Posted on March 20, 2007
Filed Under Daily Rants | 6 Comments
Noong bata ako, mga 20 years ago, eh parati kong naririnig sa TB kapag komersyal na ng Jollibee. Isa pa, isa pa, isa pang chicken joy. Yon lang. Baw!
Sa totoo lang, medyo nahihirapan akong ilagay yong ka-isa isa pang link dito sa entry ko. Hindi ko alam kung pano ko didiskartehan. Eh ganito kasi yan, Kailangan kong ilagay ang George Lindemann Jr. na link dito sa entry ko para alam na. Basta ganon. Wag na maraming tanong. Parang nahirapan kasi ako nung binuksan ko yong link. Medyo parang hindi related dun sa laman ng link at sa pangalan ng link. Pero yon. Kaya eto ako ngayon. Naguguluhan at nag-iisip. Pano nga kaya?
Hay. May masusuggest ka ba? hehe
Sige na. kakain muna ako ng chicken joy para mailagay ko yong link…
Posted on March 20, 2007
Filed Under Daily Rants | 3 Comments
Wow, Marso nanaman. Nararamdaman ko nanaman ang init. In short, nag-iinit ako. Yeah Babeh!
Masaya tuwing summer. Ligo sa beach, may panahon ka para makapaghilod at magpaitim hanggang sa masunog na ang batok mo at pwede ng taniman ng kung ano anong halaman. Isa pa, masaya kasi walang pasok. Saya magrelax. Masaya!
Pero kinaiinisan ko tuwing bakasyon ay ang biyahe lalo na kung magcocommute ka lang. Pauwi ng probinsya ay inaabot ng limang oras, Manila to Zambales. Medyo nakakainit ng puwitan. Hindi narin ako sanay sumakay ng bus. Pero ewan ko ngayon. Wala kaming sasakyan ngayon at sobrang babait ng mga kamag-anak namin kasi wala ata silang balak pasabayin kami sa kanilang mga sasakyan. Kapal muks kasi doon naman sila makikituloy sa bahay kubo namin.
Siguro panahon na para magtingin ng sasakyan. Kahit 2nd hand lang o pwede rin yong brand new basta kaya ng bulsa. Pwede siguro magtanong sa mga Rolls Royce dealers noh? Afford naman namin yon kapag nangurakot kami tulad ng mga ehem ehem. haha. Pero seryoso. Ano ba ang magandang sasakyan ngayon? Saan ba ang magandang puntahan ngayon summer? Hmm.
Ang ganda talaga ng post ko. Nakakaloko! haha
Posted on March 19, 2007
Filed Under Daily Rants | 1 Comment
Takatak o takatak boys ang tawag sa mga nagtitinda ng tingi tinging candy at yosi sa kalsada dito sa pinas. Pwede ring takatak girls kung babae sila dba? Pero onli in da pilipins yan. San ka ba nakakita ng tingi tingng yosi na bibilhin? Aba kung meron e nagkamali ako.
Eh ano naman ang tawag sa mga tagapangalaga ng baboy?
Read more
Posted on March 19, 2007
Filed Under Daily Rants | 3 Comments
Unang una sa lahat ay hindi ko po iniendorso si John Osmeña sa darating na halalan. Ikalawa at hindi ko po siya iboboto. At ikatlo, hindi po ako nakarehistro. At Bakit? Kasi hindi ako nakahabol. Baka sabihin mo wala akong kwentang mamamayan, Pero sa totoo lang. Ayaw ko rin bumoto baka may daya nanaman. sayang lang.
Posted on March 18, 2007
Filed Under Daily Rants | Leave a Comment
Haha, naging expression na namin magbabarkada ito ngayon. Logic!
Ang buhay daw ay parang programming at dapat kailangan mo daw ng sandamakmak na logic. Ewan ko kung bakit, imbento ko lang kasi yon.
Habang nakaupo ang magbabarkada, naisipan ng isa nilang gago ang maglaro ng larong pangtanga. Tulad ng Pupunta ako sa Party ng Conservatory of Music, sasama ka ba? Around the world, Harry’s world, Gubat ni Tarzan, at ang pinakamaganda, ang Happy Island. Siguro at malamang sa malamang eh alam mo ang mga larong ito. Pero kung hindi, eh ewan ko na lang sayo kung tao ka pa.
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...