Iyakin!
Posted on May 1, 2006
Noong bata ako madalas akong umiiyak. Sa katunayan paglabas ko palang ng tiyan ng nanay ko eh umiyak na ako.
Noong una kong pagpasok sa eskwela eh umiyak ako dahil wala akong kasama. Wala si mama at hindi ko pa talaga gustong mag-aral noon.
Noong elementary naman ako madalas din akong umiyak. Konteng pang-aasar iiyak na. Sasabihan ka lang ng pangit ay iiyak na. Dba ganun ang asaran dati? Bading! Iyakin! Pangit! Pero ngayon tinatawanan na lang yan Haha. Hindi na uso sa pang-aasar.
Noong hign school naman ako naiyak ako nong pinunit ni marlon ung values book ko. Nong inasar nila ako dahil nagbabaon pa ako ng pagkain sa eskwela, pero di nagtagal eh nagbaon narin sila ng pagkain. Mga gaya gaya ba? Naiyak rin ako nung graduation.
Pero pinakanaiyak talaga ako nong aalis na ako ng saudi. Ewan siguro napamahal na ako sa bansang yon at marami din akong maiiwan na minamahal at mga alaala doon. Mahirap balikan kasi kelangan mo pang mag-eroplano at kelangan din siyempre ng visa. O dba? Hindi ka ba maiiyak non?
Noong college naman naiiyak ako sa hirap ng exams at mga projects. Hay!
Seryoso na. Bakit ko nga ba eto sinusulat? Sa totoo lang, Hindi ko rin alam. Naisip ko lang na kung sa star wars ay may dark side at ewan ko kung ano pa, ang tao rin at ang mga kalalakihan ay meron din palang tinatagong ewan.
Ewan ko ha, Pero base sa aking experience sa pang araw araw kong buhay. Napansin ko lang na kadalasang umiiyak ang mga lalake dahil sa pag-ibig. OO korni talaga pero huwag ka ng makialam. Alam ko pinagtatawanan na ako ni Ade ngayon sa post kong ito at Baka ilagay niya eto sa DTH nya. Haha Pero Hindi niya ilalagay to dahil wala namang kwenta at iba naman eto haha.
Umiiyak ang tao para ilabas ang emosyon na nararamdaman mapa babae o lalake ka man. Kahit na sinong macho ka pa! Alam ko iiyak ka rin. Tignan na lang natin si Manny Pacquaio, Isang boksingerong sobrang galing at malupit dahil magaling siya hehe. Pero naiyak din siya nung pinanganak siya at nung minsang natalo siya sa laban. O dba?
Hay. At talagan nabubura yong mga tinatype ko. Parang ayaw ipabasa. Badtrip. Nalimutan ko tuloy. Basta ang sabi ko parang ihi din yan, sasabog rin yan kahit na anong pigil mo. Kaya iiyak mo yan kung kinakailangan. Haha
Wlang kwentang post. Pasensya
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
drama naman nun. hindi ko alam na my iyakan times din pala ang buhay mo. kala ko wala ka emosyon e. just kidding! hanga ako sayo dahil sinabi mo yunü take care buddy.. sana makita kita umiyak someday…haha i mean tears of joyü
Iyakin ako ng bata kaya nagka-reputation ako hanggang High School (kasi isa lang yung school ko mula kinder hanggang Hi school).
Sabi nila, “Boys do not cry, Men do.” It means that I was a man before and now I am a boy. Wala lang.
Sabi naman nila, crying is one of the greatest therapy kaya siguro may therapy ka noong bata, kasi para sa akin di nag-work… abnormal ako ngayon.
umiiyak ang tao(baby) sa kauna-unahang pagkakataon dahil kailangan.. tinatapik sila ng duktor para ma-clear ang air passages nila.. basta parang ganon
okey lang naman tlg umiyak… ano man ang dahilan basta sigurado kc na maya dahilan, kung wala… baliw un! bato ka kapag wala kang emosyon.
-gaaad! wala na bang mas maganda pa rito?! haha
O Jong, wag mo masyadong dibdibin baka maiyak ka na niyan sa mga pinagsususulat mo. Sabi ko na nga ba may balak kang tapatan si Ate Charo at Mel Tianco! Hehehe
hindi naman masama ang umiyak, lalo na kung lalake ka. Yun nga lang, mga 2 taon na ata nang huli akong umiyak, at dahil pa sa pag-arte ko sa entablado.
Iba na ata ako, hindi na ata ako tao, nawala na ata ang ibang emosyon sa akin, (scratches head…)
Ok lang umiyak! Iyakin din ako nung bata ako.
…basta wag kang emo. hahahaha!
senti mode ka ata ngyon ah.. ok lang yan cge ilabas mo yan bka sa iba lumabas yan cge ka hehe..
hndi ako iyakin eh, ako ang nagpapaiyak ng mga brkada ko kc alaskador ako noon, at once in a blue moon lang ako umiyak, kc pg nangyayari un tinotodo ko na pra isang buhos lang, iniipon ko muna lahat bgo ko ilabas kc ayko ng araw2 umiiyak, nkakawalan ng lakas yun ah!
paula:: haha ganun? Wag na!
jeeper:: haha natawa ako don.
arvin:: sorry wala na talagang iba. Yan lang ang naisip ko.
Darwin:: Maraming offer sakin kaya lang tinanggihan ko.
jhay:: hala lagot ka! Bato ka na haha
ade:: haha hindi ako yong emo, yong kakilala ko. wahahah
yen:: haha saan kaya lalabas? haha
grabe paiiyakin ka ni mr who? haha
aba nag saudi ka pala! meron din akong kakaklase dati na galing saudi, dependent siya ng tatay niya na nag-ta trabaho sa sauditel, kay mahusay siya kasi nag-aral sya sa international school. ako din iyakin
sino ba bumasted sayo? naknang. sira ulo ba yun? ke gwapo gwapo ni jong, binasted???
cruise:: yep dependent din po kami. Sa ABB nagtatrabaho si itay. Pero ako hindi mahusay kase international philippine school lang haha.
mr nice ash:: haha pano mababasted? hindi nga nanliligaw. hehe Oi baka maniwala sila sayo na gwapo ako. Baka may maghabol haha. Joke!
mga aleman iyakin din … lalo na kung natalo sila sa football
di kaya inlab na siya? at natatakot na baka paiyakin lang???
hehe iyakin. oi teka, galing ka ng saudi? dun ka ba pinanganak?
siguro nga ay bato na ako.
kakatpos lang ng peer to peer evaluation at open-forum (iyakan) sa student council, gaya ng dati, may nagsabing kasing lupet ko raw is darth vader tuwing may project o activity na ako ang magiging in-charge, hehehe
ayos na rin, kokonti pa lang naman ang mga nahandle kong activity na hindi nagustuhan ng marami, hekhekhek
pero sa totoo lang, na mimiss ko rin ang natural at hindi pag-arteng pag-iyak ko….
yeah, boys do cry.
jongski iyakin! ahahhahaah
ako din naman noh umiiyak.. minsan kumukulubot na pages ng starbucks planner/diary ko dahil sa pag iiyak ko ahehehe
neng:: haha hindi naman ako aleman.:) Ahm not now, ang dami ko pang kailangan tapusin.
gean:: haha yep galing ako saudi pero hindi ako doon pinanganak.
jhay:: ilabas mo yan! masama yan haha
rob:: pano ang men?
eric:: ahaha slight lang!
[…] walang magsesermon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ko nagawa ang entry ko tungkol sa pag-iyak at hindi dahil sa kwentong pag-ibig, ibang entry na yan. haha At wala na akong m […]
[…] ttp://www.geocities.com/monica_ml/fun.html bakit daw cry baby? dahil dito sa post n’ya na ito and most of the time he sounds complaing. hehehehe! but overall, i e […]
ito ay napakrandom na post!… kept me busy for 3 good mins tho
yeah i know.. hehe i love random posts
is it really that random? eh puro tungkol sa pagiyak yan ah? well, i respect your comment. peace!
may mga tao lang talaga na mabilis maiyak. The last time I cried? 2001, funeral ng lolo ko. Nag eulogy ako eh.tsk tsk. Ayoko na ulitin yun. I totally lost it.
you sure?
ok lang kung iayakin ka at least d mo pina plastik pati sarili mo!