Ang gastos! Magtipid!

Posted on May 31, 2006

Hay! Napansin ko lang na simula ng magOJT ako ay bigla akong naging magastos. Pero hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil sa pagkain ko naman lahat napupunta. Kapag lunch hindi ako kumakain sa canteen ng petron dahil wala akong kasabay, loner kuno, Kaya napipilitan akong kumain sa labas sa iba’t ibang fast food at least doon ayos lang kahit wala akong kasama pero madalas naman kasing kasabay ko mga kaklase ko na sa makati rin ang OJT. Ewan ko, one week pa ang natitira para sa buwan ng mayo eh ubos na ang pera ko. Hindi naman ako naging magimik nitong buwan at talagang pagkain lang ang naging luho ko.

Kanina tuwang tuwa ako dahil sawakas dumating na ang pinakahihintay namin. Dali dali akong nagwithdraw at bumili ng starbucks caramel frapp dahil talagang nagcrave ako hehe. Medyo mag dalawang linggo narin mula ng makainom ako nito. Pagkatapos niyan bumili narin ako ng wax na pangbuhok sa bench at ng deodorant. Kung susumahin mahigit 500 na agad ang nagastos ko pagkawithdraw ko kanina. Tapos biglang pumasok sa utak ko na may babayaran pa pala akong hosting na halos 1500 rin. Pero buti na lang naisip ko na 6 months free pala gawa nung nagkaron ng malaking pagkasira sa mga backup ng host ko. Halos september hanggang october ang hindi narecover sa backup noon kaya ang ginawa nila dinoble ang bandwidth at memory pati narin ang 6 months free. Sabi sa forum halos $17 na lang ang babayaran kaya nagpost ako agad dun at mamaya email ko sila at magtatanong kung ano na ang nangyari kasi ang invoice sakin ay $25 parin. Engot talaga.

Marahil nagtataka ka kung bakit parang problemado ako sa pera. Ewan ko rin. Hindi naman kasi kami mayaman. Natatawa na nga lang ako sa iba kapag sinasabing rich kid ako. May rich kid bang hindi man lang mapalitan ang cellphone na halos 4 na taon na? May rich kid bang namomroblema sa pera? May rich kid bang hindi mapunan ang sarilig luho?

Sa totoo lang hindi talaga kami mayaman. Tamang tama lang ang kinikita ng aking ama para mapag-aral kaming tatlo at suportahan ang pamilya, anim kami lahat sa pamilya. Minsan ay nakakatulong rin sa mga kamag-anak pero dahil lang yan sa mabait ang magulang ko at hindi dahil sa mayaman kami. Hindi ko rin magawang humiling ng kung ano man sa magulang ko. Itong laptop ay hindi ko inaasahang mabibili dahil alam ko na may binabayaran pa kaming bahay sa cavite at sabi nga ni papa dati na hindi daw praktikal.

Gustong gusto ko talaga ang makatipid at maging praktikal sa mga gastusin sa buhay. Pero may mga bagay bagay na pumipigil sa akin. Mga bagay na kahit anong gusto kong tipirin ay hindi ko magawa. Tulad na lang ng pagkain. Hindi ko magawang tipirin ang pagkain dahil gusto ko talagang tumaba. At sabi narin nila mama na tipirin ko na raw ang lahat huwag lang sa pagkain. Yan parati ang iniisip ko kapag nasa fastfood o ano mang klase ng kainan ako. Huwag magtipid pagdating sa pagkain. Ano nga naman ang pagtitipid kung kakain ka sa murang kainan na hindi mo alam kung malinis ba talaga ang pagkain doon. Baka may libreng hepa pa o kung ano mang sakit na mas mahal pa ang pagpapagamot. Hindi naman sa nag-iinarte ako at nagfefeeling mayaman, Iniiwasan ko lang ang mga maaaring maging epekto nyan sa kalusugan ko.

Eh pano naman yong sa mga fastfood chains, wala bang pwedeng makuhang kung ano man dito? Sa totoo lang meron, kapag kiddie meal ay syempre may mga free toys, yong iba thumblers at yong iba naman ay scratch to win. O dba? Hehe Pero seryoso na uli! Iniiwasan ko rin dito dahil sa masyadong macholesterol ang pagkain, ayaw ko naman ng ganun baka ma highblood ako nyan. Maniniwala ka ba na may kakilala ako na sobrang payat rin pero panay ang kain sa fastfood chains kaya ayon nahighblood. Nabalitaan kong isang term din siyang hindi pumasok para maging maayos muli ang pangangatawan.

At bakit parang paiba-iba ang topic dito? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, Magastos ako at gusto ko ng magtipid. Ay shet magpapagupit pa pala ako bukas, 185 pesos rin yon. Eh bakit ba naman kasi sa mamahaling salon pa hindi na lang kay mang (insert name here) na 35 pesos lang ang gupit libre sugat pa kapag naging malikot ka at libre rin ang pulbos sa batok. Simple lang, hindi na ako sanay sa ganon at mas gusto ko ang gupit sa benchfix. Luho na kung luho pero ganun talaga paminsan. Naglalaan ako ng pera para dyan at sa luho ko sa T3 magazine.

At pano ako makakatipid? Ewan ko, malamang hindi na lang ako magtitipid at hindi pa ako namroblema hehe…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

2 Comments so far
  1. abby June 1, 2006 1:26 PM

    pano mo binabayaran hosting?? online ba yan???

  2. staticblu3 June 1, 2006 9:37 PM

    ahm nagdedeposit sa banko… Ewan ko ba kung bakit lowtech ang pinas pagdating sa ganyang transaction hehe. Kanina nagdeposit ako sa banko. Tapos since BPI naman kami pati yong binabayaran ko eh inenrol ko na siya sa bpiexpressonline para makapagtransfer ako ng funds gamit ang internet. kaya un