Wednesday
misadventuresSamu’t Saring Tao: Ugali, Itsura, Estado
Paalala: Kung madali kang maasar, umalis ka na. At kung seryoso ka masyado, huwag naring basahin ito. Walang nasaktan na hayop o ano mang bagay habang binubuo ang entry na ‘to. Kathang isip lamang ang mga ito, kung guilty ka dito eh hindi ko sinasadya.
Ang hirap maghanap ng picture, huwag na lang.
Hindi ko alam kung bakit naka-ugalian ko na ang manahimik sa isang lugar at obserbahan ang bawat ikinikilos ng mga iba’t ibang uri ng tao. Sa ilang taon at ilang lugar narin na napuntahan ko ay masasabi ko ang pagkakaiba-iba ng mga tao.
Sa puntong ito tatalakayin ko ang Samu’t Saring pilipino patungkol sa kanilang ugali, itsura at estado sa buhay.
Mayaman, Maganda/Gwapo, Mabait:
Napakaswerte ng mga taong ganito. Walang kahirap hirap sa buhay. Mayaman ka na nga, maganda pa ang panloob at panlabas na ugali mo. Kadalasan nakakakita ako ng mga ganito kapag nag-aattend ako ng youth service o kaya ng Sunday serive sa aming church. Kadalasan din ay may lahing instik ang mga ganitong uri ng mga tao, pinoy in particular.
Mayaman, Maganda/Gwapo, Di-mabait:
Ito yong mga tipo ng mga tao na pilit kong nilalayuan. Mayaman at maganda nga ang panlabas nilang kaanyuan pero ang loob eh mas mapangit pa kay dugong. Hindi ko sila madalas nakikita at hindi ko rin alam kung san sila madalas basta ang alam ko may karapatan nga naman talaga silang magyabang at manlait ng tao dahil sa kanilang physical na kaanyuan plus kayamanan. Wala ring kahirap hirap dahil ugali lang naman ang nagpapapangit sa kanila.
Mayaman, Pangit, Mabait:
Marami rin naman ang mga ganito. Mayaman pero hindi mo aakalaing mayaman sila at ang mahirap pa dyan ay hindi mo rin aakalain na mabait sila dahil sa kanilan physical na kaanyuan. Madalas silang napagkakamalang poor dahil nga sa anyo pero ang hindi alam ng karamihan ay may kayamanan na tinatago ang mga ito na dala pa ni yamashita. Masaya rin naman kasing kasama ang mga ito. Kung tatanuning mo kung bakit? Eh mabait sila mayaman pa, Madali lang utuin dba? Kaya lang papayag ka ban a may kasama kang pangit? Haha
Mayaman, Pangit, Di-mabait:
Naaasar ako sa mga ganitong klase ng tao. Sila yong makikita mong nambubully dahil pinagmamalaki nila ang kanila kayamanan. Hindi ko lang malaman kung bakit ang mga ganitong tipo pa ng tao ang mas madalas na makapanlait na hindi muna tinitignan ang sarili. Sa babae naman ay madalas na mataba ang mga ganitong uri ng tao, Hindi ko rin alam ang dahilan. Naobserbahan ko lang. Di mo rin sila mapagkakamalang mayaman dahil nga sa pangit na sila pangit pa ang ugali. Pero pwede naman nila gamitin yong pera pampaayos sa mukha, Kaya lang pangit parin ang ugali. Pangit kasama.
Mahirap, Maganda/Gwapo, Mabait:
Ang mga ganitong uri ng tao ay maganda ang magiging buhay. Pwede silang Makita ng mga talent scouts at isali sa mga patimpalak sa telebisyon. Kadalasan kasing nakukuha ang mga ganitong uri ng tao. Swerte sila dahil ang itsura at ugali nila ang makakapag angat ng kanilang buhay. Pwede ka ng maging Mayaman na maganda/gwapo at mabait pa. Pero sana hindi sumama ang ugali kapag nagging mayaman.
Mahirap, Maganda/Gwapo, Di-mabait:
Walang patutunguhan ang mga ganitong uri ng tao. Sila yong itsura lang talaga ang baon. Mahirap din magtiwala sa mga ganito dahil nga sa ugali nila. Pero swerte parin dahil kahit papano eh nabiyayaan ng magandang itsura. Pasalamat ka!
Mahirap, Pangit, Mabait:
Nakakatakot minsan ang mga ganitong uri ng tao. Sila yong aakalain mong mangssnatch ng celfone mo o kaya naman ay bigla kang tututukan ng baril at kung ano ano pa pero ang hindi mo alam eh mabait pala sila. Minsan ay pagsasabihan ka pa na huwag magtxt baka manakaw daw. Kadalasan rin ang mga ganito ay hindi ko na alam. Wala ako masyadong kilalang ganito. Sila ang madalas na makikita mo na kahit na naghihirap na eh may malasakit parin sa kapwa at tumutulong parin sa kapwa.
Mahirap, Pangit, Di-mabait:
Napakasaklap ng situasyong ganito. Marami akong napapansin na ganito. Nakakatakot sila at kailangang layuan. Dahil hindi mo alam ang kanilang mga balak sa buhay. Hay.
Nakakaawa dahil wala lang.
At kung tatanungin nyo kung nasan ang average na tao ditto. Eh tignan nyo na lang ako hehe. Hindi ko na ieeksplika pa. Kayo na ang bahalang manghusga.
Uulitin ko, hindi ko ninanais na manlait ng tao dito. Ito ay base lamang sa obserbasyon at imahinasyon ng aking kakapiranggot na isip. Kung may tanong, reaksyon at komento ay ipagbigay alam lamang posa nakakataas. Ipadala lang ditto sa may amin.
Aral: Hindi nasusukat ang tao sa pamamagitan ng ugali, itsura at estado. Nasusukat ito gamit ang tape measure, kahit itanong mo sa nag-iimbalsamo. Hekhek korni
Jun 22, 2006
Reply
grabe naman kng mayaman-maganda/gwapo-mabait ang isang tao.. PERFECT na un ah.. pra ka ng naka jackpot kng gnun makaka2luyan mo hehe…ako cguro.. DI-MAYAMAN/MAY-ITSURA LANG/MABAIT-MINSAN
Jun 22, 2006
Reply
Berlin Here Reporting on Isulong Seoph [i edited it, coz it breaks the layout]
Jun 22, 2006
Reply
Yung mga taong Mahirap, Maganda/Gwapo, Di-mabait..yan yung mga tipong pumapasok lang sa school para magkabaon at tumambay. Dapat may isa pang category: Bobo or matalino. Dapat kasama yun sa pamantayan. Kaso magiging 24 diff. combinations yun. Ang haba. Dapat idefine mo din kung ano ang panget at maganda. E.g. Elizabeth Ramsey -> panget. Etc..Kasi may mga taong average lang e. Di panget, di maganda. Gud luck. Ipagpatuloy mo ang research mong ito. Pang-thesis yan!
Jun 22, 2006
Reply
tiamy:: naisip ko narin yan kaya lang natapos ko na ang combinations.. Dapat talaga lalagyan ko ng average kaya lang ang haba na. Tama ka rin sa matalino at bobo. Dbale.. part 2 na lang. hehe
Jun 22, 2006
Reply
mmmmm how i wish i was on the topof the heirarchy
gwapo, mabait, mayaman pinag kakaguluhan ng lahat.
ahahahahah
mu7sta jongksi!~
Jun 27, 2006
Reply
Onga sayang di mo naisali yung bobo, matalino. Pero kung ginawa mo ‘yon baka napakahaba na ng listahan mo. :>
Ako, hmm, sa’n ba ako dyan? Siguro du’n ako sa di mahirap, di mayaman, di maganda, di pangit, di mabait, di masama category. In short, sa gitna lang.
Nakakaawa nga yung mga nasa last. May kilala akong gano’n. Napakasaklap nga ng life nila. Buti di sila nag-s-suicide? Rwahahaha.
Sep 22, 2008
Reply
TAE! ang PANGIT ng mga sinabi MO parang mayabang at……………………………. TAE! TAE TAE TAE! ka.
Sep 24, 2008
Reply
@dawn,
Uulitin ko, hindi ko ninanais na manlait ng tao dito. Ito ay base lamang sa obserbasyon at imahinasyon ng aking kakapiranggot na isip. Kung may tanong, reaksyon at komento ay ipagbigay alam lamang posa nakakataas. Ipadala lang ditto sa may amin.
pasensya na, tao lang!