Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Jul 31
Monday
kwentong Disyerto
Kwentong Disyerto: First Time

April 19,1999 ng una akong makalapag sa bansang Saudi Arabia. Lumapag ang eroplanong aming sinasakyan sa Dharan International Airport. Unang sakay ko sa eroplano noon kaya takot na takot ako sa maaaring nangyari, engot kasi parating nanonood ng mga palabas na patungkol sa pagcrash at hi-jack sa eroplano. At dahil 12 anyos lang ako noon, binigyan ako ng junior jetsetter. Nakakatuwa, may coloring thing at may chips pa. haha

Hindi pa nakakahinto ang eroplano ay nagtatayuan na ang mga pasahero, maririnig mo ang tinig na nanggagaling sa speaker. Hindi ko alam kung ng kapitan ba o ng steward/stewardess yon, pero iisa lang ang alam ko at yon ay tatlo ang wika na ginamit nila sa pagsalita, ang tagalog, ingles at arabic. Nakakatuwa naman.

Old school and airport nila, hindi ka dadaan ng tube para makaalis ng eroplano pero mas ok kung tutuusin kasi feel na feel mo ang pagbaba sa napakataas na lugar gamit ang hagdan. Boeing 747 ang nasakyan namin kaya sobrang laki talaga. Mainit ang panahon at humi. Nakakatakot ang itsura ng arabo kapag first time kang nakakita, balbas sarado at nakasuot ng puti ang mga kalalakihan at itim naman sa babae na kung tawagin ay abaya. Ang daming pilipino, di mo aakalaing nasa ibang bansa ka. Dahil first time namin lahat doon ay para kaming langgam na sumusunod lang sa nasa harapan namin, tiyak kung pilipino ay pareho lang ang pupuntahan. Wala silang belt para sa bagahe, kaya nakatambak lang ang mga bagahe dun, pahirapan sa paghanap. Matapos ang mahabang pila at pananakit ng leeg dahil sa kakalingon ay nakalabas rin kami. Naghihintay si papa at yong tito na kaibigan ni papa. Tito at tita ang tawag ng mga kabataan sa kahit sinong kilala nila na matanda. Dumirecho kami agad sa apartment, whew mainit talaga. Tagaktak ang pawis sa batok at kili kili ko.

Wala ka masyadong makikita dito na bahay mismo, puros mga buildings kaya masaya hehe. Tulad ng mga nakikita nyo sa news ngayon sa Israel at Lebanon pero maayos naman. Walang kalaman laman ang flat namin, kakalipat lang din kasi ni papa si alkhobar noon galing siya ng Riyadh.

Ang haba ng introduction ko…

Sa totoo lang wala talaga akong maisip kaya nagkuwento na lang, nakakalungkot kasi isipin na noong panahong yon ay hindi pa ako nagbablog. Hindi ko tuloy naisulat ang napakalaking bahagi ng buhay ko. Though 4 years lang ako namalagi sa saudi, naging malaking parte ito ng buhay ko at kung ano ako ngayon.



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


14 Responses to “ Kwentong Disyerto: First Time ”

  1. Gusto ko makarating din sa Middle East. Para naman makaranas ng tunay ng disyerto at tunay na shawarma. hehe

  2. Nakakainggit gusto ko din makapunta sa ibang bansa eh para makaranas naman ako ng ibang culture. :p

    Ang gawin mo na lang parang flashback. ‘Yung mga nakakaaliw na experience mo dun, ngayon mo ikwento dahil may blog ka na. ;)

  3. inabot ko rin yung lumang airport, nov 1999 una kong lumapag dito, ok naman yung bagong airport, malaki at maluwag. hmmm.. hintayin ko continuation nito.

  4. jhay:: isa lang masasabi ko, ang sarap ng tunay na shawarma… walang wala ang shawarma sa pilipinas.

    skwayred:: oo masaya ang makapunta sa ibang bansa, kasi dun mo nalalaman ang totoo hehe. tulad ng pagkakaalam ng marami na ang mga arabo ay masasama, pero ang totoo eh hindi naman silang lahat.

    tama, ganyan nga ang gagawin ko.. :)

    master:: hehe ang luma nung airport no? walang wala dun sa bago sa dammam, dammam nga ba un?

    asahan ko pagbalik mo sa blog ko. :)

  5. peke ba ang shawarma d2? ehehe.. sa bahay.. masasabi kong peke nga.. heheh. .iba tlga ang shawarma sa saudi. .may special ingredient tlga clang nilalagay dun na pampasarap na tunay!

  6. peke ba ang shawarma d2? ehehe.. sa bagay.. masasabi kong peke nga.. heheh. .iba tlga ang shawarma sa saudi. .may special ingredient tlga clang nilalagay dun na pampasarap na tunay!

  7. ano lasa ng tunay na shawarma?

    JHAY> may desyerto sa pinas. the only desert nasa ilocos norte.

    worst flight ko last week. paparating ang bagong glenda. galing ako laoag. feeling ko nasa blender ako. grabe kakatakot. pero masaya pa rin ang road trip from manila to baguio hanggang laoag.

    \m/

  8. ano ka na ngayon?? arabo ka na rin ba? jk. :)

    kung tutuusin, dapat ka talagang maging proud sa karanasan mo na yan. hindi lahat ng pilipino ay makakaranas ng kagaya nyan…

  9. Buti ka nga nakarating ka na sa ibang bansa, ako gusto ko rin pero walang opportunity. Gusto ko rin sumakay ng aeroplane. Hehehe.

  10. nawala kasi ung post ko tungkol sa shawarma eh.. kainis…

    eric:: lasang arabo haha..

    mr nice ash: pinoy parin… pero may pagka amoy arabo hehe joke…

    jeeper:: ikaw pa, ang galing galing mo nga e, siguro darating din ung opportunity dba? pero hindi mo kailangan na umupo lang kailangan gumalaw para maatim ang ninanais.. naks makatha..

  11. lasang arabo? aahha yak.

    pero masarap pa rin ang shawarma. misan yan kinakain ko dito sa office kasi may shawarma stall dito sa foodcourt. lakas ng amoy. toothbrush at mouth rinse lang katapat pag balik trabaho

    ahehehehe

    =====================
    offtopic: tuloy ba graduation mo? kelan na?

  12. Wow! Natira ka pala sa Saudi. Wala lang…

    Talagang napunta sa shawarma ang usapan ah? Masarap ang shawarma dun sa school ko nung High School. Basta, yummylicious talaga. Haha!

    Wala lang ulit..

  13. ako jeep, bus, pedicab, tricycle, lrt, mrt palang ang public transportation na naskayan ko… ahehehe.

  14. jhed:: hintay nyo lang makakatikim rin kayo ng tunay na shawarma.. haha mas masarap un..

    Rob:: hehe, padyak nakasakay ka na?


Post a Comment