Update sa aking Buhay(Random Ito)

Posted on December 13, 2006

Update lang ng konti, kung mayron mang may pakialam dito…

Bakit ako nag-update?

1. Nagdown ang Youtube. Tae talaga! Nanonood ako eh, ayon nakakabitin tuloy. Patulo na ang mga butil ng tubig galing sa aking mga mata kaya lang nabitin nga…

2. Trip ko lang…

3. Ewan.

So, Kamusta naman ako?

Eto ayos naman, medyo papetix petix muna. Katatapos lang ng depens ng aming final thesis nong Sabado. 9AM pa lang nandoon na kami, 1030 kasi ang sked namin. Namove ng 1PM daw kasi basta, sa totoo lang hindi ko alam. Tae talaga! Kaya ayon, nagkape muna sa starbucks. Nagtanggal ng antok at nagkwentuhan narin.

Medyo, kabado ako nong depens day. Akalain mo bang biglang nagsulputan ang mga bugs ng system, parang pimpol na bigla na lang naglitawan. Tangina talaga. Buti na lang medyo mababait, actually nong proposal namin eh hindi sila mababait, sila noong araw na yon. Pasado alas dos na ng hapon ng makapagpresent kami. Hindi ako mapakali dahil walang laman ang tiyan ko, kape lang. Tapos haluan mo pa kawalan ng tulog at mga nakakatakot na panel.

Ayun, matapos ang matagal na presentation eh pinalabas kami para magdeliberate na ang mga panel. Ang tagal nila kami pabalikin, pakiramdam ko sasabog na ang mata ko pati narin ang kung ano pang pwedeng pumutok sa akin. Exhausted ka na nga nong araw na yon, tapos mararamdaman mo pang pangit ang resulta ng depens. Ilang minuto nakalipas at tinawag na kami. Pasok kami ng thesismates ko, habang ako eh nakayuko lang at inaantay ang pagsabi nila na. Jong, you’re out! ngek… Nagulat ako ng sabihin nilang minor na major revisions na lang daw. Syempre tuwang tuwa kami kasi ayaw narin naming magre-depens. Ayun nga, ang daming pinadadagdag na may katwiran naman sila. Mas mapapaganda nga naman yong game kung idadagdag namin yong suhestyon nila. Sa dokyu konti na lang ang pinuna nila, Siguro naawa samin kasi medyo late na talaga kami pati sa graduation. Hindi ko na kailangan pang i-describe ang itsura ko nung mga panahong yon. Basta ang alam ko, natatae na ako at gustong gusto ko ng makauwi.

Sobrang saya nung araw kaya sinulit ko kahit wala pa akong tulog ng mahigit bente kwatro oras na. Youtube, gunbound etc.. Sarap e…

Sa totoo lang, bukas ko pa lang kakalikutin uli yong system(mamaya pala). Sarap ng term, kakalikutin. Tinatamad pa ako at hindi ko parin tapos yong pinapanood ko sa youtube. Taeng youtube, biglang nagdown kasi.

Kaninang lunch pala dapat imemeet ko yong friends ko, kaya lang medyo nagkaproblema dito. Sana hindi sila nagalit sakin. Next time na lang. Pramis!

2 hours pa lang ang tulog ko. Natulog kasi ako ng 7am at nagising ng around 9am…

Malapit na palang magpasko. Tsaka ko na ililista ang mga wish list ko. Basta ngayon e masaya na ako dahil medyo maganda nga ang mga pangyayari. Nakakatuwa pero may halo paring lungkot. ewan ko ba.

Isa pa. May nararamdaman akong kakaiba. Kung ano man yon, akin na lang muna.

O siya, ang habang update na to. baka makatulog ka na dyan.

As usual, nonsense post.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

8 Comments so far
  1. jhay December 13, 2006 7:09 AM

    Sabi ko naman sayo eh, sa dulo ng paghihirap may ginhawa at sarap. Parang yung ….. hehehe
    Congrats at more or less successful ang defense nyo. :)

  2. jeeper December 13, 2006 9:33 AM

    Ang dalas nga mag-down ng youtube lately, nakakaasar minsan. Parang napasama pa yata ang takeover ng google. Let’s see muna.

    Congrats sa Defense, pinaghirapan nyo yan. At least one weigh off your shoulders na ya yan. Baka ma-miss mo yung times na ginagawa nyo yan… yung iba kasi ganun.

  3. tiamy December 13, 2006 11:42 AM

    Congrats uli sa defense! Sana tapusin mo na agad para pare-parehas tau start sa Accenture. Pangit kasi kung kami uling thesis mates ang nagsabay sabay. Dapat nandun ka….equalizer.
    Ayun…kami na lang kumain ni Lani. Heheh..Next time na lang uli..Ayiee…kayu ni CJ may planong lunch huh?
    Gawin mo na yang thesis para pahinga na talaga…

  4. mics December 13, 2006 9:44 PM

    graduating ka na ba? final thesis mo na ba yan? congrats! ano system na ginawa nyo? :P

  5. ade December 13, 2006 11:57 PM

    Nag post ka! Is that good or bad?

  6. master December 14, 2006 2:36 PM

    Oo nga! at last nag-post ka!

  7. Nostalgia Manila December 18, 2006 6:39 AM

    It’s been a great year for bloggers. May you prosper in the new year!

    Wishing you a Merry Christmas and a Happy New Year!

    –Nostalgia Manila

  8. Josh March 25, 2007 4:19 PM

    Pa help naman… ano b magandang Thesis gawin about computer…… paki message nlng sa friendster. add me up Dezireman25@yahoo

    thx… it will help a lot