Tuesday
Whaddup?Naglaho parang bula
Update lang, nakakahiya naman kay kneeko dahil di daw ako naguupdate dito sa isa ko pang bahay. hehe
Sa totoo lang, medyo busy ako. Tinatapos ko na talaga ang thesis namin at ano pa ba? At konting blog haha… Napansin nga ni kneeko na may mga bagong post ako dun sa isa ko pang blog pero dito wala, eh sa hindi ko lang feel kasi medyo techy rin naman baka wala rin lang magbasa at least dun tanggap ko na na wala naman talagang nagbabasa doon hehe. Para narin mahasa ang aking ingles tulad ni Manilenya.
Tulad ni masterbetong at ni kathy, chinecheck ko rin ang aking katayuan sa mga iba’t ibang community at masaya rin ako dahil pasok parin ako sa Technorati’s Philippine Top 100 blogs, isang proyekto ni master yuga. Nakakalungkot naman dahil sa Pinoytopblogs eh malayong malayo na ako. Dalawa lang ibig sabihin nyan, una ay wala ng bumibisita sa blog ko at pangalawa ay mas marami ng mas magagandang blog na babasahin kumpara sa aking blog.
At kung bakit ang daming link nito ay hindi ko rin alam.
Sep 5, 2006
Reply
Buti ka nga pasok sa Technorati Top 100. hehehe
Gud lak sa thesis!
Sep 6, 2006
Reply
…oops cute pala blog mo eh ^_^ thanx sa special mention sa post mo and congrats to us hehe…pero malamang mawala na ko sa rank kase i know mas marami pang good blogs that have more links na di pa lang nila na-claim. Ur only 19? and ur so techy? gosshh! ^_^ goodluck sa studies mo and Godbless!!
cheers,
-kathy-
Sep 6, 2006
Reply
Lahat yata ay busy ngayon, whew! Lahat kayo nag-aaral. Ako isang subject na lang kasi pinapasukan ko.
Kelangan ko yata ulit mag blog-hop at makipag-link-exchange para makapasok dyan.
Sep 7, 2006
Reply
nakow, nag AWOL ako sa blog ko haha.. mga 3 months yata.. lumipat kasi kami ng ibang states, nandito na kami sa florida ngayon,. kaya eto naging bored sa bahay, bumalik ulit..
nawala nga lahat ng links ko, unti unti ko lang naibalik, dahil lahat ng mga nagpunta ngayon ni lilink ko,. sa dami kasi di ko namtandaan, buti napadaan ka. link kita ulit ha!
naku! kasali din ako dyan sa pinoy blog hehe, kaso mo, di naman ako magaling sumulat, buti ka pa nga eh
ang site ko kasi,kung ano ano na lang pinag lalagay ko.. hehe!
outlet lang kung baga!
mas me sense pa nga tong mga sinusulat mo sa akin ano!!
anyway,.. salamat sa pagdaan , haa!
Take care and have anice day
Sep 7, 2006
Reply
hindi parin tapos thesis mo? last na nag chat tayop diba nagawa ka na ng thesis nun? orrrr….. ojt report yata yun. anyways.
mukhang nag enjoy ka sa pag lilink kaya maraming links. hehe… or sumisipsip ka sa kanila! haha! joke!
Sep 7, 2006
Reply
kaya naman pala tagal ng update, busy sa thesis.. gudluck ha!!
dinalaw ko rin ung isa mo pang bahay, di ko maarok ang ingles.. hehehe, baka dahil nagsasawa na akong mag-english dito kaya tagalog naman ako pagdating sa web..
salamat sa pagdaan… ^_^
Sep 8, 2006
Reply
wow! nasa top 100 ka ng technorati pinoy top blog? avah e akoy hanga kaingget naman
hmmn salamat din pala sa special mention
Sep 8, 2006
Reply
uy may update!!!
wassup musta thesis? at kelan ang grad? aheheh
gawan mo ako template for my Year2. anniv ng blog ko nov2 eheheh
Sep 8, 2006
Reply
OT: wahaha! sabi sayo humanda ka eh! lolz! yehey!
Sep 10, 2006
Reply
OT: bwahahahaha! nu ba yan jong! galaw galaw! haha! peace!
huy! kumuha ka na nga ng tag box!