Mga Listahan
Posted on December 31, 2006
***Nalate ng post… Kahapon dapat eto…
Woot. Ika-30 na pala ng Disyembre. Kita mo nga naman, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang eh ika-29 lang ng disyembre ngayon eh 30 na. Bilis no? Tapos bukas e 31 na. Kaarawan na ng pinakakupal na tao sa balat ng kabayo.
Dahil dyan eh ililista ko na ang aking wishlist. Kasama narin dito ang wishlist ko ng pasko. Kaya wala ng paligoy ligoy pa, eto na sila.
Gusto ko ng…
Bagong Celphone. N73 yong Music Edition. Medyo Maglilimang taon na kasi ang aking celphone kaya malaki na siguro ang presyo nun sa antique shop.
Macbook. Eh sa gusto ko e. Basta gusto ko ng bagong laptop.Ipod Nano or Video. Hanggang ngayon eh wala pa akong Ipod. Napag-iiwanan na ako ng panahon. At sira narin ang earphones ng aking lumang Mp3 Player kaya kelangan ng palitan.
Digicam. Kahit ano basta yong maliit, yong sa sony. Para picture picture tayo tapos post narin sa friendster.
External HD. Para may imbakan ako ng mga downloaded movies and stuff…
World Peace…Maraming Pagkain at french fries…
Unlimited supply ng starbucks coffee o kaya seattle’s best.
Kahit ano na lang…
Ang ayos ng listahan ko no? Napakaorganisado kong tao. Dahil diyan naisipan kong ilista narin ang aking mga resolution sa darating na bagong taon.
Eto na sila…
Babawasan ang pag-inom ng alak at eventually e hindi na uminom. Slight lang. haha
Babawasan ang paghithit ng yosi at eventually hindi na rin hihithit.
Matutulog sa tamang oras.
Kakain sa tamang oras at plato.
Maliligo. Magdedeo. Maghihilod. Magsasabon. hehe
Basta wala na akong maisip. Next year ko na lang babaguhin yong iba. Para may matira naman.
God Bless sa inyong lahat dear Readers, kung meron. and Have a Prosperou New Year…
Cheers!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
mahal yung MAXTOR na external HD.. heheh… mga nsa 3K riyals d2 sa saudi.. hehe.. mahal chong..
mamaya tingnan ko kung magkano yung N73.. hehe.. pero kung ako sayo.. yung N95 na lang.. hehe.. kaso mahal yun jan sa pinas.. at wla pa d2 sa saudi.. hehe.. marami ka na nmng pera eh.. kapag binenta mo yung luma mong phone.. antigo na yan eh..
soreh kung yung digicam.. hehe.. bibilhin ko na mamaya.. hehe.. inaawitan ko na yang digicam na yan dati pa.. hehe..soreh..
Hahaha! Nakakamangha talaga, halos pareho tayo ng Christmas wishlist. Maliban lang sa bagong phone at Sony na digicam, Cannon kasi gusto ko. hehehe
Ganoon din sa new year’s resolution, halos pareho rin yun nga lang yung part na nagkapareho tayo hindi ko sinama sa blog post ko. Naguiguilty tuloy ako, kakatpos ko lang mag-inom kagabi,
Sya! Good luck at sana’y mabigyan katuparan ang ating mga minimithi!
may pa slight slight ka pa dyan..ahaha
syempre