Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Aug 23
Wednesday
Daily Rants
Kaya naman pala e, Bakit hindi gawin?

Kaninang umaga pagkagising ko, binuksan ko ang telebisyon at nanood ako hanggang sa makatulog ako uli. Hehe biro lang. Naghahanap ako ng mapapanood hangang sa mapunta ako sa isang sports channel, sports plus yata yon. Ilang saglit lang biglang nagpatalastas, Akala ko nga palabas yaon na pinapakita ang trailer pero nagkamali ako. Isang artista ang nakasakay sa taxi, nakalimutan ko yong pangalan nung taxi hehe.

Tinatanong niya ang sarili kung bakit ang mga Pilipino, kapag nasa ibang bansa ay mabait. Kayang sumunod sa patakaran at batas ng kung saang bansa man sila. Marunong magtapon ng basura sa tamang lugar, at kung ano ano pa. Tapos sa huli tinanong niya kung bakit ganun daw? Kung bakit dito sa sarili nating bayan sa sarili nating bansa, hindi natin kayang maging mabait at sumunod sa batas.

Naantig ang aking damdamin, naiyak ako at nakatulog muli.. Hehe Sa totoo lang, maganda ang patalastas na yon, hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit naging ugali na nating mga pilipino yon. Hindi naman sa nilalahat ko pero ang magandang termino ay karamihan sa atin.

Kung susundin lang natin ang batas at patakaran ng ating bayan, malamang kahit papano kahit konte eh malaking tulong na yon. Kung patuloy tayong magtatapon ng basura sa kung saan man, patuloy rin ang pagbaha sa malabon at pagdami ng mga kadiring sakit. Ewwy… Sana lang.

Magulo ba? Hehe naguluhan ako e…

Plug ko lang ang isa ko pang blog, kawawa naman walang nagagawi dun. Maganda naman ang pagkakagamit ko ng ingles doon. hehe



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


8 Responses to “ Kaya naman pala e, Bakit hindi gawin? ”

  1. alam mo kung bakit? depende kasi sa kultura o nakasanayan yan ng bansang tinitiran ng mga pinoy e… alam mo naman ang mga pinoy flexible kahit saang bansa sila mapunta nabubuhay ayon sa pamumuhay ng mga taong nakatira doon. ganoon ang mga tao at opisyal doon kaya ganun din ang mga pinoy doon. e sa pinas? ano ba mga tao sa pinas at yung mga opisyal?

  2. don’t get me wrong ..hindi ko pinabababa ang mga pinoy sa pinas …. baka ma misunderstood ako …..ang sinasabi ko ay yung kultura …yung mga bagay o gawi na nakasanayan na

  3. jong, ive seen that a to. yung matabang guy na may bigote yun.

    neways, nagtataka talaga ako kung baket ganyan tayo. napaka disiplinado natn pag nasa ibang bansa tayo. pero pag dating dito sa sariling bayan. good luck.

    i guess this all boils down to patriotism or the love of country. if u love ur country, susundin mo ang batas di ba?

    but who loves his country nowadays?

    mabibilang mo na lang sa daliri mo… :(

  4. Sa aking palagay ay masyado tayong ‘feel at home’ hindi lang sa sarili nating bahay pati sa buong bansa kaya basta na lang makatapon at lumabag sa mga simpleng batas at alituntunin.

    Tapos, bilang isang mabait at magalang na bisita, sa ibang bahay man o ibang bansa, ipinapakita natin ang respeto sa ating sarili sa ‘may bahay’ sa pamamamagitan ng pagkamasunurin sa mga batas at alituntunin nila. Hindi ang ibang mga bisita natin sa bahay ay gusto pang magyapak bago tumuntong sa sahig ng bahay niyo?

    Ang hamon na lang ay kung paano natin ito babaguhin para sa ating pansariling kapakanan.

  5. hmmm.. bakit nga ba?

    katulad ko na napunta dito sa america, natural lang na sumunod sa mga batas dito kundi, kulong ka.. di naman sa hindi ako sumusunod ng mga batas noong nasa pinas pa ko, pero dito kasi mas disiplinado ang mga tao.. la ka talagang makikitang kalat, at ang mga driver eh sumusunod sa batas trapiko..

    sa pinas, di ko naman sinasabing magulo, pero tama si ate melai.. nasanay na kasi tau na ganon ang ginagawa, mga reckless drivers, kalat sa paligid.. mga batas na di nasusunod..

    nakkapagtaka nga eh, sa ibang bansa pa nagiging masunurin ang mga pinoy….

  6. naku. ganyan talaga ang mga tao dito sa pilipinas. ewan ko din ba. parang may astig syndrome. ganun.

    para kasing masyado tayong feel at home na para bang pakiramdam natin ang buong pilipinas ay bahay natin at pedeng masunod ang gusto natin. tapos mababa dina ng tingin natin sa kapawa pinoy. kaya ayun.

  7. Nasubukan ko ng tumira sa ibang bansa. At totoo nga, mas disiplinado ang mga Pinoy sa abroad kesa dito. Dito kasi, sa opinyon ko lang ha, ineffective ang mga batas. Maganda nga ang mga batas na ito. Pero hindi strikto ang gobyerno. Hindi rin pinapatupad ng mabuti. Maganda ang batas ng Pilipinas. Pero maraming lusot. Sa ibang bansa, de hins nila ito magagawa.. Yun lang po.. sariling opinyon lang..

  8. Hindi kasi pinapatupad ang batas - strictly ng gobyerno natin, kaya ayon abuso tayo ng abuso.

    Dapat kulong…kong may kasalanan.


Post a Comment