Inis, asar, pissed

Posted on November 20, 2006

Naiinis ako ngayon
pero di ko alam bat ganon

Inis ako…
sa mga taong walang isang salita
sa mga matatalinong nagpapakatanga
sa mga tanga na nagpapakatanga
sa mga jologs na pilit nagpapakajologs
sa mga nagfefeeling sosyal
sa mga sosyal climber
sa mga insensitive na tao
sa mga hindi mukhang tao
sa mga feeling tao
sa mga feeling black
sa mga feeling gwapo
sa mga feeling maganda
sa mga feeling knife
sa mga pulitiko
sa mga ads sa shorts ni pacquaio
sa mga umakyat sa ring nung nanalo si pacquiao
sa mga nahuli sa balita na KO na si Morales
sa mga gustong grumaduate pero walang ginagawa
sa mga tamad!
sa mga nagtatamad-tamaran
sa mga tam_d(fill in the blank)
sa mga makakapal ang mukha
sa mga mas makakapal ang mukha
sa mga __________(kayo na ang bahala)

… basta ang alam ko inis ako ngayon. Inis, Asar, Pissed… Kulang na lang gilitan ko sa leeg si pacquiao para mailabas ko ang pagkasadista ko. Hay. Bakit pa kasi kelangan mainis, bakit pa kelangan may mga taong kailangan kainisan. ha?

Wala ka namang magagawa kung maiinis ka, wala kang magagawa dahil hindi mo naman kayang walisin at burahin ang mga taong ganito. Hindi natin kaya dahil habang buhay pa tayo, habang buhay din sila, habang buhay tayong maglolokohan at mag-aasaran… Habang buhay silang nariyan, at hindi na natin mababago yon.

Kailangan mo lang intindihin ang mga taong ganito. Kailangan pakisamahan at kailangan masanay ka na.

Naiinis ako… itutulog ko na lang to. Pero hindi ako umaasa na sana wala na ang mga nakakainis paggising ko.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

6 Comments so far
  1. ate ann November 20, 2006 3:35 PM

    Ang dami mo namang kinaiinisan, sige ka tatanda ka nyan. Tingnan mo na lang yung mga mga bagay na pwedeng makapagpangiti syo, like yung post mo sa comedy bar, kakatuwa yun. Wag mo na pansinin yung mga tamad sa paligid mo.

  2. manilenya November 20, 2006 4:30 PM

    grabeh siguro ginawa ng taong yan kung bakit lahat kinaiinisan mo tsk tsk tsk …. dapat dyan hindi pinagpapansin

  3. tiamy November 20, 2006 9:44 PM

    Anu yung feeling ‘knife’? Hhahaha…di ko alam. Sige ilabas mo lang ang sama ng loob para di ka matae. Tapos resume uli sa thesis…inuman uli…overnyt…gimik….kain….tulog…

  4. jhay November 21, 2006 8:16 AM

    So young yet so full of angst. hehehe
    Itulog mo na nga lang iyan, huwag lang sana masalubong mo ang isa sa mga kinaiinisan mo kapag nagising ka, hehehe

  5. tina November 21, 2006 4:10 PM

    its always you.. who makes the choice.. whether to be annoyed by something or not. :)

    anyway… take care. and i hope your inis goes away. :)

  6. staticblu3 November 21, 2006 9:59 PM

    ate ann, hehe nagmuni muni nga ako kanina e. haha

    manilenya, hindi naman. siguro medyo nasstress lang ako kaya ganyan ang inis ko.

    tiamy, haha hindi ko rin alam ang feeling knife, wala lang ako maisulat.

    jhay, hehe natulog ako pero bitin.. argh

    tina, nice one…