Kwentong Disyerto: Tour sa may Saudi
Posted on September 25, 2006
Matagal narin akong hindi nakakabalik sa Saudi, hindi ko nga alam kung kailan pa ako makakabalik doon. Dahil mayron narin naman na akong mydestiny cable internet, Napaglalaruan ko na ang google earth at sa panahong ngayon binisita ko ang bansang naging malaking parte narin ng buhay ko.
Dahil nawala narin ang iba kong post sa ilalim ng kwentong disyerto eh mabuti na sigurong maging pamilyar muna kayo sa mga lugar doon na siyang gagamitin ko sa mga susunod pa ng kwentong walang kwenta.
Una nating hihintuan ang aming paaralan na naging isang malaking impluwensya sa kung sino man ako ngayon.

1. Yan ang IPSA, paaralan namin don. Ang paaralan yata namin ang isa sa pinakamalaking community sa lugar namin. Hindi ko alam kung totoo ang balitang gigibain na ito at ililipat sa may border ng dharan at alkhobar dahil kinukuha na raw ng may ari ng lupa ang kanyang lupa dahil tatayuan na ng mall. Tsk tsk
2. Itong larawan na nasa ibaba ay sa harap ng lugar na may isang exhibitionist.

3. dito yan

4. ang bilihan ng kabsa, yellow rice. Pagkaing amoy arabo pero masarap!
Ang susunod naman ay makikita mo ang aming tinirhan at kung ano ano pa na walang kwenta…

5. ang IPSA
6. Mosque sa tapat ng school
7. Apartment na tinutuluyan namin. Nilalakad ko lang hanggang school, malapit lang.
8. Mosque uli!
9. Hanapin nyo ang number 9(wala naman talaga). Pero dun sa lugar na yon una kong na experience habulin ng bado o batang arabo na parang taga tondo hehe. Sadista!
Al Rashid Mall

Malaking Mall, yan at ang Alissa Souk ang kadalasang puntahan ng pinoy noon. Ngayon marami na raw bagong Mall doon at mas malaki pa.
Corniche

Ito ang sea side, yong may pulang linya. Parang Manila bay rin, kaya lang walang mga tugtugan. Itong unang part ay kadalasang tambayan ng mga iba’t ibang lahi pero kadalasan mga katutubo at pinoy parin. Marami rin pamilya ang nagpapalipas ng gabi dito, fishing para mga lalake, kwentuhan ang mga babae at habulan ang mga bata. Yong may pulang araw ang IPSA
Corniche 2

Dito naman ang mas magandang parte ng corniche. Dito maraming Restaurant at fast food. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang top view ng lugar na to.
Marami pa akong gustong i-share kaya lang eh hindi ko na makita hehe. Tsaka hindi ako sure kung yon ba talaga ang lugar hehe… Sana nag-enjoy kayo sa aking pag tour sa inyo…
Ito po si Jong ang inyong naging tour guide. Bwahaha
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
homesick ka na! hehehehe!
jong.. heheh..soreh sa balita.. hehe.. sabi ng nanay ko eh nde pa raw tlga tuluyang giniba ang ating alma mater… yung part lang daw ng canteen, bagay ni tito gary, yung bookstore, library… yun lng nmn daw.. so.. parang kalahati ng campus natin.. nalimas… kse daw papatayuan ng housing nung may ari nung lupa.. ewan ko lng kung san nila ilalagay yung mga tinanggal nila dun.. at nde ko na rin alam kung saan na titira c tito gary… kung ako sa knya.. umuwi namn cya ng pilipinas.. magbakasyon nmn cya.. heheh..
nagbabakasyon ba yun? arabo na ata yun eh..
bwahaha! –> e2 ang latest news..
masterbetong:: hindi naman masyadong halata no? hehe
masa:: naku ayos yan at hindi nilipat. Bakit papatayo ng housing dun. Baka dun na titira si tito gary.
Pagkakaalam ko hindi pa siya umuuwi simula ng napadpad siya dun, katulad yata ni manang susan.
naaalala ko ang kwento sakin ng tatay ko nung napadpad sya ng saudi. da best daw ang shawarma jan. sheeeeeeet!!
may mall pala sa saudi - well, setting aside na alam kong mayaman ang saudi dahil sa dami ng ginto at langis nito..
wala lang. disyerto kasi eh. ang init dun diba? pero sabi ng tatay ko - sa gabi daw, malamiiiig.
ayun. dumaan.
Hello jhong! Actually yung mall under construction na, ang laki nga.Yung bookstore andun pa rin, yung mga bus nasa labas na lang ng gate naka park, lumiit talaga ang sakop ng IPSA. Problema nga kapag naglipat ang school mapapalayo. Si manang susan matagal na sa pinas after her accident.
mga anak nina kd at ann sa IPSA din nag-aaral pati anak ng kumpare ko… lagi yan sina kd sa rashid mall hehehe may expansion pa yan di pa tapos… meron pang puntahan al-ramaniyah mall naman..
balik ka na d2 hehe
utakgago:: tama! masarap ang shawarma doon. kumpara mo naman dito sa pinas, may cheese yong dito haha..
extreme, magig sing, ang weather sa saudi. kung mainit eh sobrang init talaga kapag lumamig naman e manginginig karin sa lamig..
ate ann:: talaga? naks may gagalaan na ang mga estudyante na walking distance hehe. tsk tsk problema talaga yon kapag nalipat kasi pano na yong mga pamilya na lumipat pa sa tabi ng skul? tsk tsk
ay umuwi pala si manang susan, man yong accident na yon nakakatakot talaga.
kneeko:: oonga, hindi ko na yata sila naabutan. 2003 nung naggraduate kami e. Sige sana makabalik pa ako dyan hehe. bibisitahin ko mga bagong mall. haha
wow ang galing naman ng google earthm eh parang nakapunta na rin kami sa saudi. diba bawal ang camera doon? parang yun ang kwento sa kain, di ko lang alam kung totoo yun. buti pwede google earth. sa beverlyhills di makikita sa goggle eath, request ng mayayaman doon na hwag ipakita lugar nila
[…] I already have broadband which means I can play with google earth faster. Here’s a post from my other blog, written in tagalog. […]
Noi ci vedevamo tutti i giorni e un gioron decise di prtarmia casa sua ad i isoi genitori,i suoi geiintori furnoo molto felici e gli ero irmasta molto simpafica mi invitarono a prazzno e io ci rimasi,odoo si vvicinaava l’ora che lui doveva partire e non si fidava a lasciarfmi qui da solaw ocsì mi disse se volevo andare anche io li con lui prr un certo periodo io non avevo un ggran da fare e dissi di si ,anche per un mese solo.
che mi porta acqua fresca direttamente in casax,qualche pianta di ulivo e tanta di quella erba che non si fa intempo a tagliarla che ricrescfe subito sppecialmente quando piove,èì bello stare in mezzo al verde e passare le giornate intere però uqando il tempo te lo permette.
__________________
incontri gratis