Bisyo, Problema, Tambay. Magulo!
Posted on July 2, 2006
Sa puntong ito ay nakakatatlong entry na ako na binura. demmit!
Sabog nanaman ang pag-iisip ko. Maraming ideya pero hindi mapagtagpi tagpi. Sabog talaga. Hindi ko alam kung bakit.
Ah alam ko na. Medyo maraming gumugulo sa isipan ko nitong mga nakalipas na linggo. Nandyan ang school stuff pati narin ang kung ano ano pa man yan. Uunahin ko muna ang sa eskwela at pagkatapos ay yong kung ano ano pa man yan.
Tapos na ang fourth term sa Mapua. Ito na ang last term ng karamihan ng batch ko kaya lang kinailangan mag-extend para tapusin ang thesis. Pero karamihan rin ay ubos na ang units kaya thesis na lang talaga. For completion baga. Ganun rin ako. Tapos ko na ang lahat maliban sa presentation ng OJT at ang thesis, dokyu at system. Ang mga ito ay nakakaapekto rin sa pang araw araw na buhay ko.
Tulad nga ng sinabi ko, maraming gumugulo sa isipan ko. Anong gagawin ko kapag tapos ko na ang thesis? Makakapagtrabaho pala ako? Kaya ko bang magsideline habang gumagawa ng thesis? Matatapos ko ba ang thesis? San ako kukuha ng pera? Lahat yan! Naiisip ko kagabi kagabi.
Yong mga gumugulo naman sa isipan ko na kung ano ano ay sikreto na lang. Haha Hindi. Sa totoo lang kuntento narin naman ako sa buhay ko. Nandyan ang mga kaibigan ko na nakakapagpasaya sa akin. Ang pamilya ko na wala lang hehe. Todo suporta naman ang magulang ko at mga kapatid ko naman eh nevermind. Pero sa tingin ko kulang parin. Sabi nga ni Sam Milby, “I wana be.. Complete” nyak nyak.
Oo, dumarating sa punto na tipong tumatanda na ako at gusto ko narin mag-asawa. Haha Biro lang. Siguro natural lang naman sa ating yong may hinahanap hanap ka. Yong taong magiging karamay mo. Oo’t nariyan nga ang mga kaibigan, pamilya at (insert name here) pero mas maganda parin kung may kapares ka dba? Agree ba? Kung hindi, layas na! Hay.
At dahil sa mga ito ay naging regular o sabihin na nating parang naging hobby ang bisyo. Hindi naman siguro bisyo na sobrang adik ka na pero sa tingin ko e bisyo parin.
Sunod-sunod na weekends narin ang paglabas ng barkada. Inom dito, kanta doon, Kape kape, minsan yosi. Hay na lang.
Hindi ko alam kung bakit naging ganun, basta ang alam ko ay may kanya kanyang problema ang bawat isa sa amin. Mga problemang nailalabas lang kapag nakainom kami. Mga problemang amin na lang at hindi ko na sasabihin hehe.
Tumitino yata kami kapag nakainom. Hindi kami yong tipong iinom at maghahanap ng away. Iinom para mawala ng panandalian ang problema at mapagusapan ang mga ito.
Ganito ang karamihan sa atin. Akala magiging solusyon ang pag-inom sa kanilang mga problema, pero sa totoo lang eh wala naman talaga. Well, siguro para saamin. Hindi naman kasi kami lasinggero kung tutuusin. Tamang inom lang. Katulad nga sinasabi ko, sasakit lang ulo mo. At kapag sumakit ang ulo mo eh may mga bagay kang makakaligtaan at dahil doon eh baka maging dahilan ng pagkadagdag sa problema mo. Katulad na lang nang nangyari sa akin nung biyernes ng gabi. Lumabas kasi kami, palipas ng oras sa Mall of Asia tapos nag-inuman sa may Malate at pagkatapos ay nagkape sa baywalk tapos nagpalipas ng oras sa kaklase ko tapos umuwi at tulog agad. D ko namalayan na 8 pala ang seminar sa school. Hindi ako nakaabot sa sobrang antok at konteng sakit ng ulo.
Teka, ang layo na at ang random na masyado ng entry.
Hay problema na lang. Pero may nagsabi sakin dati na wag mong problemahin ang problema kasi sabi niya instead of saying “God, I have a big problem” dapat daw ay “Problem, I have a big God”. Kaya dapat wag na nating pinoproblema ang problema dba? Tamand inom na lang. Bwahaha
Hay… tama Tambay na lang ako. Naghahanap ng sideline habang gumagawa ng thesis. Kailangan kumita kasi kalahati na lang ang allowance na galing sa magulang ko. Kaya kung may alam kayo eh pwede ninyo akong irefer. haha Gumagawa ako ng website, dynamic o static. haha nagplug.
Magulo talaga ang isip ko, halatang halata naman dba? Babawi ako next time. Ang pangit pala ng feeling maging tambay. Walang pera, walang ideya na pumapasok at walang makitang chiks. bwahaha
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Uy, tagal ko ng hindi nakakabisita dito. anyways, kung anuman bumubulabog sa isipan mo, sana ay maalis na yan.
goodluck sa lahat 
@hazel hehe, tagal ko narin hindi nakadalaw sa estrelya ah hehe.. salamat!
Kaya natin ang thesis. Wag lang tayu pangunahan ng “Tambay Muna” syndrome. Yung CD ko ha..bukas dalhin mo (enrolment).
saka m n isipan yang pag gf.. darating yan sa tamang panahon… wg m karirin muna yan.. ang karirin m ay yang thesis mo at pg nakagraduate ka na,, ms marami ka pang chiks na maki2lala at mamimili ka n lang..
Ganyan talaga, mainam naman at may blog ka kung saan ikinakalat mo ang mga kaguluhang bumabagabag sa iyong isipan. Dahil kung wala, baka kung ano na lang agn gawin mo at tuluyan ka nang mabuang o maglaho sa karimlan.
Narito naman kami na kahit wala masyadong mapupulot o maitutulong sa iyo, patuloy pa ring naniniwala na magiging mabuti din ang lahat para sa iyo. hehehehe
sa haba ng binasa ko hindi ko na alam ang mga sinabi mo… pero ang natandaan ko lang ay ang parteng inuman! hehehe.
kami rin naman tamang inom lang… yun tipong gumagapang na yung isa… yung tipong bigla nalang ngumangalngal dahil biglang maalala ang lablayp. ahehehe. pero hindi ako ganon. hehe.
Sideline? pag may nabalitaan ako… sasabihin ko sayo…