Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Nov 02
Thursday
Daily Rants
Ang bilis ng panahon

Wow, Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Kahapon lang eh Halloween pala, ni hindi man lang kami nakapunta ng sementeryo. Nagtirik na lang kami ng kandila dito, symbolical daw kasi.

Sabi ko nga ang bilis lumipas ng panahon, parang kahapon lang yong birthday ko na lasing ako at hindi ko alam ang pinaggagawa ko. Tinulugan ko rin ang medya noche dahil sa kalasingan, nagising na lang ako dahil nagugutom ako.

Parang kailan rin lang yong tumungtong ako ng high school. Totoy na totoy pa ako noon, maliit parin ang totoy ko noon haha. Nandyan ang maliligaya at malulungkot na sandali. Noong nagkaroon ka ng kaMU, tuwang tuwa ka. Pero naranasan mo ring umiyak dahil sa mga problemang dinanas. Nandyan rin ang pagkaexcite ng mga Junior at senior girls sa pagpili ng kanilang prom dresses. At mga lalake rin excited makita ang mga girls na nagfefeeling maganda, well yong iba maganda talaga pero yong iba feeling lang.

Hay speaking of prom, eh ilang buwan na lang pala yon. Kaya mga girls eh dapat nagsisimula na sa pagpili ng kani-kanilang prom dresses at mga boys naman mamili na ng made-date baka ka maubusan. Kapag nangyari yon, matulog ka na lang at magsolo!

Malapit narin pala magpasko, Pasko nanaman na wala ang mga magulang. Tatlong taon narin kaming nagpapasko na kami kami lang magkakapatid plus the relatives of course. Mahirap lang kasi kami kaya di makalipad ng pinas sila inay at itay. Pasko nanaman, o kay tulin ng araw…

Hay, ang bilis ng panahon. Graduating na pala sa kolehiyo ang mga kabatch ko. Kaya pala busy siguro. Teka, please walang banggitan ng graduation. Nakakainsulto e hehe.

Teka, parang ang gulo ng post ko. Ang bilis kasi ng panahon, matulog nga muna uli…



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


6 Responses to “ Ang bilis ng panahon ”

  1. Minsan feeling ko kelan lang ang High School, ngayon, antanda ko na may panahon naman na parang yung isang buwan ilang taon na ang nakaraan.

  2. Nostalgic na naman si Jong. Nahahawa tuloy ako. hehehe

    Yebah! Graduating na! :D

  3. jeeper, tama ka don sa parang ung isang buwan eh ilang taon na ang nakaraan. ang saklap talaga haha

    jhay, hehe ganun talaga.

  4. wala pa ko masabi ang alam ko lng ay ang harapin ang napakalaking probleng hinaharap ko

  5. para sa akin ang panahon ay napakahirap harapin laloy nat haharapin mo ang panahon ng problema eeeeeeeeeeee ngayon na ang panahon ng problen kyA ako harapin ko na ang panahong ito its time to move on to handle my career and my lovefile if ever im dei im thanl to god yes tapos na panahon ng problema ko d2 sa lupa but i feel hindi pa problema parin panahon kung san ako patungo kung sa impyerno o sa langit if ever sa impyerno ok bka makasundo pa sa dimonyo joke aa langit n lng

  6. jong pasencia na po sa leave message ko sa inyong lahat


Post a Comment