ay maging productive nga ang bakasyon mo jong at maghihintay ako ng mga magagawa mong themes, hehehe

  6. wow jong mi laptop ka na! congratz! meron na taung magagamit sa thesis. yehey! hehehe! happy vacation!!!

  7. HAPPY SUMMER VACATION BRO..! :-)

  8. have fun on ur vacation, habang wala ka d2 bngyan m tlga ng assignment ang mga readers mo ah.. hehe, cge wg ka mag alala, ba2sahin ko yang mga entries mo.. one per day.. pra pagbalik mo may dag2 kaalaman na ko tungkol sayo at pwde na kitang istalk haha!!!

  9. sarap magbakasyon :) enjoy!

  10. im back.. sa kasawiang palad hindi ako naging productive dahil hindi ko nainstall ang wordpress at naiwan ko ang usb ko at ang dami kong naiwan.. anak ng teteng talaga! nakakainis.. sana hindi na lang ako umuwi,.. hay badtrip..

    maayos naman ang bakasyon ko dahil tulog at kain lang ang ginawa ko, hinahanda ko na ang sarili sa pasukan bukas.. nyahaha..

    sa inyong lahat salamat!

    Happy Easter! :)


Post a Comment