Sports Minded?
Posted on December 5, 2006
Kamusta kayong lahat? Medyo naging busy lang, kaya matagal ang update. As if…
Sports Minded ka ba? Mahilig ka ba sa sports? Eh ang sports ba mahilig sayo? Baka sa iba ka mahilig? Ikaw ha!
Maniniwala ka bang ,sa katawan kong ito, na sports minded ako. Tama ang narinig este nabasa pala. Oo, mahilig ako sa sports. Noong nasa grade 3 ako, nakahiligan ko ang magroller blades. Hindi ko lang nasubukan tumapak sa pipe pero nakakatalon ako at kung ano ano pa. Pero wala akong sariling roller blades kaya noong grade 5 ako nagpabili ako. Skateboard ba kamo? Meron kaming board pero hindi ko rin naigulong sa pipe, sa roof top lang ng apartment namin sa Saudi.
Nahilig rin ako sa baseball, kahit na pipityuging baseball lang. Gamit pa ang bola ng tennis at kung anong pwedeng gawing bat, maglalaro kami ng mga kaibigan ko sa dagat. Ang sarap ng feeling kapag ang lakas ng pagkakahampas mo ng bola. Parang totoo.
Basketball? Hindi ako masyadong nahilig sa basketball. Maliit at payatot ako noon, kaya sabi nila para ko daw pasan ang mundo kapag nagshoshoot ng bola. Kaya tinigil ko na, pero nong high school sinubukan ko uli. Shooting lang, nakakashoot naman pati sa tres pero hindi ko talaga nakahiligan lumaro ng whole court. Isa pa, hindi siguro para sakin ang larong yon. Mas kilala sa kuya ko ang larong to. Nong PE sa college nagkaron ng team sports at basketball lang ang pwede sa lalake. Wala kang choice, maglalaro o official ka. Syempre, no choice nga kaya naglaro ako kasama na aking purple team na natalo sa unang laro palang. Hindi ko rin kilala masyado ang mga kateam ko noon. Pero naka 7 points ako in a game. Akalain mo nga naman. Nabansagan din akong CPG o consistent point getter daw pwede rin center point guard at kung ano pang mabuo mo sa mga letrang yan.
Hindi pa uso ang badminton sa Pilipinas eh nakahiligan ko na ito, Kahit walang net basta palo lang ng palo sige! 4th year HS lang ako lumaro para sa intramurals namin. Doubles, syempre as usual panalo. Haha. Ewan ko ba kung bakit hindi ako sumali nong 1-3 year HS, mahiyain ako kasi at walang bilib/tiwala sa sarili.
Raket narin lang pag-uusapan, sinubukan ko rin ang table tennis. Usong uso to sa school namin noon kaya tinry ko. Hindi ako magaling pero pwede na siguro. 2nd year HS ako nong lumaban kami sa doubles sa intrams. 3rd ata kami ng aking pakner, tinalo kasi kami nong 4th year. Magaling talaga sila, kumpara samin. Yong raketa ko nasa saudi parin, na kay mark, please palitan mo na.
Ah, Uso ang tennis sa mga OFW. Hindi ako OFW, anak lang ng OFW. Hilig kasi ng family friends namin ang laro kaya sige sama. Dito nasubukan kong pumala at pakiramdam ko ako sa Federer habang kalaban ko si Nadal. Haha Pero nagmukhang baseball ang laro nong una. Kinarir ko rin actually, nagtraining kahit saglit kaya lang nahinto dahil sa init ng panahon. Hindi rin natuloy dahil sa lamig ng panahon at may pilay ang magtuturo. Palo palo na lang. Nangarap pa ako noon maglaro para sa bansa. Pero pangarap lang yon, pwedeng matupad at pwedeng mapako. Tinatag ko ang Philippine Tennis Online, dba sosyal. haha
Teka, Volleyball rin pala laro ko. 2nd yr HS ng magustuhan ko ang laro. Sa katunayan, muntik na naming matalo ang mga 4th yr nong Intrams. Pero syempre champion sila kami pangalawa lang. Pero ayos lang Champion naman kami nung umalis na sila hangang sa kami na ang 4th year. First 6 ako. Sa kasawiang palad, hindi ako nakapasok sa varsity team ng school namin. Dahilan? Sinungitan ko kabarkada ko nung tryouts. Tumawag kasi sa bahay at bagong gising ako, Wala sa mood hayun. Nagalit ako at hindi naka-attend. Hindi ako nakasali. Inggit ang naramdaman ko habang nakikita ko silang nagttraining at nakikipagcompete sa ibang school at teams sa khobar. tsk tsk
Bowling naman. Player si papa sa kanilang kumpanya sa ABB. Ang daming trophy na inuuwi tuwing magbabakasyon. Ayun naimpluwensyahan ako. Kalaro ko noon mga katrabaho ng tatay ko at family friends. Masarap ang larong to, pero masakit sa katawan pagtapos. Di kaya ang bigat ng bola. Tsk tsk. Nasubukan kong makilaro sa tournament sa ABB haha, seryoso! Hindi kasi naka-attend yong kateam nila papa kaya yon. Sabak ako. Mataas naman ang score ko pero hindi ko nasasabihin kasi mababa parin kung tutuusin hehe. Pinangarap ko rin maging Miyembro ng team philippines. Naks. Wala parin akong sariling bola hanggang ngayon. Sabi ni papa, kapag naabot ko ang 150 eh bibilhan ako. Naabot ko na pero hangang ngayon wala si bola. Tuwing bakasyon ng magulang ko, usually summer vacation, makikita nyo kami sa Pearl Plaza Bowling Center o kaya sa Coastal Mall Bowling Center.
Kung noon pa lang siguro, nahasa ako nagkaroon ng tamang training. Siguro kahit isa lang diyan sa kinahiligan ko eh nakalaro ako ng totoo. Totoo in a sense na nakasali ako sa tournaments. Sayang lang. hay. Frustrations nanaman.
Nga pala, Bakit ang tatanda ng players ng Philippine team sa Doha Asian Games? Hindi na ba mahilig sa sports mga kabataan ngayon? Dahil ba ito sa high tech na ang henerasyon ngayon? O Hindi lang binibigyang pansin ng Gobyerno ang sports sa bansa?
Sa basketball na lang ba tayo aasa? Eh alam naman nating kulang sa height ang ating mga players.
Eh sa boxing? Puro na lang si Pacquiao. Pero gumaganda ang estado ng philippine boxing ha.
Ah baka sa Bowling, hanggang ngayon naglalaro pa ba si Nepomuceno? Sa tennis kaya? Madaming may talent dyan.
Tennis? Wala bang homegrown talent? Teka, sikat ba to Pinas? Ah sa gobyerno ito hindi sikat! Sana bigyang pansin tulad ng badminton at ni pacquiao.
Badminton? Eto sikat to. Magkapatid na Asuncion. Buong Pilipinas naglalaro niyan, sana lang may Tumuntong sa taas.
Volleyball? Hmpf ewan.
Soccer. Maraming magaling. Tamang tama para pilipino, di kelangan ng height o kung ano pa man. Kaya lang, Mas gusto ninyo basketball dba? Tsk tsk.
Sa totoo lang, Maraming magaling. Maraming may gusto. Pero asan ang mga pasilidad, ang mga association. Asan ang Suporta. Hay naku po.
Hay, Kelan kaya makukuha ang unang medal ng Pinas sa Asian Games Doha. May tiwala akong may maiuuwi sila. Pero sa ngayon, Hay na lang.
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
sports? paborito ko lng manuod ng basketball, table tennis, football minsan… ehehe.. pero ang sports, di ako paborito.
sana d flagged toh.
Basta ako walang hilig ang sports sa akin. Isa akong dakilang couch potato. Pero at least may pake ako sa Asian Games. Kawawa naman RP, kulelat…