Kwentong Tambay at Gagong Gupit

Posted on December 7, 2006

Kwentong Tambay at Gagong Gupit

Nga pala, nong Tuesday nagliwaliw ako sa isang mall dyan sa makati. Kung ano ano lang ang pinag-gagawa ng isa gagong tambay.

Hinanap ko agad ang LBC para makapagbayad ng bill, after ilang minutes tapos agad kaya direcho ako ng National Bookstore(NBS). Naalala ko kasi ang libro ni Manong Batjay na pinamagatang Kwentong Tambay. Ayus! Konti na lang natitira kaya sige bili na, murang mura lang naman katumbas lang ng iyong peborit Magazine na FHM. Ang kinaibahan lang, mas nakaka-arouse itong libro ni batjay. haha

Bumili ka na nga, mapagkakamalan ka pang magnanakaw. Hindi naman. Napaka-stupid ng censor ng NBS. Tumunog na parang gago pagkalabas ko, ako naman balik agad alangan naman tumakbo ako edi deds agad. Chineck ni manong ang plastic pero alang tunog. Chineck rin ang bag ko, wala rin. Chineck pati wallet ko anak ng tinapa parang magkakasiya gamit dun a. Ayun wala ring natunog. Si Manong guard pala ang may sala. Ewan ko, Baka yong ballpen niya nakaw sa NBS, o kaya yong censor mismo. Bubu talaga.

Ikalawang hinto ko sa may Bench Fix. Kailangan ng magpagupit ng mga buhok sa katawan para magbago ang aura at baka may swerteng dumating. Pinaghahandaan din ang nalalapit na mga importanteng araw na kailangan gagong gupit ka. Hayan. Ang tagal kong naghintay, kung ano ano ginagawa nung nag-gupit sakin. Inisip ko na lang na may iba pa siyang sideline doon sa parlor. Kung ano man yon, ikaw na ang bahalang mag-isip. Clue: BJ as in Buko Juice. Ewan natin. Binasa ko na lang ang libro, na-arouse ako pagkita ko palang ng unang pahina. Ewan ko ba.

Ay siya, Nais ko lang kayong iinform na nakabili na ako ng libro ni Batjay. Dagdag nanaman sa mga babasahing libro. Ishashare ko agad ito sa mga kaibigan ko at sabay sabay kaming ma-aarouse haha.

Word of the day: Arouse.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

4 Comments so far
  1. jhay December 8, 2006 7:15 AM

    Naks, ayus ang bagong gupit ha. hehehe

    Malapit na ang Christmas break, gala to the max na naman, yun nga lang walang allowance, hehehe

  2. mics December 8, 2006 9:49 PM

    naks naman! dagdag wafu points!

  3. ayos - napatawa mo ako. ang galing ng gupit mo pare ko, bagay sa iyo. maraming salamat nga pala sa pagbili ng libro.

    sana bumili rin pati ang mga barkada mo.

  4. ayin March 6, 2007 8:28 PM

    nakakatuwa yung sinulat mo. haha. i like the way you write your sentiments. humorous. haha.