Bawal ang Pikon
Posted on October 29, 2006
Sa tuwing manonood ako ng noon time show na eat bulaga ay maririnig ko na panay ang plug ng mga artista sa kani-kanilang show. Kapansin-pansin rin na ang karamihan sa mga ito ay sa iisang bar lang nagshshow. Madalas mong maririnig ang klownz, metrobar, punchline, at laffline sa kung saang parte ng Metro Manila. Pero ni minsan hindi ko pa nasusubukang makapasok sa isang comedy bar.
Noong Sabado ay birthday ni chie pero hindi siya ang may pakulo na magpunta ng comedy bar, si cris talaga. Kaarawan kasi ni cris noong 26 kaya nagcelebrate noong sabado. Nalaman kong sa laffline pala celebrasyon kaya medyo napailing ako at nagdalawang isip kung sasama. Malakas akong mang-asar pero alam ko baka hindi ko kayanin ang pang-aasar ng mga baklang guest sa bar.
Alas siyete ng gabi ng magpunta ako sa pad ni masa sa may vitocruz, nandoon na si estee at si chie. Makalipas ang mahigit isang oras ay dumating narin si pat. Alas-9 ng gabi ang usapan pero as usual late nanaman, may magandang rason naman kami. Alas-9 pa ang tapos ng klase nila mark kaya ganoon.
Halos alas-11 na kami nakarating sa Lafflyn. Sumalubong agad sa amin ang mga lalakeng ewan, at sinabi lang namin ang magic keyword at pinapasok na kami. VIP kung tutuusin kasi narinig lang yon ay sinamahan na kami sa aming puwesto at kinuha pa ang dala-dala naming cake.

Madilim ang lugar at sa lobby pa lang ay maririnig mo na ang pang-aalaska at performance ni ate gay. Direcho kami sa lugar namin, beso beso at kung ano pang batian. Pero wala namang batian ng itlog na nangyari.
Labas kaming 3 ni ian at masa dahil sa gutom, Mahal masyado ang pagkain sa loob. Hindi bababa ng isangdaan piso ang pagkain. at sino ba naman ang kakain doon sa loob? Madilim at nakakahiya rin kumain. Katabi ng laffline ang burger king kaya doon na lang kami. Nagmamadali kaming kumain at pagtapos ay bumalik agad, teka nagyosi pala muna sa labas.
Pagpasok ay napansin agad kami nung bantay at sabi ay doon yan sa magic word, ang sarap talaga parang VIP. Ihahatid sana uli kami kaya lang nagmatigas ako. Pagpasok namin ay humarang agad si ate gay na kakatapos lang pala magperform, mabait naman siya at mukhang hindi naman kakain ng tao pero mukhang kakain ng ano. Hehe Nagpapicture kami para masaya. Eto yong kuha naming dalawa. hehe

Ang lakas ng hiyawan ng mga tao, Ang lakas din mang-asar ng mga bakla. Sabi nga namin ni Patrick eh baka pwede na kaming mag-apply ng trabaho doon. Madali lang ang gagawin mo, mang-aasar, mang-okray, maglandi, at kung ano pang gusto mong gawin sa stage. Masaya pati ang mga tao. Pero may kondisyon, magiging bakla ka at magmumukhang hindi tao.
Kung may kina-iinisan kang kaibigan eh dalhin mo lang doon at isulat mo ang pangalan niya tapos bigay mo sa waiter para maibigay sa mga host at DJ. Kapag tinawag siya, tiyak na walang katapusang pang-aapi ang aabutin niya. Tulad ng nangyari kay masa, Hindi naman siya inapi pero parang inapi na rin ang mararamdaman mo sa ganun. Kaw ba naman ang halikan at molestiyahin ng mga bading dba? Ma-arouse ka syempre. haha At pagpantasyahan ba naman ang jacket mo. tsk tsk.

Kung lalake ka ay madalas na mangyayari ay ang pagmomolestiya at kung babae naman ay aapihin ka ng aapihin. Kung napikon ka malamang talo ka at payo ko sa yo na huwag ka ng pumunta sa comedy bar.
Pagkatapos ng pang-aasar ay ang show naman, dito makikita mo na magagaling ang mga baklang ito sa pagkanta. Kung pumikit ka ay aakalain mong tunay na lalake o babae ang kumakanta. Aakalain mo rin na nandon si Manny Pacquiao pero ang totoo eh si Poohquaio lang pala at aakaalin mong nanggaling siya sa isang New York comestic surgeon dahil sa sobrang kamukha talaga sila. Laughtrip talaga at wala kang maririnig na corny jokes.

Pagnatapos na ang lahat ay balik nanaman sa pang-aasar ang mga baklita. Tapos, tapos na. Alas-3 nagsasara ang bar. Wala ng mga tao pero kami nasa loob parin. Kwentuhan at kung ano ano pa.
Hindi naman ako nagsisisi na sumama ako doon. Sa katunayan ay masaya ako, nakakatanggal ng problema at wala lang. Nakakarelax talaga. Pero kung pikon ka at kung hindi ka marunong sumakay, wala wag ka na lang pumunta. Baka maiyak ka lang at pagtawanan ng mga tao. Sabi ko nga Bawal ang Pikon.
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Pwedeng pwede ka pla dun jong eh! hehe joke!
natatandaan ko nung nagpunta kami sa isang comedy bar… bday din ng tropa ko. eh yung isa kong tropa maliit lang na babae yun. nakakatawa kasi sabi malaki lang daw sya ng konti sa gasul! haha.
nakakatawa ng sobra kaso hindi ko naman maihagalpak ang tawa ko kasi baka mainis sakin yung friend ko haha.
habang tinatype ko to, natatawa ako! lolz.
Kakatuwa naman experienced nyo. Hindi pa rin ako nakakapasok sa ganyan pero sabi nga ng friend ko dapat di ka pikon dahil hindi birong panlalait ang gagawin syo ng mga stand-up comedian sa ganyan. Lalo na nga raw yung mga bading.
nung part nung nakita natin c ate gay… (scene)::
MASA:: “ate gay!! papicture nmn…”
ATE GAY:: “oo ba!.. bsta sex tayo mamaya ah!…”
– mga hirit tlga…
wla na tlga akong magawa kung minomolestya na ako sa stage… nde na rin nmn ako pwedeng umalis doon dahil lalung nde ako tatantanan ng mga yun..
pero naka-3 tlga sakin yung chas na yun…. hay.. tinatawanan ko na lamang ang memory na iyon.. heheh.. pero masaya tlga dun..
tara apply na tayo ng trabaho dun.. bka pwede na tayo…
na miss ko na mag ganito. last time nasa klownz ako.. grabe mahal din pero sulit bayad.
Haha masaya nga sa mga Comedy Bar kailangan tlga marunong ka din makipagtablahan! Hahaha!
Di pa din ako nakakapasok sa comedy bar. Sana ma-try ko din. Mukha talagang masaya base sa kwento mo. =D
Rob, ahah malaki ng konte sa gasul..
ate ann, try mo po kapag balik mo ng pinas. Enjoy talaga hehe.
Masa, ehehe kelangan impromptu daw para mas nakakatawa hehe
eric, haha buti hindi ka naokray
thian, yep. Kasi kung hindi, eh talo ka. iiyak ka na lang..
skwayred, Try mo. Masaya talaga sobra.
Never been to a comedy bar. Buti pa ang nanay ko. Hindi kasi ako sinasama kapag nanlilibre ang tita ko e! Haha!
di ako na okray kasi sinadya ko talaga na sa likod kmi puwesto. kakatakot kung nasa harap.. my good lord.
ahahah
Di pa ako nakakapasok sa comedy bar pero parang masaya nga. Nakakatawa naman talaga ang mga bakla medyo nakakatakot lang minsan pag yung may intensyon na di maganda.
apply ka sa mga comedy bar. cgurado tatanggapin ka.. wahehehe.
jhed, haha bakit di ka sinasama? syempre di mageenjoy ung mga un kapag andun ka hehe. Dba mahihiya un sa anak.
eric, baka ikaw ang nangOOkray! haha
jeeper, so truE!!
mics, haha sige kapag super desperado na ako hehe
hay lam mo jong…last dec.2 kc bday q..ang dami nmin sampu b nmn kme…ang dami inorder ewan q ilang san mig un tsaka may bayad din pla ung table e dpat isa lng,e ung isa kong supladong pinsan humiwalay doble tuloy…di q maimagine umabot ng 6thou ang bill..kayo nkamagkano kyo????knowing dun kyo kumain s labas ng bar…gagayahin nga kta kc balak q ulit bmalik kc tlagang masaya tlaga pumunta dun promise(khit di ako naokray)aun sana may manlibre s kin pra makabawe…hehe
majd,
ah saya ba? hehe
Hindi ko alam kung magkano yong binayad ng friend namin. Hindi lang kami ang bisita niya. May friends siya from UST. Madami kami, halos occupied namin ung isang elevated side, sa right side ng stage. hehe
Yep, sa burger king kami kumain kasi ang food sa loob ay mahal. Correct me if im wrong, no less than 150 ang pagkain? hehe
interesting blog,
I have a few friends that will love this site