Sunday
emoGreat Pretender
Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang entry na ‘to. Hindi ko rin alam kung sigurado ba ako sa topic na ‘to. Kung mabobore ko nanaman kayo o kung ano man ang gusto kong mangyari dito. Hindi ko rin alam kung magpapatawa ba ako o malamang matatawa kayo sa topic na ‘to. Magulo. Sobrang gulo…
May mga taong ang galing galing magpatawa. ‘yong mga tipong kahit na anong hirit ay matatawa talaga ang makikinig. Parati mo silang makikitang nakangiti at nagjojoke ng kung ano ano. Hindi mo sila maririnig na nalulungkot o matamlay, siguro meron panahon pero madalang lang talaga. Naisip mo ba kung pano malungkot ang mga taong ganito? Naisip mo ba kung ano ang nangyayari sa mga taong ganito kapag nalulungkot?
Ako yong taong tipong hindi mo madalas na makikitang malungkot. Madalas kasama ang barkada sa kung ano mang trip. Madalas rin humihirit ng kung ano anong joke na hindi naman talaga nakakatawa. Isa lang ang hangarin ko sa buhay pero pakiramdam ko hindi ko magawa. Masaya ako sa tuwing nagpapatawa ako at may napapatawa ako. Masaya rin ako tuwing kasama ko mga kaibigan ko at nagtatawanan kami sa mga bagay bagay na hindi naman nakakatawa at hindi naman dapat tawanan. Sa isang salita, ako yong taong hindi mo makikitaan ng pagkaseryoso, ginagawa ang buhay na parang laro lang. Tawa doon, tawa dito, tawa buong magdamag. Pero nais kong sabihin sayo na marunong din akong malungkot, umiyak at magseryoso.
Oo ang taong nagpapasaya at nagpopost ng mga walang kwentang posts sa kanyang blog ay malungkot ngayon. Pero pilit paring tinatakasan ang kalungkutan. Pilit parin itinatago ang kalungkutan sa ilalim ng mga nakangiting mukha. Pilit pinapakita sa mga tao na hindi malungkot. Pilit na nagpapakasaya. At pilit na sanasabi sa sarili na magsaya ka. Pero hindi ganun kadali. Mahirap nga naman ang magpatawa pero sa loob loob mo malungkot ka, pero mahirap rin naman yong makikita mo sila na malungkot. Ano ba talaga?
Sa totoo lang nagugulo nanaman ang utak ko. At sa totoo lang ayaw ko na magpretend. Magpretend sa mga bagay na hindi naman talaga totoo. Magpretend na masaya ako. Magpretend na masaya ako para sayo. At magpretend na kuntento na ako sa nangyayari ngayon. Dahil ang totoo, Hindi ako masaya. Patuloy parin ang pag-agos ng dugo sa aking puso, Pilit parin sinisigaw ang pangalan mo. Pilit parin sinasakop at inuutusan ang utak na wala namang magawa.
Sabi ko noon nakamove on na ako. Ang saya saya ko na nga eh. Pero noon yon at hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko yon. Basta ang alam ko desperado akong maging masaya noon. Pero ganun din naman ngayon. Ang gulo, hindi ba?
Masaya ako nung mga nakaraang linggo, kanina masaya ako, pero ngayon. Punong puno ng lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko ayaw ko na talaga magpretend.
Masaya na ako. Ayaw ko ng mawala ka pang muli. Pero hindi ako umaasang maibabalik pa ang dati, dahil ang alam ko wala na talaga sayo. Wala na. Nagiging bato narin ako. Pilit isinasara ang pinto. Na kahit anong gawin ng magbubukas dito ay hindi niya mabuksan dahil sarado na, at ang may-ari lang nito ang may hawak ng susi. Susi na makakapagbukas muli ng pinto. Pero kailan? Hanggang kailan maghihintay?
May mga taong dumarating sa buhay natin na sobrang laki ng naibahagi. Kahit sa konting pagsasama ninyo ay masasabi mong “Wow parang kilalang kilala ko na ‘tong taong ‘to”. Pero kapag nasanay ka na na nandyan ang taong yaon, ay mahihirapan ka na kapag umalis at iwan ka nito. Mahihirapan ka sa panibagong buhay mo. Mahihirapan ka lalo na’t itong taong ‘to ang karamay mo nong mga panahong hindi mo alam ang gagawin mo.
Kanina may kachat ako at tatawagin na lang natin siya sa pangalang shobz. Hindi ko alam kung anong napag-uusapan namin pero ang alam ko nasabi niya na pwede na raw naman na akong magGF kasi nga gagraduate na raw ako. Kailangan ko raw ng inspiration at karamay sa buhay. Natahimik lang ako at iniba ang topic. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang tanga tanga mo! Hindi mo ba alam na ikaw itong isinisigaw ni manong puso ko? Hindi mo alam, kasi manhid ka! Hindi mo alam kasi ang alam ko pilit mo rin sinasabi sa sarili mo na wala na talaga. Pilit karin nagpapanggap at pilit mong ipinagsisigawan sa harap ko na wala na! Na wala na talaga!
At bakit lumalayo? Kasi gusto ko narin ibuhos dito ang lahat. Ganyan ang mga taong mahilig magpatawa, mga taong akala natin hindi nalulungkot. Pero sa totoo lang mas masakit masaktan ang mga ito. Mas madaling masaktan at hindi alam ang gagawin kapag malungkot.
Hindi habang buhay magpapatawa ako, hindi habang buhay ako ang magpapatawa. Gusto ko ako naman ang pasayahin, gusto ko ako naman yong tatawa. Hay na lang.
Nagdadalawang isip ako na ipublish ito. Baka kasi mabasa ni taong nasasakdal ang entry na ‘to. At maniwala pa siya sa sinasabi ko. Gusto ko rin naman na malaman niya ang mga ito. Pero siguro darating ang mga panahong yon. Pero sana sa panahong iyon, maayos na ang lahat at hindi ako maiiwan sa ere ng mag-isa. Sa ngayon masaya narin ako ng ganito. Nakakasama ka kahit saglit pero hindi parin maiiwasan ang magpanggap. Magpanggap na hindi ako naaapektuhan sa tuwing sasabihin mong bati na kayo ni ano at magdamag kayong magkausap ni ano. Ayaw kong mabasa mo ito dahil natatakot akong maiwan muli. Natatakot ako.
Jun 4, 2006
Reply
the more na nagpepretend ka the more na masa2ktan ka, just be true 2 urself and to ur feelings.. it’ll help u feel more relieved.. tell her wt u feel, even if she rejects u, at least nsabi mo ung nsa loob mo.
Jun 4, 2006
Reply
weh! Jong ano to??? nag prepretend ka? wag kang mag pretend.
pano mo nasabing manhid si “shobz”? pinaramdam mo na ba na may feelings ka sa kanya?
Jun 9, 2006
Reply
Lovelife. Hehe, masakit nga ‘yan. Na-try mo bang magbigay ng hint man lang na gusto mo ‘yung tao? Kelangan sabihin mo, kahit through letter, na may feelings ka para sa bandang huli eh di ka magsisi.
Lalaki ka naman e at babae s’ya, normal lang na magtapat ka o sabihin mo na may crush ka or what. Mahirap pero I think it’s worth it.
Jun 9, 2006
Reply
yen, sa totoo lang wala lang hehe. Ewan ko, takot na siguro maulit yong dati.
Rob, sabi ko nga. Ayaw ko ng maulit yong dati. Ang dati at si shobz ay iisa. Kaya mahirap.
Skwayred, uulitin ko. sabi ko nga mahirap maulit yong dati…
hay nakakamiss siya. bwahaha Gusto kong bumalik sa mga araw na yon.