Ano na?

Posted on May 5, 2006

Mag-aapat na linggo na pala simula ng pumasok ang ika-apat na term sa Mapua. Mag-aapat na linggo narin akong nakatunga-nga at nagkukunyaring bakasyon. Mag-aapat na linggo naring malungkot at medyo masaklap ang panahon.

Bakit nga ba?

Sa totoo lang, Huling term ko na talaga ito kung tutuusin. Thesis at OJT at dagdag pa ang isang minor subject na noong first year pa dapat kinuha para hindi na sagabal pa sa ngayon. Pero kung hindi papalarin, at sana huwag namang mangyari, baka hindi ako makapagmarcha sa darating na graduation sa kadahilanang hindi ko parin maintindihan.

Natigil ang thesis dahil sa mga dahilang hindi ko alam kung tama ba o mali. Hindi magawa ang thesis dahil sa mga bagay bagay na naiisip tulad ng OJT. Kung kailan ba makakapasok at kung makakapasok ba talaga? Marami parin ang walang company na papasukan pero ako kabado na talaga.

Noong biyernes, kinamusta ko ang pinsan ko patungkol sa application ko sa Petron at sabi niya “ok na, wait ka na lang ng tawag namin”. Dumaan ang Lunes pero hindi ako nag-expect dahil holiday yon. Martes, Miyerkules, Huwebes… Wala paring tawag. Hindi na nga nag-iinternet ng madalas kapag 7 ng umaga hangang 5 ng hapon, pasaglit saglit lang. Pero wala. Wala talaga…

Biyernes na naman. Tatawag ba? O tatanggapin na lang na wala na talaga at kailangan ng maghanap ng iba. Kailangan nanaman magmove-on, yan ang pinakamahirap sa lahat. At ibang topic na yan! haha tsaka na yan!

Mamaya, uulitin nanaman ang mga ginawa nong nakalipas na araw, maghihintay nanaman ng tawag at gagawa na ng paraan para makapasok. Kailangan na talagang makapagsimula ng ojt sa Lunes dahil masasayang ang mga oras at baka hindi maabot ang pasahan ng docu. Kung masipag ka at tuloy tuloy ang pasok mo ng walong oras kada araw at limang araw kada linggo at apat na linggot kada buwan, Matatapos mo ang dalawandaan apatnapong oras(240) na ojt ng anim na linggo. (8 * 5) * 6 = 240. Tama ba?

Kung hindi naman maabot ang deadline ng docu ay hindi ka makakamarcha, incomplete ang grade at kailangan mong tapusin para makamarcha sa susunod na graduation na sa november pa yata. Ang saklap d’ba?

At kung bakit ayaw kong simulan ang thesis? Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ang ojt at hinihintay ang tawag ng petron. Hindi ko magawa ng maayos.Hindi makapag-isip ng matino. Patay!

Tapos ayaw ka pang bigyan ng isa pang form para magpagawa uli ng endorsement letter. Patay uli!

At kung bakit ako nagkakaganito? Dahil mag-aapat na linggo na pero eto parin ako, tambay at patay. Paminsan-minsan pumapasok sa sagabal na subject na english na wala ng ginawa kundi ang mag-activity na pangbata ang dating.

Dumagdag pa ang pagbalik nila mama sa saudi. O dba? Wala sila, ibig sabihin walang masarap na pagkain, hindi ka mag-aagahan at walang magsesermon.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit ko nagawa ang entry ko tungkol sa pag-iyak at hindi dahil sa kwentong pag-ibig, ibang entry na yan. haha

At wala na akong masabi. Hay na lang…

Kay feliz at mark, meeting tayo. Kaya natin ‘to. Haha… Kailangan ng magbagong buhay para makagraduate. :)

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

13 Comments so far
  1. paula May 5, 2006 10:16 AM

    huwag ka ksi magmadali. mas importante yung meron kang natutunan sa school. at isa pa.. wag mo masyado isipin yung ojt lalo lang mauudlot yun e. try working on your thesis. at least meron kang ngagawa habang la pa ojtü

    wag madaliin.. ok lang yan. e ako nga uulit sa umpisa e. kaya yan..

  2. Darwin May 5, 2006 11:21 AM

    Relax ka lang! Gawin mo muna yung mga pwede mong gawin. Mas lalo mo nang hindi magagawa ang thesis mo pag nagoOJT ka na. Look at the brighter side!

  3. arvin May 5, 2006 4:35 PM

    parang pasan mo na ang mundo sa tono mo ah!

    mapua ka pala… ano major mo?
    errr.. off topic.

    kaya mo ‘yan.. isa- isahin mo lang. goodluck! ga-graduate ka din!!

  4. rob May 5, 2006 7:07 PM

    wala na kong masasabi pa kung hindi words of encouragement din kagaya ng iba: kaya mo yan!

    ‘wag mo ipressure sarili mo at take things one step at a time.

  5. ade May 5, 2006 8:04 PM

    naging emo ka… dahil sa OJT?

  6. staticblu3 May 5, 2006 10:46 PM

    man, i hate this feeling.. argh…

    Paula: hindi naman ako nagmamadali.. gusto ko lang maayos ito. At basta!

    darwin:: yeah tama ka!

    arvin:: yep mapua po. Comsci po ako multimedia specialization. panget nga e.

    rob:: hehe! hay nakakapressure kase talaga.

    ade:: oo at ayaw ko ng ganito

  7. eric May 6, 2006 12:56 AM

    ano ka ba? keri mong mga yan..

    ano na balita sa OJT mo?… di ka pa rin nag sa submit CV mo sa office.

    email me kung may prob pa.. sira cell ko ngayon kaya ayun naka himlay. may obituary pa aheheh

  8. nao May 6, 2006 8:08 PM

    psssst, mag-aral ng mabuti.
    value your education as for yourself :)

  9. yen May 6, 2006 8:23 PM

    ojt lang yan pare.. wg ka mag antay jan sa petron n yan, baka kc nag aantay ka sa wala. dapat maghanap ka n ng ibang company pra makapag start ka ng maaga at matapos m yang ojt m on time.. tas ska m problemahin ang thesis mo. isa2 lang ksi pra d sumakit ulo mo.

  10. jhay May 7, 2006 7:00 AM

    Gaya ng iba, hinay hinay lang.

    Sabi nga nila, ang taong naglalakad ng matulin…ay nagtitipid. huhehehe

    Hindi naman sa gustong magdagdag ng pressure pero kung isang linggo na at wala pang tawag ay iba na yan. Kulitin mo na lang ang pinsan mo na ilakad ka sa loob, ano pa’t nandoon siya diba?

    Sa thesis naman, palagay ko eh dapat mo ngang ituloy yun lalo na kung alam mo na kung anong diskarte ang gagawin mo, saka na yang ojt.

    Good luck bro!

  11. jhed May 8, 2006 5:00 AM

    Whoa! Take it easy man…

    Kaya mo yan! (haha. feeling close?)
    Konting tiis na lang makaka-graduate ka na! Mas maganda siguro kung mag-fofocus ka muna sa iyong thesis, darating din ang OJT. Haha.

    Good luck, dude!
    Nice blog by the way! :P

  12. staticblu3 May 8, 2006 3:10 PM

    hey. start na ako bukas sa petron. hehe woot

    salamat sa lahat!

  13. rob May 8, 2006 3:17 PM

    ayus! :D