SAWAKAS!

Posted on February 7, 2007

WARNING: EMO POST

***Kung tinatamad kang basahin ito, Punta ka na lang sa multiply account ko at tignan at pagnasahan ang mga graduation pictures namin doon…

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na graduate na ako. Sawakas! Yan lang ang masasabi ko. Pagtapos ng ilang taong pagpupuyat, pagcram, at kung ano ano ang kalokohan, Eto ako ngayon ninamnam parin ang tuwa at ligaya na nararamdaman.

Noon, bago palang ako magkolehiyo,hindi ko naisipang kumuha ng ganitong kurso at pumasok sa Mapua. Mahirap, mabilis at patayan ang systema. Ganon din ang kurso, hindi basta basta. Pero dito parin ako bumagsak.

Maraming nabago sakin nong nagkolehiyo ako. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa, malayo kasi kami sa magulang namin. Kumapal ang mukha ko kahit papano, akalain mo ang mahiyang jong noon ay nagiging leader at nakikisalamuha sa kung kani-kaninong tao sa loob ng campus.

Mahirap talaga sa kolehiyo, hindi tulad ng sa highschool na konteng aral at kopya pasado ka na. Dito kelangan mo ng tiyaga, sipag, determinasyon at kung ano ano pa yan. Kasi kung wala ka nyan, malamang sa malamang ay hindi mo kakayanin ang mundo na gagalawan mo pagtapos nang kolehiyo. Yon ay kong makatapos ka. Nandyan ang mga pahirap na prof na tuwang tuwa at pilit kang hinahatak paibaba. Pero hindi mo kailangan magpahila, kailangan mong maging matatag at iahon ang iyong sarili. At kung tuluyan kang lumagpak dahil sa pagkakahatak sayo, kailangan mong matutong bumangon at isipin na hindi don nagtatapos ang lahat. Maging challenge ito at hindi balakid tungo sa iyong mga pangarap.

Sa panahon ng paghihirap at pagtitiis, nandyan mo makikita ang mga tunay mong kaibigan. Nandyan sila para ipaalam sayo na hindi ka nag-iisa. Na pare-pareho kayong nahihirapan at sabaysabay kayong magkokopyahan. :D Na sa konteng kwentuhan lang ay mawawala yong mga bagay bagay na nagpapalungkot sayo.

Akala ko noon hindi ako malulungkot pagtapos ng kolehiyo, Pero nagkamali ako. Hindi ko na madalas nakakasama yong mga taong halos ilang taon kong nakasama, nakakopyahan, nakatawanan, nakalokohan, at kung anu-ano pa. Wala na yong mga cramming moments at sleepless nights. Wala na yong hiraman ng machine problems. Wala na. Wala na yong kape kape, chismisan at siraan kapag hindi nakikicooperate ang miyembro ng grupo. Wala na ang mga kinaiinisan mong mga prof pero sa totoo lang masaya ka kasi kung hindi dahil sa kanila hindi mo malalaman yong mga nalalaman mo ngayon. Mga prof na kunyari terror pero sa totoo lang gusto ka lang nilang matuto. I admire them for what they do and I owe them a lot.

Mamiss ko yong mga yon. Pero hinding hindi ko kakalimutan yong mga memories na iniwan nyo sa buhay ko. Masaya, malungkot, panget o maganda kahit ano pa yan.

Dahil parang speech narin ito, allow me to thank my parents. Kung hindi dahil sa kanila, siguro wala akong blog ngayon at hindi ko isinusulat ang mga bagay na nandito ngayon. Hindi siguro masaya. Salamat sa tatay ko, na sinurpresa kami sa kanyang pag-uwi. Sa mga kaclose ko, alam nila na nalungkot ako nong nalaman kong hindi makakauwi erpat ko. Pero yon, a day before may graduation, bigla siyang dumating. Para sainyo itong success na ‘to! Sawakas…

Sa mga barkada ko na nandyan parati tuwing weekends. Kape, yosi, alak… Mga stress na tao na kelangan ng konting bisyo “kuno”. Kwentuhan marathon kahit paulit ulit. Salamat ng marami! Next year na ang blowout! joke!

Sa mga Mapua friends, the best kayo! Ang galing nating magprogram! haha… Palitan nyo lang ng tamang variables ha? hehe

Sa mga friendly friends. Salamat!

Sa mga kabatch kong naggraduate, the best tayo haha… Masaya ang graduation kahit pangit ang Graduation song natin ayus parin. Ang dami nating pictures kaya iupload nyo na.

Sa mga kapwa bloggers na walang sawang nagbabasa(plastik na nagbabasa.. joke) at naiinis sa mga emo blogs ko. Salamat sainyo! Sa mga comments nyo, salamat.

Sa mga special sa buhay ko, siguro naman kilala nyo kung sino kayo. Salamat! Kayo ang inspirasyon ko at magiging inspirasyon ko hangang sa huli.

Sa Diyos, Salamat! Wala akong masabi. THE BEST KA!

SAWAKAS! Nakagraduate rin.

SALAMAT SA INYONG LAHAT!

Anong naghihintay sa akin? Hindi ko pa alam…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

19 Comments so far
  1. eric February 7, 2007 6:05 PM

    ayuz! congrats! ano plano after grad?

    BLOWOUT NAMAN JAN. KAHIT KAPE MASAYA NA AKO!! AHAHAHAHAH

  2. skwayred February 7, 2007 8:17 PM

    Congrats and good luck sa career na tatahakin mo! Hehehe, ako din malapit na. :P

  3. Jhed February 8, 2007 1:33 AM

    Oh wow!

    Congrats ha! BLOWOUT! BLOWOUT! BLOWOUT! LOOOOOL. Naku, get ready for the real world. ;)

  4. tiamy February 8, 2007 10:24 PM

    Haaay…
    Kahit hindi tayo flying with colors proud na proud pa rin tayu dahil nag survive tayu sa nonstop na quarter system ng mapua…

    Congrats sayo at sa ating lahat. Enjoy muna ang pahinga then sabak na sa work para may pera ng pang blow out…hehe

  5. mr nice ash February 9, 2007 3:03 AM

    tinamad talaga akong magbasa. sobrang haba. hehehe. anyway, Congratulations!!!

  6. Jaypee February 10, 2007 1:45 AM

    Sa wakas may update na din! Hehe

    Congratulations ulit pareng Jong! Parang panaginip lang ba yon paggraduate mo? Hehe

    Iba talaga ang College sa Highschool. Hindi pwede yon tatamad-tamad ka. It’s good that College made you a better person. Kasi yon iba, baliktad. Pagdating sa college dun napapasama. Saka mabuti rin na kumapal yon mukha mo at hindi ka na mahiyain kasi malaki ang maitutulong nyan pag nag apply ka sa trabaho at pag nagtatrabaho ka na.

    Ako, binabasa ko talaga mga post mo ha! Hindi ako plastik! LOL

    Da best talaga ang Dios! :D

    San mo plano mag apply ng trabaho? May mga prospect ka na ba? God bless!

    @ash - Hindi mo binasa yon buong post ni Jong? Plastik ka! Joke! Sobrang haba ba? LOL

  7. jhay February 11, 2007 10:23 AM

    naks! Congratulations! Graduate na! hahaha

    Welcome to the world of unemployment. ;)

  8. arvin February 11, 2007 7:03 PM

    nakanaks! ga-graduate na may speech pa! hahaha :D

  9. staticblu3 February 12, 2007 12:18 PM

    salamat sainyong lahat.. hehe

  10. staticblu3 February 12, 2007 12:22 PM

    i disabled the matriphe keycode plugin..

  11. yen February 13, 2007 2:08 AM

    mabrook (congrats in arabic).. finally!!! ang sareap ng feeling ng nakatapos diba.. pero once u face the real world… baka gustuhin mong bumalik uli ng skul………….

    anyhoo… goodluck sa job hunting mo….goodbye skul, hello corporate world na…

  12. mr nice ash February 14, 2007 6:06 AM

    @jaypee, tinamad ako nung tapos ko na basahin. hehe…

  13. Rob February 15, 2007 8:36 AM

    una sa lahat, congratulations dude!!!

    pangalawa, kapag grumadweyt naman, hindi ibig sabihin non ay maghihiwalay na kayo ng mga friends mo… dadalang ang pagsasama pero, tropa parin no matter what.

  14. jepoy February 15, 2007 2:19 PM

    congrats! :D

  15. eric February 16, 2007 7:27 PM

    jongski!!!!!!

    nasaan na ang kape ko!!! ahaha

  16. Ivan About Town February 21, 2007 3:19 PM

    Just dropping by and checking out the Pinoy blogosphere! :)

  17. benj February 28, 2007 3:05 AM

    I guess some congratulatory remarks are in order?
    :)

    Congratulations, man. Good luck sa buhay after college.

  18. LVL March 2, 2007 3:17 PM

    hi Admin Jong! Congrats congrats! PTO is very proud of you. May mga job offers ka na ba? email me your cv.

  19. Ang pagbabalik : GeekLamador March 6, 2007 11:00 PM

    […] Hello mga repapips! Isang buwan na mula noong last entry ko at napakawalang kwenta pa noon. Eto ako ngayon nagbabalik. Salamat sa mga dumaan, nagbasa, at nakiusyoso. Salamat narin sa mga nanghusga at nanglait. […]