Malaya ka na ba?

Posted on June 9, 2006

Mahigit isang daang taon narin ang lumipas ng makalaya ang ating bansa sa mga kamay ng mga dayuhan. Nagkaisa noon ang bawat Pilipino at nagtagumpay sa kanilang mga hangarin. Malaya na nga ba ang ating bansa, Makalipas ang mahigit isang daang taon?

Marahil ay malaya na nga ang ating bansa sa mga kamay ng dayuhan. Natanggal na ang posas na mahigpit na nakatali sa ating mga kamay. Malaya na nga tayo. Pero sa kabilang banda, patuloy parin tayong nakakulong. Nakakulong sa mga naiwan ng mga dayuhang ito. Mga ugaling niyakap ng ating mga ninuno at pinagpasa-pasa sa sumunod na henerasyon. Mga ugaling naging isang kultura. Mga kulturang hindi rin kanais nais.

Marami parin sa atin ang nagpapasakop sa dinala ng mga dayuhan satin. Nariyan ang mga mamamayan na mas kinahiligan ang mga produktong gawa ng mga dayuhan. Nariyan rin ang pagtangkilik sa kung ano man na mas alam nilang mas masarap sa kanilang panlasa na tila ba ay naaasiman kapag nakikita ang gawang pinoy. Pero hindi ko sila masisisi. Marahil nga ay nabura na ito sa atin. At alam kong hindi ito galing sa pinoy. Alam kong dahil ito sa impluwensiyang naiwan ng mga dayuhang pilit sakupin ang mayaman nating bansa.

Labin-siyam na taong gulang na ako. At sa edad na ito, marami na akong napagdaanan sa bansang ito. Nariyan ang mga pulitikang pilit pinagyayaman ang kanilang mga sarili. Oo nga’t hangarin din nila ang pagyamanin ang ating bansa pero sa nakikinita ko ay mas mahalaga sa kanila ang kanilang mga sarili. Sila…

Sila ang mga tunay na mananakop. Sila ang tunay na hindi natin kayang takasan. Hindi nga sila dayuhan pero kung ituring ang kanilang bansa ay parang hindi kanila. Sila ang siyang nananakop at pilit na ibinabalik ang ating mga kamay sa masisikip na lubid. Pilit nila tayong pinaniniwala sa kanilang mga adhikain. At pilit naman nagpapasakop at nagsusunud-sunuran ang marami sa atin. Nakakalungkot.

Kaya ang tanong ko sayo, Malaya ka na ba? Nakamit mo ba talaga ang kalayaan? Malaya ka bang nakakalipad sa sariling mong mga pakpak. Malaya mo bang naiibahagi ang nasa loob mo? Malaya ka ba talaga?

Malaya na nga tayo sa mga dayuhang mananakop pero kapwa Pilipino ang siyang nagpatuloy ng pagtali sa ating mga kamay. Kalayaang pilit nilang tinatanggal sa atin. Kalayaang hindi nila maibigay.

Ako? Malaya ako. Tama ka, hindi ko maiwasang hindi tangkilikin ang mga bagay na gawa ng duyahan pero sa puso ko Pilipino parin ako. Malaya ako. Dahil hindi ako nagpapasakop sa kung sino man. Hindi ko hinahayaang diktahan ako at lalong hindi ko hahayaang utos-utusan ako ng mga nagkukunyaring dayuhan at naglilider-lideran na siyang namumuno sa bansang ito.

Ikaw malaya ka na ba talaga?Sana nga malaya ka na. At kung isa kang naglilider-lideran at kunyaring may magandang adhikain sa bansang ito, sana lang palayain mo narin ang sarili mo at palayain mo narin ang bawat Pilipino. Sa ganitong paraang masasabi nating malaya narin ang ating bansa sa maruming mundo ng pulitika. At malaya na talaga tayong makakalipad muli. Malayang malaya! Tulad ng mga bayaning naghasik ng kanilang mga buhay mahigit isang daang taon na ang nakalipas, sana ay magkaron tayo ng pagkakaisa sa pagkamit ng ating kalayaan.

Bato bato sa langit ang tamaan pangit!

*** Ang artik na ito ay ipinasa sa Philippine blog carnival. At Bato bato sa langit sana tamaan kayo.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

10 Comments so far
  1. 12.0.13 June 9, 2006 10:26 PM

    Total democracy is chaos…

    Pro-government ako. naniniwala kasi akong walang gobyerno ang nag hangad ng ikababagsak ng bansa nila….

    Suportahan lang natin ang ating gobyerno.

  2. staticblu3 June 9, 2006 10:47 PM

    Hindi man nila hangarin na ibagsak ang bansa nila ay nagagawa nila dahil sa mga pangpersonal nila na kaek-ekan. Hindi rin naman magiging maayos ang isang bansa kung walang mamumuno dito :)

  3. yen June 10, 2006 12:53 AM

    democracy is overrated! lahat n lng ng gngwa ng mga pinoy sa2bhn nla na may demokrasya sa pinas kaya may karapatan clang gawin lahat ng gs2 nla kahit pa nagcacause ng kaguluhan ang mga gngwa nla gaya ng mga rally2 n yan, araw2 n lang!

    d maiiwasan na prang wala ng sariling identity ang pinas at lahat ng tao ang tinatangkilik ay mga imported dahil nga sa history ntin, we were conquered by the spaniards for 300 yrs tas mga kano naman tas mga hapon.. so naadapt n tlga ntin ung mga kultura nla in a way hanggang sa mga generation ngyn.

  4. skwayred June 10, 2006 10:50 AM

    Tingin ko di tayo malaya dahil sa mga crippling mentalities natin di dahil sa tinatangkilik natin i’yung gawa ng dayuhan. Kung hindi kasi natin tatangkilikin ‘yung PC na gawa ng IBM or ‘yung cellphone na gawa ng Nokia, we would be living like people from the Stone Age. Unless, magiging inventive at ingenious and mga Pinoy… wistful thinking? I hope not. ;)

  5. arvin June 10, 2006 6:34 PM

    hind lang sila. tayo talaga..

  6. jhay June 11, 2006 11:22 AM

    Woot! Lalabas na bukas ang 2nd edition ng Philippine blog carnival. Gusto mo mag host jong? Madali lang, :D

  7. jeeper June 12, 2006 12:41 PM

    Tinatamaan ako pero ayaw tablan! May mga bagay kasi na di mo pede tawaran.. tulad ng appliances.

    Pero I use hapee toothpaste! Kasi I am pinoy.

  8. […] n, makabuluhan at makapukaw damdaming pagninilay ni Jong, kung saan may isa siyang tanong: Malaya ka na ba? Simple at mukhang madaling sagutin ang tanong ni Jong, pero kap […]

  9. vincent September 3, 2008 8:16 PM

    jong
    nasa sa iyo naman kung malaya ka na o indi as long na di ka nagpapaalipin ryt?!

  10. staticblu3 September 3, 2008 11:20 PM

    vincent, sino ka? hehe

    Tama ka, pero pano kung hindi mo alam na nagpapaalila ka pala? Tulad na lang ng pagtangkilik natin ng iba’t ibang bagay na hindi naman sariling atin, d’ba sa paraang yon eh nag-papaalipin parin tayo?