Di makatulog

Posted on July 18, 2006

Alas kwatro na ng umaga at eto ako gising parin at nagtatype ng entry. Matagal rin akong nawala mundo ng pagbablog hehe. Para naman mamiss nyo ng kahit konte ang blog ko, kung meron man.

Sa totoo lang, hindi talaga ako makatulog. Kanina pa ako nakahiga, nanood na ako ng movie at nagbasa pero ayaw parin akong dalawin ng antok. Sana dumating ka na. Kaya ito, bumangon ako at binuksan ang laptop habang nagbabakasakaling may biglang pumasok sa isipan ko at makapagblog.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito lately. Hirap makatulog, mali hindi pala hirap makatulog kasi parang I’m forcing myself not to sleep. Ewan ko ba, masyadong bothered na ako siguro. Kapag ipinipikit ko na mga mata ko, hindi kasali ang pagkurap ha, eh parang may sumisigaw sakin na “oi jong, ang gwapo mo talaga” ay este “oi jong, ang tanga tanga mo! Nagsasayang ka ng oras! Bakit ka matutulog? Tapusin mo na mga project mo! Thesis! OJT docu! Ang website ng UP NCPAG SC! Yong hugasan sa lababo! Yong mga labahan!” tapos may kasama pang tawa ng demonyo na nakakairita! Demonyo nga ba? Ah basta meron ganung effect. Hay naku, nakakabaliw talaga. Tipong gagraduate ka na lang pero ang dami mo pang kailangang tapusin. Hay!

Hindi lang yan, madalas ko rin napapanaginipan si you-know-who, no not voldemort stupid! You-know-who, err that girl! hehe Seriously, parati ko siya napapanaginipan. Masaya naman pero kapag gising mo eh iba yong lungkot na ihahampas nito sa pagmumukha mo na para bang sinasabing “oi jong! gumising ka na sa katotohanan, magdadalawang taon na pamula nung nagkasundo kayo na itigal na ang lahat, kung meron mang tatapusin.” Hindi ko ba alam kung ano talaga ang nangyari noong araw na yon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang ipaglaban yong nararamdaman ko. Sabi nga nila kapag mahal mo, palayain mo. Ang tanga tanga talaga. hahay! Tama na!

Sabi ko dati hindi na ako magkukwento ng buhay personal ko dito. Ayaw ko kasing isipin ng mga tao na mahina ako at puros kadramahan at reklamo na lang ang pinagsasabi ko. Pero nagkamali ako kasi sa pamamagitan pala nito eh nailalabas ko mga saloobin ko at nakakatuwang isipin dahil nandyan ang mga online friends na kung tawagin na magbibigay ng mga payo sa yo. Aakalain mong tunay na kaibigan mo sila, well i consider them as true friends na talaga, na nandyan sa yo parati. Kung tutuusin parang mas naiintindihan ka pa nila kaysa sa mga tunay mong kaibigan na parati mong nakakasama. Kaya saludo ako sa inyo mga brad at ate! Salamat ng marami sa suporta at payo! Pero kulang parin, kasi kailangan ko ng pera hehe. Biro lang!

Hay, masakit na binti ko pero hindi parin dumadalaw si antok. Ano pa ba? Well, yan lang ang bago sa akin. Korni man ang buhay ko, at least kahit papano eh hindi nasayang ang pagdalaw mo dito at may bago akong post.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

5 Comments so far
  1. jhay July 18, 2006 6:25 AM

    Sige drama lang, masama rin ang kimkimin yan, baka bigla ka na lang mabuwang at tumalon sa riles ng LRT o kaya sa mga matataas na billboard. hehehe

    Coincidence? Pareho pala tayo naguguluhan at napapanaginipan si you-know-who. Buhay at pag-ibig talaga!

    Good luck!

  2. ann July 18, 2006 11:44 AM

    Kaya pala nakita ko yung time sa blog ko kagabing maligaw ka doon is 12:30am, it means 5:30am dyan. Tama ba?

  3. staticblu3 July 18, 2006 5:12 PM

    jhay:: hehe naku sinong you-know-who naman yan?

    ann:: yep tama ka, nagbabasa ako ng blog mo nung mga panahong yan. mag 7am na ako nahiga pero 10am na nakatulog.. hehe

  4. skwayred July 19, 2006 1:40 PM

    Baka insomniac ka. Pero kung ganyan ba talaga karami gagawin mo dapat ngang wag kang matulog. Ang nakakainis eh yung di ka makatulog pero wala ka rin namang gagawin kung di ka matutulog. Nagkaganon ako dati, nakakabaliw. Naiyak nga ako eh, promise. ;)

    Tapos oo nga feeling ko mas naiintindihan ako nu’ng mga nagco-comment sa entries ko kaysa dun sa mga totoong kilala ko sa buhay. :|

  5. Rob July 23, 2006 4:57 PM

    naku naku! baka naman nasosobrahan ka na sa kape! kapag hindi ka natulog baka magmukhang plastic balloon na may tubig yang mga eye bags mo. wahihi.

    baka naman may ginawa kang masama… joke! ay naku… baka pag-ibig…