Ang pagbabalik
Posted on March 6, 2007
Hello mga repapips! Isang buwan na mula noong last entry ko at napakawalang kwenta pa noon. Eto ako ngayon nagbabalik. Salamat sa mga dumaan, nagbasa, at nakiusyoso. Salamat narin sa mga nanghusga at nanglait.
Eto na ang pagbabalik ko. Asahan nyo ang mga post na di napapanis at mga post na napapanis narin. Mga post ng isang kumag na pilit paring hinahanap ang kasiyahan sa buhay at ang tunay na pag-ibig haha. joke. Sana nga maibalik ang dating sigla nitong blog na ‘to kung meron man non dati. At higit sa lahat, magbabalik na ako. Oo tama ang nababasa nyo. Mababasa nyo nanaman ang mga hinaing ng dati’y kolehiyong gago na ngayong fresh grad at professional bummer.
Bakit ako nawala?
Busy busyhan ang lolo nyo. Naghahanap ako ng trabaho, actually. Pinag-aagawan nila ako kaya sumasakit ang ulo ko, Pero sa panaginip ko lang yon.
Basta-basta, Mas regular na magbablog na siguro ako ngayon. Ewan ko, pero totoo na to. Next post ko next month uli. Kita-kits na lang haha.
Sa totoo lang walang ideyang pumapasok sa kukote ko. Puro pira-pirasong ideya na ang hirap pagtagpitagpiin. Minsan napagtatagpi-tagpi nga pero nagmumukha namang basahan na minabuti na lang ipampunas sa mga dumi kesa ipaglantaran sa harapan ng pinto. Aba’y akalain mo nga naman.
Anyway, dahil sa graduate na ako, Mababasa nyo na siguro ang mga hinaing ng isang fresh grad na nilalabanan ang tinatawag quarter life crisis. Kaya puro rant at kalokohan nanaman ang mababasa dito…
Update update lang, parating nanaman ang check ko galing sa Text Link Ads. Ang dami ko ng pera woohoo (pero joke lang yan). Hindi ko pa naiipapalit kasi tumaas ang pagbukas ng dollar account sa banco de oro. Dati ay $100 lang ngayon e $200 na. Hindi ko afford kaya accord na lang. Oh no! Sabi naman nung miss na nakausap ko e 6 months naman ang validity non so may pag-asa. Speaking of pera at cheque, sawakas e naabot ko na ang 100 dollar sa google adsense. Oha oha oha.. So kailan kaya ito darating.. Abangan! Sana di manakaw tulad ng kay jepoy.
Ano pa ba? Wala pa namang matinong post. Bukas na siguro. Napapadalas kasi ang labas ko ng bahay kaya gumana ang mga brain cells ko. Sana totoo na to.
Hanggang sa muli… Paalam!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Naks, may trabaho na. hehehe
Hindi mo pa rin napapapalitan ang cheke? E-mail ko na lang sa iyo ang name nung friendly money changer dito sa amin sa Cavite. Hindi ko na kasi kinailangan magbukas ng dollar account sa mga banko.
Congrats sa paparating na AdSense check. Pareho lang tayo nag-aabang. Woot!
Good luck sa paghahanap mo ng trabaho!
Anyway, i-t-try ko nga ulit yang Google Adsense. Dati kasi di umepekto sa akin. Hehe.
Maligayang pagbalik Jong! Hehe
Good luck sa paghahanap ng trabaho. Sana makapili ka na sa mga kompanya na nakikipagagawan sayo. Hehe
Wow, may parating na naman na TLA check? Sakin wala pa rin bumibili ng link sa TLA ko. Sucks!

Pero I’ve also reached the $100 sa Adsense last month. Hopefully hindi manakaw mga Adsense checks natin.
job hunting ka na pala ngayon.. goodluck at sna makahanap ka ng matinong work.. at buti ka pa mkakatanggap n ng cheques sa adsense at tatanggap uli from TLA.. bakit ako wla p kya?? nkakainis naman.. naiinggit 2loy ako sayo…
Nananakaw ba ang Adsense?! OMG! Kinabahan tuloy ako. Baka kapag nakuha ko yung sa akin ay manakaw din. Aw.
Standard ba nilagay mo? Hehe.
jhay,
wala pang trabaho hehe… hindi ko parin napapapalitan. Buti sabi sa BDO 6 months naman daw un kaya ok lang. san ba sa cavite yan? turo mo naman para may pera na ako hehe…
skwayred,
salamat. Try mo uli tapos gawa ka ng bagong blog ung english hehe
jaypee,
salamat hehe. anyway, may check nanaman. may kita nanaman ako as affiliate
yen,
salamat. hintay hintay ka lang darating din yan..
jhed,
may instance na hindi dumarating minsan nakukuha daw ng iba tapos hindi ko alam kung pano nila napapapalit. standard nilagay ko. mahina pa lang ang kita sa adsense ko e hehe…