…kih kih …ngihsaL
Posted on December 23, 2006
Am I? or Am i not? Deal or no Deal
Kagabi medyo lashing nanaman si pareng jong. Nagkameron kasi ng inuman dito syempre sagot ni pareng jong ang kalahati. Tamang trip lang: hit hit, tugtog, shot shot… Naka-isang case rin kami ng grande Red horse. Lima lang kami, yong isa parang bading na nagpapass kasi madaling nahihilo.
Matapos magpagalingan sa gitara, pero isa lang talaga ang magaling, eh naisipan kong magbike. Tama! Ayus pantanggal amats. Kaya lang ingat lang baka maslide tulad ng nangyari sakin. Napagkasunduan naming magpinsan na magsimba after mag-inom. 4:30am ang simba, mga alas 3 na kami natapos uminom. Wala ng tulog tulog, ligo ligo, toothbrush. Pero hindi yan totoo, hindi lang kami natulog. Ang sarap ng feeling, ng nakatayo sa may simbahan tapos parang gumegewang at tutumbo ka na at gusto mo ng palitan ang pari sa pagsesermon.
Napansin ko na maraming kabataan ang nagsisimba tuwing simbang gabi. Napansin ko rin na maraming lasing. Napansin ko rin na nagiging date ang pagsisimba. Napansin ko rin na ang jologs ko kagabi. Napansin ko rin na yong babaeng nasa likod ko eh tingin ng tingin sa akin, at nakangiti siya nung nag peace be with you. Gusto ko sanang sabihin fuck you. Kaya lang respeto man!
Dumating sa bahay at bumili ng noodles. Niluto si noodles, hinahalo halo nilagyan ng itlog at presto. Sarap pampainit sa tiyan na punong puno ng alkohol. Ang sarap naring humiga matapos kumain at humigop ng makapasong dila na sabaw.
Gising ng alas onse ng umaga kasi sasama sa Makati para magwindow shopping at kung ano ano pa. Anak ng tete naman, ang trapik. Inabot kami ng mahigit isa’t kalahating oras papuntang glorietta. Galing kami ng Villamor. Siyet. Pati sa pag-uwi ganun ang nangyari. Moral Lesson? Layuan ang biyahe para mas matagal ang biyahe.
Habang pauwi tinext ako ng isa kong kabarkada at nagyaya sa bahay nila. Aba maghahanda pala si tita kaya ako e sige go lang! Hindi ko narin sana pupunta dahil antok na ako pero wala talo ako, gusto ko ng libreng pagkain. Mwahaha alas 8 ng gabi ng dumating ako roon. Di pa luto ang mga pagkain kaya nagchat muna. Pero hindi ko na ikukwento yon…
Matapos ang kulitan at tusukan ng puwet eh namahinga na kami tapos naglabas na ng malamig na redhorse. Yam. Courtesy of Tita, ang tita ng bayan. Apat lang kami. Ako, rean, lon, roy at dumagdag si joseph nong bandang huli na. Naka onse bote kaming redhorse. Ang lamig, Ang sarap ng BBQ at ang sarap lang.
Mga alas 3 y media natapos ang inuman, kulitan, at kwentuhan. Nakituloy muna ako kin rean pero wala ring nangyari. Hindi ako makatulog kaya pinilit ko na lang umuwi. Inantay ko ang LRT kasi ayaw ko magjeep. Trapik sa danger zone libertad at ayaw kong matyempuhan ng kung ano man yon.
Marami akong nalaman nung pauwi na ako. Alas 5 pala nagbubukas ang LRT, pero bwaka ng inang sekyu yan. Dumaan na ang unang train pero tulog parin. Kaya ayon ang tagal dumating ng next train. Sumunod naman ay mahirap pala magbalance sa LRT kapag lashing o may amats ka. Madilim pala kanina. 20 pesos na lang ang frenzy condom, 3 piraso yon. Parang lashing magmaneho mga driver. Ang dami palang nagsisimbang gabi. Nalaman ko rin na masarap magbiyahe ng may amats. Amoy chiko ka na at pinagtitinginan ka pa.
Ay shet ang haba ng post. Inaantok na ako. Hindi na ako lashing. Naligo ako pagdating ko kanina kaya eto nakapagpost agad. inaantok na ako. Next time kwentong tungkol sa lashing naman ikukwento ko para hindi nakakasawa. Puro kalashingan na lang kasi e.
ps.
Parang tanga lang yong kapitbahay nila Lon kanina. Ang bubu kumanta, sana kinanta niya na lang ang My we(my way) at baka sakaling makanta niya ito sa kabilang buhay.
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
kaasara ung mababaho sa lrt. nde ka sana lagi isa sa mga un
shit!!ka nga tlaga eh!noh