Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Aug 14
Monday
Whaddup?, emo
Sabog

Grr.. Anong nangyayari sakin? Hay…

Sa likod ng mga ngiti nagtatago ang sakit, lungkot, kaba, takot at galit na unti unti ng gustong lumabas. Pumapalag at hinahawi ang mga ngiti, inuusog para umepal ang mga nasa likod. Bakit ganyan? Ewan ko rin ba. Gulong gulo talaga ang pag-iisip, balubaluktot ang naiisip… Sabog! May amats, hindi naman lasing at lalong hindi naman nakadurog. Pero bakit ganyan?

Kung tutuusin kahit bagu-baguhin ko ang pinagsasabi ko, iisa parin ang nais nitong parating. Iisa lang ang ninanais. Iisa lang gusto at iisa lang ang ewan…

Gusto kong sumaya, gusto kong maging tahimik, gusto kong gawin mga bagay na gusto kong gawin, gusto kong gawin mga bagay na dapat gawin, gusto kong makagraduate, gusto kong matulog, gusto kong kendi, gusto kong chocolate, lahat gusto ko… Pero wala, ayaw nila sa akin… Sabog

Kung sabog rin lang ang pag-uusapan, ako na yata ang tama at pinakamalapit na depinisyon nito. Hay na lang…

Gulong gulo na ako… Sabog!



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


7 Responses to “ Sabog ”

  1. Tsk tsk tsk. Hayaan mo tol, magiging maayos din ang lahat para sa iyo. :)

  2. oi… hanap mo ako ng kadate.. tapos ihahanap din kita.. heheh.. para nmn nde tayo gaganyan-ganyan.. parang uto ang buhay mo.. kung ano ano na lang ang mga pinagsususulat mo d2.. hehehe! joke lang.. –cnong abnoy?!

  3. sabog ang tawag sa akin ng mga barkada ko noong high school :) say mo?

  4. Sadyang ganyan, may time na nadedepress ka at tipong gusto mong manuntok na lang. hehe! Basta wag kang papadala. Emosyon yan eh, nadyan para maramdaman mo. Lilipas din yan.

    Napadaan lang. =)

  5. Ako din nakakaramdam ng lungkot at depression. I hope you can go through what youre feeling and come out better! :)

  6. mag ehersisyo ka matatanggal yan pagkasabog mo promise.. minsan stress lang yan.. ang exercise kasi stress reliever kaya mgnda sa katawan. oha!

  7. Napakamatatas mo naman magtagalog. Natagpuan ko ang iyong kasulatan sa Pinoyexchange.com


Post a Comment