Due Date na

Posted on May 30, 2006

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa… Due date na talaga ngayon ng hosting ko. 1325pesos yata ang babayaran ko para sa free domain special ng hostingph. Maganda naman hosting nila pero naiinis parin ako sa support dahil hindi masyadong mabilis magresponde. Yan nga, due date na ngayon at hindi pa ako nakakabayad. Bakit?

Ganito yan! Wala pa akong pera. Wala pa ang allowance ko at wala wala talaga. Hehe. Pero nag-email na ako sa support nila at inaasahang pagbigyan ang hiling ko na i-extend ng kahit dalawang araw ang due date. Kung hindi ako makakabayad eh bye bye staticbluecreations.com na. Pero hindi ako papayag dahil wala lang. Marami rin akong kaibigan na nagbablog sa domain na ito at nakikigamit ng space. Yon lang…

Kaya nga pala nakikita ninyo ang ads na yan ay baka sakaling makaipon muli, kulang parin ang kinita dati ng google ads kaya hindi pwedeng makuha. Kaya ngayon umaasang kumita uli dito. At umabot sa 100 dollars para makuha ang pera wehehe.

Sa ngayon hinihintay ko parin ang pagdating ng allowance ko para mabayaran ang nasabing bayarin. Hay. sana dumating na… Badtrip offline ang mga BPI ATM kanina sa may metropoint kaya hindi ko nacheck pero dahil hi-tech na tayo ngayon at meron akong account sa bpiexpressonline eh nacheck ko ang account ko na hindi na kailangang pumunta sa malapit na ATM. Wala paring perang dumarating pero umaasa ako na bukas ay meron na. Hay talaga…

Korni post…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

6 Comments so far
  1. ade May 31, 2006 1:24 AM

    pass the hat!!!11one

  2. richard May 31, 2006 1:29 PM

    hello….

    okay lang yan bro… malay mo may swerte.. hehe :-)

  3. Rob May 31, 2006 1:58 PM

    errrr… may nakikigamit ng space sa iyong .com? bakit jaya hindi ka humingi ng tulog sa kanila?

  4. staticblu3 May 31, 2006 7:10 PM

    woot… hehe

    Rob:: hindi ko rin alam at nakakahiya rin naman kung hihingi ako sa kanila. Ako naman ang nag-alok sakanila. hehe

  5. minor June 1, 2006 2:22 PM

    ok eto na click mo… ako din ha hehehe

  6. staticblu3 June 1, 2006 10:27 PM

    hehe wag masyado baka maban ang google ads ko..