OJT: unang araw

Posted on May 9, 2006

Maaga akong natulog kagabi dahil natatakot akong hindi magising ng maaga kinabukasan, nasanay na kasing medyo mahaba ang tulog. Oo tama ang nababasa mo, unang araw ng OJT ko.

Medyo mainit na talaga ang panahon dahil summer na, kaya nakakainis kasi mainit na nga tapos mainit pa ang suot mo. Hindi naman pwedeng magbeach attire sa opisina. Kaya medyo basa ang damit ko kanina buti na lang mabilis rin natuyo. Limang minuto makalipas ang alas otso ng makaakyat ako sa 37th floor ng petron mega plaza. Late ako ng 5 mins pero ayos lang yon. Hinantay ko na rin yong babae na secretary yata. Pumirma na rin ako ng kontrata at ibig sabihin niyan ay wala na itong atrasan.

Wala namang ginawa nung umaga. May meeting yong pinsan ko tapos wala daw yong tao na magttrain yata sakin? ewan basta wala akong ginawa, nakatunganga lang hangang maglunch break. McDo na lang kami ng pinsan ko, 1st time at nalibre nya ako. Pagtapos nun, inutusan nya akong bayaran ng mga bills. Due na kasi bukas at may meeting yata siya. Magkakatabi lang naman ang bangko, Union bank tapos eastwest bank naman. Tapos nagpunta rin ako ng SSS dahil sa disability claim nung sa tita ko. Pagtapos dumaan ako ng KFC dahil nandon sila dabu at pili. Di sinasadyang nakita namin si karen pati yong kaklase ko sa english.

Ala-una pasado ng makabalik ako sa petron. Dahil wala paring papagawa, pinakilala muna ako ni insan dun sa babae na naka-assign sa SAP. at doon binigyan nya ako ng napakagandang background tungkol dun at kung pano yon ginagamit. Kasama niya sa malaking cubicle ang mga nagmomonitor ng network ng Petron. Nationwide ito kaya 12 hours daw ang shifting nila. Masaya kasi yong nagmomonitor eh apat ng malalaking LCD screen ang nasa harap niya, tapos nandun ang mga networked computers. astig!

Mabilis rin umandar ang oras kasi may ginagawa, si joanna pala ang pangalan nung babae na naging kakwentuhan ko nung hapon. Medyo paulit ulit ang ginagawa niya, Check ng mail kung may nagpapatransport tapos kapag meron ililipat nya yong file tapos isulat sa logbook tapos sa computer din ila-log. Tapos ganun uli, sagot ng telepono dito para ayusin ang down na server at marami rin ang nagpareset ng password kanina.

Alas singko na pala, binaba ko na ang gamit ni insan dahil inutos niya yon, may meeting parin uli. Ayon sa elevator may babae naghihihntay pala ng elevator. Nagulat ako ng may babae na nagsalita.

babae: OJT ka rin?
ako: yep(medyo pasosyal)
babae: ah, ngayon ka lang nagstart?
ako: oo,
tapos biglang takbo kami dahil pasara na pala ang elevator
sa elevator na

ako: kailan pa kayo?
babae: matagal na.
ako: anong school kayo?
babae: ateneo, ikaw?
ako: mapua.
babae: ah oo ikaw yong nakita namin yong resume nung pinasa dito. Sabi nga nila oy may bago.
ako: ah talaga?(kahiya naman)
babae: saan ka naka-assign? technical support?
ako: wala pa nga eh (technical support, kasi nandun ako nakapuwesto kanina), ikaw?
babae: ah sa testing, ewan. haha
ako: ahhhh. hanggang kailan ka?
babae: end of May.
Biglang bumukas na ang pinto.
lakad lakad lang tapos

babae: cge bye.
ako: bye!

hehe para hindi ko na ikwento dba?

well, yan lang sa ngayon. Madami na akong gagawin…

Paumanhin, walang kwenta.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

22 Comments so far
  1. eric May 9, 2006 9:48 PM

    mmmmmmmmmmmmmmmm

    u forgot to ask her name? ahaha

  2. ade May 10, 2006 12:42 AM

    nax… ma-apeal pala si jong eh!

  3. jeeper May 10, 2006 9:24 AM

    Sabi nila OK sa Petron mag-OJT. Mag ginawa kaming school project noon dyan. Pinapasok nga kami doon sa tuktok na parang penthouse. Nagandahan lang kami.

    Good luck sa OJT. At least meron kang allowance, yung isa kong OJT dati nag-work ako for 360 hrs ng walang allowance.

  4. tiamy May 10, 2006 11:25 AM

    Hay…sa wakas…OJT ka na rin…Mag-allot ka ng time sa thesis nyo..hehe…bawal muna gumimik..kunsabagay kayang lakarin mula jan ang G4…hehe

  5. rob May 10, 2006 1:42 PM

    SAP ginagamit niyo? background naman diyan. baka dun din ako bumagsak sa OJT e. heeh.

  6. elaine May 10, 2006 4:57 PM

    yiiiiiiiiikkkkkkkkkiiiiiiiiiii….may bago kang babae sa petron ah…uuuuiiii..kinikilig naman ako 4 u maganda ba?????!!pakilala mo naman kme nla lani sa kanya if ever na u knew her na ah…ehehe….gud luck sa petron ah….go go go….

    c anthony nga pala may ssabihin sau, e2 un:
    hehehehe kasama ko si elaine at nabasa nmin sabay, nyahahaha di ko alam heartTTTHROB ka pla!!! Yikeee Gogogo Jong! keep it up! Tip ko lang sa susunod na magkita kayo sa ELEVATOR KILIG MOMENT ask mo na name nya nxt tym hehehehe!!!AYAB YOU JONG! dont forget me pagnagkakilala na kayo, pakilala mo rin ako nhyahahaha - anthony

  7. Rob May 10, 2006 5:12 PM

    am also doin my OJT… summer class tsaka ojt. sabay.

  8. skwayred May 10, 2006 5:20 PM

    Second sem this year pa ako mag-o-OJT. Hahaha. Goodluck sa’yo.

  9. staticblu3 May 10, 2006 9:11 PM

    eric:: haha kala ko kasi magkakilala na kami e.

    ade:: haha hindi ah. Siguro napagtripan nya lang ako.

    jeeper:: ok nga daw pero yong iba nahihirapan dahil dami daw pinapagawa.

    tiamy:: pwede ikaw na lang gawa ng thesis namin? hehe nag-aadjust pa sa oras ng pagtulog kaya hindi makagawa sa thesis haha. biglang inaantok e.

    rob:: ahm siguro SAP ang gamit nila kadalasan. kasi yong sa dbase ng mga server mga ek ek dun sap. tsaka yon yong pinagtambayan ko nung wala akong magawa. hehe oo apply ka na dun.

    elaine:: haha ano ba yan. big deal si babae. at ipapakilala pa sainyo. si ano nga hindi ko pinakilala eh. harhar

    at sinong anthony yan? si bravo ba?

    skwayred:: goodluck sayo! tip lang. hanap ka agad ng mapag-aaplyan. hehe para di ka magaya samin.

    sa lahat:: nakita ko si babae haha. don pala ang desk nya sa may harap ng pinto na glass. kaya kita siya agad paglabas mo ng elevator. Nahuli akong dumating kanina pero nauna pa akong umuwi sa kanya. haha

    salamat!

  10. staticblu3 May 10, 2006 9:29 PM

    Rob1:: hehe ayos pareho pala tayo!

  11. rob May 10, 2006 10:22 PM

    ah ibig ko sabihin baka SAP-related din yung bagsakan ko sa OJT. ayayay! LOL.

  12. eric May 11, 2006 12:07 AM

    hay i miss the OJT days.. geee.. i remeber sa PAL ako before nag OJT-1 2 kasi ojt namin sa la salle.

    nung nsa PAL ako di pa ako masyadong gala nun. dun ko na memorize mga standard abbreviations ng cities ginagamit ng mga airlines. gosh stuffs like MNL-CBU-DVO-BCD-BXU-ILO-LAO

    parang chemical symbols! ahahah

  13. ade May 11, 2006 1:37 PM

    Sabi nila OK sa Petron mag-OJT.

    SOBRANG OK SA PETRON. ;) Did my OJT there. :)

  14. masaya May 11, 2006 9:13 PM

    hello. ngayon lang ako napadpad dito :) nice site nga pala. anyways, yay! ojt. gusto ko rin! wala kasing ojt course ko ewan ko ba. pero gusto ko kasi para maranasan ko na kung pano mag work. oh well, good luck :)

  15. staticblu3 May 11, 2006 9:31 PM

    rob:: ah hehe. bukas eh testing kami ng sap, tignan kung mga mga bug. hehe

    eric:: huwaha Nice

    ade:: talaga? ano ginagawa nyo?

  16. staticblu3 May 11, 2006 9:36 PM

    @masaya:: hehe 1st time kang nagcomment no? nablock eh hehe. salamat pala. hehe bakit pala walang ojt?

  17. yen May 11, 2006 10:49 PM

    maganda ba ung atenista??? haha ok s tanong eh noh!!! pro bt hndi inglesera yang atenistang yan???? nakakapagtaka lang!!!

  18. staticblu3 May 11, 2006 11:47 PM

    yen:: hehe baka nagpapanggap? haha

  19. Jhed May 13, 2006 4:04 AM

    Wow. OJT.

    Naalala ko tuloy nung 1st day of work ko, ang aga ko, as in 30 minutes before nung shift ko nasa office na ako. Pero ngayon, pasaway na ako! Haha. 30 minutes late na! At hindi pa ako regular ha, kamusta naman yon! Haha.

    Anyway, good luck sa OJT mo. I-enjoy mo lang yan!

  20. […] tipid!
    May 31st, 2006

    Hay! Napansin ko lang na simula ng magOJT ako ay bigla akong naging magastos. Pero hindi ko naman masisi ang sarili ko d […]

  21. deepak August 25, 2006 4:43 PM

    i require details of sap ojt

  22. Julayus Nayco February 22, 2007 1:36 AM

    nice story.. ok pla d2 magkwento..
    ahehe ^__^