Im back

Posted on April 22, 2006

Paalala: Napakawalang kwentang post. Umalis na kung mahina ang sikmura at kung ayaw malungkot at ayaw tubuan ng buhok sa palad.

Haha. Nagbabalik ako at wala akong maisip na magandang topic kaya hindi ako makablog. Ewan ko. Naiwan yata sa zambales ang utak ko, yon eh kung may utak ba talaga ako. Hay.

Masaya ang naging bakasyon. Paggising sa umaga, nakaharap na ang pagkain sa hapagkainan pagtapos ay matutulog uli at gigisingin na lang para mananghalian tapos tulog uli at gigisingin uli para maghapunan tapos tulog. Wala ng toothbrush, shower etc. Yak. Haha Ewan ko ba kung bakit hindi ako tumaba. Hay.

Sa totoo lang, wala akong baon na magandang topic tungkol sa bakasyon dahil wala rin naman gaanong nangyari dun. Naiwan ko lang ang mga dapat kong gawin at hindi ko pa nainstall ang wordpress sa laptop. Napakaproductive talaga kung tutuusin haha.

Hindi rin ako nakapag-update agad dahil busy ako sa pagpapadagdag ng boobs ay subject pala para maclear na ako at maging OK for last term. Nakanaman jong! haha At sa kasawiang palad, ok na nga for last term pero hindi ko sure kung ok ba sakin na last term na ‘to. Maya ko na paliwanag kung bakit. Nung wednesday ko lang nadagdag yong subject at naclear narin ng araw na yon. Pero ang endorsement letter para sa OJT ay kanina ko lang nakuha. Hay sana makahabol pa kami.

Papaliwanag ko na kung bakit hindi ok sakin. Kanina nag orientation na for ojt, hindi sa company ha sa paaralan lang. Orientation para sa guidelines etc… Ang daming pinapagawa. Tapos sumunod pa dito ang thesis 2 na ang daming pinapapasa sa sabado. Hay. Sana makatulog pa ako…

At kung bakit hindi talaga ako makablog, Dahil gulong gulo na ang utak ko. Sabog sabog nanaman ang mga bagay bagay na naiisip ko. Magulo at kung bakit ay hindi ko rin alam kung ano ba ang dahilan. Kaya ayaw ko narin idagdag pa yan sa iniisip ko.

Kagabi may magandang topic na naglalaro sa isip ko kaya lang biglang nawala. Ewan ang gulo. Baka bukas maalala ko na…

Hay. Sige pagod na ako. Kailangan ko ng mamahinga. Galing kami sa pearl plaza at nagbowling. Hay 154 na lang ang score ko. Kailangan ko nang bumili ng bola para kakaririn ko na eto. Haha.

At kung huhusgaan mo naman ako sa napakawalang kwentang post na ‘to. Bahala ka na! Tubuan ka sana ng buhok sa palad. O kaya ng gulong sa palad na rin.. haha korni!

Paumanhin sa napakawalang kwentang post sa buong blogosphere. haha

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

14 Comments so far
  1. cJ April 22, 2006 11:43 PM

    aha.. kaw ha! salamat jong.. mayabang ka! hahahahahaha!

  2. ade April 22, 2006 11:45 PM

    ok lang yan dude! panalo naman ang post mo!

  3. paula April 23, 2006 3:38 AM

    buti nmn may post ka na..ü kinanabikan ang mga bagong pangyayari sa iyong buhay-buhay… good luck na lang sa term na ‘to… at painom ka sa graduation mo! haha take care buddy!

  4. skwayred April 23, 2006 8:54 AM

    Welcome back!

  5. masterbetong April 23, 2006 12:40 PM

    wb, salamat sa palaging pagdalaw

  6. yen April 24, 2006 12:05 AM

    welcome back pare!!! ganyan tlga pg bakashon puro 2log kc kelangn mo bumawi lalu n ngyn at simula na naman ang patayang puyatan dahil sa dami ng gagawin.. yan ang buhay estudyante eh.. goodluck!

  7. Eric April 24, 2006 2:41 PM

    jongki,

    ano na yung napag usapan natin sa OJT? email mo lang ako kunbg ano plano mo.. im free whole day everyday starting next week. 1145PM na kasi shift ko. hehehe

  8. melai April 25, 2006 10:27 AM

    welcome back!

  9. jhay April 25, 2006 1:55 PM

    maligayang pagbabalik! Ayos lang kung walang malinaw na topic ang post mo, blog mo naman ito. hehe

  10. arvin April 25, 2006 3:44 PM

    pansin ko lahat ng tao nag ‘welcome back’, ako na nga din! hehe :P

    sa 22o naiinggit ako dahil kahit pano nakapag-bakasyon ka..di gaya ko (name pala) haha.. nabulok lang sa bahay … :|

  11. staticblu3 April 25, 2006 6:46 PM

    salamat at welcome back sakin.. nyahaha

  12. eric April 26, 2006 1:14 PM

    jong ano na balita sa OJT mo? may mga nakikita na akong mga nilalang dito sa office na nag tratrabaho as OJT.

    text mo ko kung ano man decision mo

    =)

  13. Noelle De Guzman April 29, 2006 10:30 AM

    Tsk tsk, nakakapagod naman yang gagawin mo para sa school…

  14. lynn February 14, 2007 7:26 PM

    Ok naman..pero gusto ko asi ung buhay at pangyayari ng Rehiyon IX.. zambales..zambales..zambales…sana i add nyo